“Pagkilos nang may Pananampalataya upang Makahanap ng mga Sagot: Pagsulong, Pagtitiwala sa Panginoon,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagkilos nang may Pananampalataya upang Makahanap ng mga Sagot: Pagsulong, Pagtitiwala sa Panginoon,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Doctrinal Mastery: Lesson 163
Pagkilos nang may Pananampalataya upang Makahanap ng mga Sagot
Pagsulong, Pagtitiwala sa Panginoon
Maaaring mahirap hintayin ang kalooban at itinakdang panahon ng Ama sa Langit para makatanggap ng mga sagot sa ating mga tanong tungkol sa ebanghelyo. Maraming kuwento sa Lumang Tipan na nagpapakita kung paano nagpatuloy ang mga tagasunod ng Diyos sa paggawa ng mga pagpili na nagpapakita ng kanilang pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya habang naghahanap ng mga sagot. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang naghahanap sila ng mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023). Maaari silang maghandang ibahagi kung bakit sa palagay nila ay mahalaga ang ating mga kilos kapag naghahanap ng mga sagot sa mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paghihintay sa Panginoon para sa mga sagot sa mga tanong
Maaari kang magpakita ng mga larawan mula sa ilang kuwento sa Lumang Tipan tungkol sa mga taong kumilos nang may pananampalataya sa Panginoon. Maaari kang magtalaga sa maliliit na grupo ng mga estudyante ng isang scripture passage na pag-aaralan kasama ng isa sa mga larawan. Maaari kang pumili ng mga kuwento gaya ng:
-
Ang tapat na babae ng Zarefta sa panahon ng taggutom (1 Mga Hari 17:7–12).
-
Si Naaman na naghahangad na pagalingin ang kanyang ketong (2 Mga Hari 5:1–3, 9–10).
-
Ang tawag kay Enoc na ipangaral ang ebanghelyo (Moises 6:26–28, 31).
Maaaring basahin ng mga estudyante ang bahagi ng kuwento na nagpapakilala sa mapanghamong sitwasyon (mga reference na nasa mga panaklong sa itaas) at sagutin ang mga sumusunod na tanong. (Sa huling bahagi ng lesson, pag-aaralan ng mga estudyante kung paano kumilos nang may pananampalataya ang mga indibiduwal na ito.)
-
Paano nangailangan ng pananampalataya sa Panginoon ang kalagayan ng taong ito?
-
Anong mga alalahanin o sitwasyon ang maaaring kaharapin ng mga tinedyer ngayon kung saan kinakailangan nilang kumilos ayon sa kanilang pananampalataya sa Panginoon?
Kung magiging kapaki-pakinabang para sa mga estudyante na tumukoy ng mga halimbawa ng mga tanong sa makabagong panahon, maaari mong ipanood ang video na “Kumilos nang may Pananampalataya: Ang Kantero” (4:57), mula sa time code na 0:00 hanggang 1:48, at anyayahan ang mga estudyante na alamin ang mahihirap na sitwasyong kinaharap ng dalawang tinedyer na ito. Maaari mong tulungan ang mga estudyante na tukuyin ang mga naging tanong ng mga tinedyer. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isulat sa kalahating bahagi ng pisara ang mga tanong.
4:56Pagkatapos matukoy ng mga estudyante ang ilang tanong, maaari mo silang anyayahang sagutin sa kanilang study journal ang sumusunod.
-
Kailan ka nagkaroon o ang isang kakilala mo ng mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo?
-
Ano ang ilang bagay na nagawa o magagawa mo para mapalapit sa Tagapagligtas kapag mayroon kang mga alalahanin o tanong tungkol sa ebanghelyo?
Ang pagkakaroon ng mga tanong o alalahanin tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, o sa Kanilang ebanghelyo ay normal. Ang tatlong alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman ay makatutulong sa atin na masagot ang mahihirap na tanong o alalahanin. Ang mga alituntuning ito ay makatutulong sa atin na maunawaan kung paano mananatiling malapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang naghahanap tayo ng mga sagot.
Ang pananampalataya ay isang alituntunin ng pagkilos
Maaari mong ibahagi sa mga estudyante na ang lesson ngayon ay tutuon sa unang alituntunin: Kumilos nang may pananampalataya. Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong katotohanan: Kapag may mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo, maaari tayong kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng…
Maaari mong kopyahin sa pisara ang sumusunod na chart at anyayahan ang mga estudyante na humanap ng kahit isang paraan para makumpleto ang katotohanan na nakasulat sa bold letter mula sa bawat talata.
Basahin ang talata 5, 6, at 7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023), at maghanap ng mga paraan kung paano kukumpletuhin ang pahayag sa pisara.
|
Kapag may mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo, maaari tayong kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng… | |
|---|---|
|
Talata 5 | |
|
Talata 6 | |
|
Talata 7 |
-
Gamit ang bawat talata, paano ninyo kukumpletuhin ang pahayag sa pisara?
-
May iba pa bang paraan para kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo na idaragdag ninyo sa listahang ito?
Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang pahayag gamit ang mga parirala tulad ng:
… patuloy na pagsunod sa mga kautusan. (talata 5)
… pag-asa sa kung ano ang alam na natin na totoo. (talata 6)
… pagtitiwala sa Ama sa Langit hanggang sa makatanggap tayo ng mga sagot. (talata 7)
Maaari mong gamitin ang sumusunod para bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na suriin kung gaano nila magagamit ang bawat isa sa tatlong pahayag na ito upang matugunan ang kanilang mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo.
Maglaan ng ilang sandali upang pagnilayan ang mga paraang ito kung paano kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo kapag mayroon kang mga tanong. Sa scale na 1 (maliit) hanggang 5 (napakalaki), gaano kalaki ang iyong kumpiyansa na kumilos nang may pananampalataya sa Tagapagligtas sa ganitong mga paraan? Bigyang-pansin ang mga pahiwatig mula sa Espiritu upang madagdagan ang iyong kumpiyansa sa mga aspeto kung saan alam mong maaari ka pang umunlad.
Mga pagkilos na nagpapakita ng ating pananampalataya kay Jesucristo
Maaaring gamitin ng mga grupo ang mga sumusunod na reference para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kuwento sa banal na kasulatan na sinimulan nila sa simula ng lesson, at alamin kung paano kumilos ang tao nang may pananampalataya sa Panginoon.
-
Ang tapat na babae ng Zarefta sa panahon ng taggutom (1 Mga Hari 17:13–16)
-
Si Naaman na naghahangad na pagalingin ang kanyang ketong (2 Mga Hari 5:11–15)
-
Ang tawag kay Enoc na ipangaral ang ebanghelyo (Moises 6:37–39; 7:12–13)
Kung ipinalabas mo ang simula ng video na “Kumilos nang may Pananampalataya: Ang Kantero” sa unang bahagi ng lesson, maaari mong ipalabas ang wakas nito mula sa time code na 1:49 hanggang 4:57. Anyayahan ang mga estudyante na alamin kung paano pinagpala ng Panginoon ang mga tinedyer nang kumilos sila nang may pananampalataya sa Kanya.
Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagbabahagi ng mga ideya na makatutulong sa isang tao na kumilos nang may pananampalataya kapag may mga alalahanin o tanong tungkol sa ebanghelyo. Ang isang paraan kung paano ito magagawa ay ipakita ang mga sumusunod na tagubilin.
Isipin na kunwari ay inanyayahan kang magbigay ng payo sa isang taong may mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo. Pumili ng kahit dalawa sa sumusunod upang kumpletuhin:
-
Tukuyin ang mga paraan kung paano maaaring kumilos ang taong ito nang may pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
-
Anong mga kautusan ang maaari niyang patuloy na sundin?
-
Ano ang inaasahan mong alam o naaalala ng taong ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
-
Ano ang maaari niyang gawin para ipakita ang pagtitiwala sa Kanila?
-
-
Humanap ng kahit isang doctrinal mastery o iba pang scripture passage na makatutulong sa taong ito na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo.
-
Humanap ng pahayag mula sa isang lider ng Simbahan na maaaring makatulong sa taong ito na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo.
Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa kapartner ang payo na maaari nilang ibigay. Maaari mo ring bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan nila sa pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang naghahanap ng mga sagot o mga pagpapala sa ebanghelyo.
Gumawa ng plano na kumilos nang may pananampalataya
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng plano na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo kapag may mga tanong o alalahanin sila tungkol sa ebanghelyo. Ang isang paraan kung paano ito magagawa ay ibahagi ang mga sumusunod na prompt na sasagutin sa kanilang study journal. Kung may sapat na oras, maaari mong anyayahan ang mga handang estudyante na ibahagi ang isinulat nila.
-
Ang isang bagay na nais kong tandaan tungkol sa pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo ay .
-
Ang isang bagay na nais kong gawin upang kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo sa susunod na magkaroon ako ng mga tanong o alalahanin ay .