Seminary
Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong: Buod


“Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong

Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong

Buod

Ang pakikibahagi sa doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang kanilang espirituwal na saligan kay Jesucristo. Bilang bahagi ng doctrinal mastery, matututuhan ng mga estudyante ang mahahalagang passage sa banal na kasulatan at matutuhan at maipamumuhay rin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman: kumilos nang may pananampalataya, suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw, at hangarin ang higit pang kaalaman sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos. Ang mga alituntuning ito ay makatutulong sa kanila na matugunan ang mga tanong o alalahanin habang pinapanatili ang pananampalataya kay Jesucristo.

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Makabubuting ituro ang mga lesson na ito sa simula ng school year. Kung pamilyar na ang iyong mga estudyante sa docrinal mastery mula sa mga nakaraang taon, maaari mong iiskedyul ang Lesson 161: “Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan” sa kalagitnaan ng school year. Maaaring gamitin ang lesson na ito para ipaalala sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na nauugnay sa doctrinal mastery habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Pagpapatibay ng Inyong Espirituwal na Saligan

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano mapagpapala ng doctrinal mastery ang kanilang buhay at kung paano ito makatutulong sa kanila na maitayo ang kanilang espirituwal na saligan kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Helaman 5:12 bago pumasok sa klase. Maaaring maghanap ang mga estudyante ng mga pagpapalang ipinangako para sa pagtatayo ng kanilang saligan kay Jesucristo.

  • Nilalamang ipapakita: Sitwasyon sa unang bahagi ng lesson

  • Video:Ano ang Doctrinal Mastery?” (3:56)

Paghahangad ng Personal na Paghahayag para sa Aking mga Tanong

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila makatatanggap ng patnubay at paghahayag mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang “Pagkilala sa mga Pahiwatig ng Espiritu Santo” mula sa bahaging “Paghahayag” ng Mga Paksa at Mga Tanong sa Gospel Library. Habang nagbabasa ang mga estudyante, maaari nilang isipin ang mga tanong nila tungkol sa pagtanggap ng paghahayag mula sa Ama sa Langit. Maaari nilang itanong ito sa klase. Bilang alternatibo sa paggamit ng Mga Paksa at Mga Tanong, maaaring basahin ng mga estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:10–13 at alamin ang ginawa ni Joseph Smith para hangarin at maghanda na tumanggap ng paghahayag.

  • Nilalamang ipapakita: Mga personal na tanong na pag-iisipan ng mga estudyante sa unang bahagi ng lesson, tanong tungkol sa mga smartphone sa kalagitnaan ng lesson

  • Mga item na ipapakita: Isang smartphone o isang larawan ng smartphone

  • Mga Materyal: Mga larawan ng mga smartphone mula sa handout sa lesson

  • Video:Receiving Revelation” (4:17)

Pagkilos nang may Pananampalataya upang Mahanap ang mga Sagot

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang naghahanap sila ng mga sagot sa kanilang mga tanong tungkol sa ebanghelyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2023). Maaari silang maghandang ibahagi kung bakit sa palagay nila ay mahalaga ang ating mga kilos kapag naghahanap ng mga sagot sa mga tanong o alalahanin tungkol sa ebanghelyo.

  • Mga Larawan: Ang babae ng Zarefta; Naaman; Enoc

  • Video:Kumilos nang May Pananampalataya: Ang Kantero” (4:57)

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa payo na maibibigay ng mga estudyante sa bahaging “Mga kilos na nagpapakita ng ating pananampalataya kay Jesucristo” ng lesson

Pagsusuri sa mga Paksa at mga Tanong sa Ebanghelyo nang may Walang-hanggang Pananaw

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng isang object lesson o analohiya na makapaglalarawan ng kahalagahan ng pagtingin sa mga bagay mula sa ibang pananaw. Maaari silang bigyan ng pagkakataong magbahagi ng kanilang mga ideya sa unang bahagi ng klase.

  • Mga Larawan: Dalawang bagay na parehong mukhang totoo mula sa limitadong pananaw; magkaparehong item mula sa ibang pananaw na nagpapakita na ang isa ay totoo at ang isa ay hindi

  • Mga Materyal: Piraso ng papel para sa bawat estudyante

  • Video:Pagsusuri sa mga Tanong nang may Walang-hanggang Pananaw” (2:56)

Pagbaling sa Sources na Itinalaga ng Diyos para Makahanap ng mga Sagot

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na hangarin ang katotohanan mula sa sources na mapagmahal na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung aling sources ang inaasahan nila kapag may tanong sila tungkol sa mga sumusunod: homework, interes o libangan, mga pangyayari sa kasaysayan, ebanghelyo at Simbahan ng Tagapagligtas. Anyayahan silang pagnilayan kung bakit sila bumabaling o umaasa sa sources na tinukoy nila.

  • Mga Larawan: Isang huwad na larawan at tumpak na larawan sa simula ng lesson; Hinarap ni Satanas si Moises

  • Video:In Search of Truth” (3:03)

  • Nilalamang ipapakita: Tanong sa dulo ng bahaging “Mahiwatigan ang katotohanan sa kamalian” ng lesson; tatlong maling pahayag sa bahaging “Pagsasanay” ng lesson

  • Mga Materyal: Maliliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante; isang lalagyan kung saan mailalagay ng mga estudyante ang kanilang mga papel