“Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
Buod
Ang mga banal na kasulatan ang mga paraan na ibinigay ng Diyos para matuto tayo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Gayunpaman, mayroon tayong magagamit na mga tool para matulungan tayong maging mas epektibo sa ating mga pagsisikap na mapalapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng banal na kasulatan. Makatutulong ang mga lesson na ito sa mga estudyante na maunawaan at maisabuhay ang paggamit ng mga sumusunod na tool: tumuon sa Tagapagligtas, maghanap ng mga katotohanan ng ebanghelyo, paglalagay ng anotasyon sa mga banal na kasulatan, anyayahan ang Espiritu Santo, at gumawa ng mga paghahambing para matukoy ang mga ipinahiwatig na katotohanan.
Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Ang mga lesson na ito ay maaaring ituro anumang oras. Gayunman, maaaring epektibong ituro ang isa o mahigit pang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa simula ng school year, pagkatapos ay ituro ang isa pang kasanayan kada ilang linggo. Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na matutuhan at mapraktis ang mga kasanayang ito sa buong taon.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.
Pagtuon kay Jesucristo sa mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na tumuon sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na hanapin ang mga kabatirang natutuhan nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang ginagawa nila ang kanilang personal na pag-aaral o kasama ang pamilya sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Anyayahan silang pumasok sa klase na handang ibahagi ang nalaman nila.
-
Nilalamang ipapakita: Pahayag mula kay Elder Christofferson; larawan nina Shadrac, Meshac, at Abednego sa nagniningas na hurno; Mga hakbang para makatulong na magtuon sa Tagapagligtas sa pag-aaral ng banal na kasulatan
-
Video: D. Todd Christofferson “The Blessings of Scripture” mula sa time code na 10:49 hanggang 11:21
Paghahanap ng mga Katotohanan ng Ebanghelyo sa mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapahusay ang kakayahan nila na mahanap ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa mga banal na kasulatan na makatutulong sa kanila na mas mapalapit sa Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na markahan o itala sa kanilang mga banal na kasulatan ang isang bagay na natutuhan nila mula sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Pagkatapos ay maaari nilang hilingin sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya na basahin ang parehong scripture passage, ibahagi ang natutuhan nila mula rito, at ihambing ang mga natutuhan.
-
Mga Materyal: Magdala ng saging o prutas na may balat na hindi karaniwang kinakain; o magpakita ng larawan nito
-
Handout: “Paghahanap ng mga Katotohanan sa mga Banal na Kasulatan”
-
Nilalamang ipapakita: Magpakita ng mga tanong mula sa bahaging “Ipaliwanag” ng “Tukuyin ang mga ipinahiwatig na katotohanan”; magpakita ng mga tagubilin mula sa bahaging “Magsanay” ng bahagi ring iyon
Paglalagay ng Anotasyon sa mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson Matututuhan ng mga estudyante ang paglalagay ng anotasyon sa kanilang mga banal na kasulatan sa paraang makatutulong sa kanila na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na itanong sa ilang tao sa kanilang pamilya, ward, o branch kung ano ang nalaman nilang kapaki-pakinabang sa pagmamarka ng mga banal na kasulatan. Dapat ay dumating sa klase ang mga estudyante na handang ibahagi ang natutuhan nila.
-
Mga item na ipapakita: Magdala ng personal set ng mga banal na kasulatan, mainam na unang set ng personal na mga banal na kasulatan
-
Nilalamang ipapakita: Magpakita o sumulat ng isang talata ng banal na kasulatan (mas mabuti kung isang Doctrinal Mastery verse) sa pisara
-
Handout: “Sanayin ang Paglalagay ng Anotasyon sa mga Banal na Kasulatan”
-
Mga Video: D. Todd Christofferson, “The Blessing of Scripture” mula sa time code na 13:51 hanggang 15:05; “A Marking System That Works for You” (1:56); “Pagha-highlight” (hindi pa nailathala); “Pagtatala” (hindi pa nailathala); “Pagli-link” (hindi pa nailathala)
Mga kilos na nag-aanyaya sa Espiritu Santo sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Magsasanay ang mga estudyante ng mga kasanayan na nag-aanyaya sa Espiritu Santo sa pag-aaral ng banal na kasulatan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga ideya na maaari nilang ibigay sa isang kaibigan para tulungan silang mapahusay ang kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Maaari silang humingi sa iba ng mga ideya na idaragdag sa kanilang listahan.
-
Mga larawan: Dalawang stick figure na idodrowing sa pisara
-
Mga Materyal: Maliit na papel para sa bawat estudyanteng walang journal
-
Video: Elder Stevenson, “Mga Pahiwatig ng Espiritu” mula sa time code na 10:20 hanggang 10:41; Pangulong Oaks, “2.3.1. I Love My Daily Scripture Study” mula sa time code na 0:24 hanggang 1:08; Elder D. Todd Christofferson, “When Thou Art Converted” mula sa time code na 3:25 hanggang 4:19
-
Nilalamang ipapakita: May apat na punto ng pagtuturo sa bahaging “Magsanay” ng “Pagnilayan ang mga banal na kasulatan”
Gumawa ng mga Paghahambing
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na paghambingin ang mga banal na kasulatan upang matukoy ang mga ipinahiwatig na katotohanan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang Moises 4:1–2, at alamin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa pagitan nina Jesucristo at Satanas. Anyayahan sila na pag-isipan kung bakit maaaring maging kapaki-pakinabang na gumawa ng mga paghahambing sa mga banal na kasulatan.
-
Nilalamang ipapakita: Tatlong tanong sa unang bahagi ng lesson; ang larawan ng Kapulungan sa Langit
-
Mga Materyal: Magdala ng kaunting asukal at asin; o magpakita ng larawan ng mga ito
-
Larawan: Larawan ng asin at asukal; larawan ng Kapulungan sa Langit