Seminary
Isaias 60–66: Ang Paghahari ng Tagapagligtas sa Milenyo


“Isaias 60–66: Ang Paghahari ng Tagapagligtas sa Milenyo,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 60–66: Ang Paghahari ng Tagapagligtas sa Milenyo,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 58–66: Lesson 129

Isaias 60–66

Ang Paghahari ng Tagapagligtas sa Milenyo

One oil on paper painting.  Shows the figure of Christ in white robes, hands extended to the sides.  Clouds, sun and moon in the background.  Figure is rising from brown tomb.  Green tree on right side.

Sa mundong puno ng kaguluhan, lahat tayo ay naghahangad ng mga sandali na may kapayapaan. Ang Tagapagligtas na si Jesucristo ay babalik sa lupa at maghahari sa loob ng isang libong taon, na magsisimula sa panahon ng kapayapaan. Ipinropesiya ni Isaias ang panahong ito, na tinatawag na Milenyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng higit na kasabikan para sa Ikalawang Pagparito at paghahari sa milenyo ng Tagapagligtas.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang nalalaman nila tungkol sa Ikalawang Pagparito at paghahari sa Milenyo ng Tagapagligtas. Anyayahan silang pagnilayan kung inaasam nila ito at bakit. Maaari nilang itanong sa isang magulang o pinagkakatiwalaang nakakatanda kung ano ang nadarama nila tungkol sa pagbabalik ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Milenyo

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung bakit magiging napakalaking pagpapala sa ating buhay ang pagbabalik ng Tagapagligtas, maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagtatanong ng sumusunod:

  • Ano ang ilang problema sa mundo na hinihiling ninyong mabago?

Maaari mong isulat sa pisara ang ilan sa mga sumusunod na parirala para matulungan ang mga estudyante na makapag-isip ng mga sagot:

  • Mga dahilan kung bakit umiiyak o nasasaktan ang mga tao

  • Mga halimbawa ng karahasan, pagiging hindi patas, o pagkawasak

  • Ang impluwensya ni Satanas

Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ang anumang problema sa inyong buhay o sa buhay ng mga mahal ninyo na hinihiling ninyong mabago. Habang nag-aaral kayo ngayon, hangarin ang patnubay ng Espiritu Santo habang naghahanap kayo ng mga katotohanang maaaring makatulong sa atin at sa mundo.

Ang mga huling kabanata ng Isaias

Magpakita ng larawan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas at ipaliwanag na itinuturo ng mga banal na kasulatan na sa hinaharap, ang Tagapagligtas ay babalik sa lupa at maghahari sa loob ng isang libong taon. Ang panahong ito ay tinatawag na Milenyo.

Ang mga huling kabanata sa aklat ni Isaias ay naglalaman ng mga turo at propesiya ni Isaias tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas at sa Milenyo.

Basahin ang sumusunod na talata, at markahan ang mga parirala na nakatutulong sa inyo na makadama ng pananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas:

  • Isaias 60:18–20

  • Isaias 62:11–12

  • Isaias 65:17–25

    Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang ilan sa mga pariralang nahanap nila at kung bakit nila inaasam ang pagbibigay ng Tagapagligtas ng pagpapalang ito. Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng mga parirala na nagpapakita na madadaig ng Tagapagligtas ang mga problema ng mundo. Kabilang sa ilang halimbawa ang:

    • “Hindi na maririnig sa iyong lupain ang karahasan“ (Isaias 60:18)

    • “Ang mga araw ng iyong pagtangis ay matatapos“ (Isaias 60:20)

    • “Ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa“ (Isaias 65:19)

    • “Sila’y hindi mananakit o maninira man“ (Isaias 65:25)

    Ang paghikayat sa mga estudyante na markahan ang mga parirala sa mga banal na kasulatan na ibinahagi ng kanilang mga kaklase ay maaari ding maging epektibo.

  • Paano ninyo ibubuod ang gagawin ng Tagapagligtas para sa Kanyang mga tao sa Kanyang pagbabalik?

Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng iba’t ibang katotohanan. Maaaring tulad ito ng sumusunod: Dahil sa Tagapagligtas, matatamasa ng Kanyang mga tao ang kaligayahan, kapayapaan, at kasaganaan sa Milenyo. Maaari mong isulat sa pisara ang alituntuning ito, o ang isang alituntunin na tulad nito, gamit ang mga salita ng mga estudyante.

Pagpapalalim ng pag-unawa

Patingnan ang larawan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Anyayahan ang mga estudyante na alalahanin ang nalalaman at nadarama nila tungkol kay Jesucristo.

  • Sa palagay ninyo, bakit hahantong sa kaligayahan, kapayapaan, at kagalakan ang pagparito sa lupa ni Jesucristo?

Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ang anumang tanong ninyo tungkol sa Milenyo at sa mga pagpapala ng pagbabalik ng Tagapagligtas. Ang Panginoon ay naghayag pa tungkol sa paksa.

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong.

Pumili ng isa o dalawa sa sarili mong mga tanong tungkol sa Milenyo o sa mga sumusunod na tanong na pinakainteresante para sa iyo. Gumugol ng ilang minuto sa paghahanap ng mga sagot sa mga banal na kasulatan at mga source na itinalaga ng Diyos. Maaaring kapaki-pakinabang ang bahaging may pamagat na “Milenyo“ sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at Mga Paksa at Mga Tanong sa ChurchofJesusChrist.org.

  1. Ano ang ibig sabihin ng ang Panginoon ay “[lilikha] ng mga bagong langit at bagong lupa?“ (Isaias 65:17). Basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:25–26 at Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10. Isipin kung ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas at sa Kanyang nadarama para sa mabubuti.

  2. Magkakaroon ba ng kamatayan sa panahon ng Milenyo? Ano ang ibig sabihin ng dahil sa Tagapagligtas, ang isang bata ay “mamamatay na may isandaang taong gulang?“ (Isaias 65:20). Basahin ang Doktrina at mga Tipan 101:29–31 at pagnilayan ang itinuturo sa inyo ng mga talatang ito tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas.

  3. Ano ang mangyayari kay Satanas dahil sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Basahin ang ilan sa mga sumusunod na talata: Doktrina at mga Tipan 45:55, 101:28, 1 Nephi 22:26, at Apocaplisis 20:1–3. Isipin ang itinuturo sa inyo ng mga talatang ito tungkol sa Panginoon.

  4. Ano ang mga magiging tungkulin ng Tagapagligtas sa panahon ng Milenyo? Ano ang gagawin niya? Basahin ang Doktrina at mga Tipan 29:11 at 45:59 at Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10.

  5. Ano pa ang inihayag ng Panginoon tungkol sa Milenyo? Basahin ang ilan sa mga sumusunod: Doktrina at mga Tipan 45:54, 56–58; 101:26–29; at “Milenyo“ sa Mga Paksa at Mga Tanong sa ChurchofJesusChrist.org.

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang natutuhan. Maaari mong itanong kung paano nakatutulong ang kanilang natutuhan na madagdagan ang kanilang pananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas at sa Milenyo.

Kung itatanong ng mga estudyante kung ano ang ibig sabihin na si Satanas ay “pa[wa]walan sa maikling panahon“ (Apocalipsis 20:3) pagkataposng Milenyo, anyayahan sila na basahin ang Doktrina at mga Tipan 88:111–115.

Pagsasalarawan sa isipan ng natutuhan mo

Maaaring maging epektibo kung minsan ang pagsasalarawan sa isipan ng natututuhan mo. Ipikit ang iyong mga mata at isalarawan sa isipan ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas at kapag Siya ay maghari sa lupa sa panahon ng Milenyo. Manalangin na tulungan ka ng Espiritu Santo na gawing makabuluhan ang aktibidad na ito para sa iyo. Isalarawan sa isipan ang pagbabalik ng Tagapagligtas at kung paano ka Niya maaaring pagpalain, ang iyong mga mahal sa buhay, at ang buong sangkatauhan.

Maaari mong basahin ang sumusunod na pahayag mula kay Elder Andersen, at anyayahan ang mga estudyante na isalarawan ang kanilang naririnig.

Pinatotohanan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Former Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.   Replaced September 2019.

Ang ideya na darating Siya ay nagpapasaya sa aking kaluluwa. Magiging kagila-gilalas iyon! Ang saklaw at karingalan, ang lawak at kadakilaan, ay hihigit sa anumang nakita o naranasan na ng tao.

… Magpapakita Siya “sa mga alapaap ng langit, nadaramitan ng kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian; kasama ang lahat ng banal na anghel” (Doktrina at mga Tipan 45:44).

… Luluhod tayo sa pagpipitagan, “at ang Panginoon ay mangungusap sa kanyang tinig, at ang mga dulo ng mundo ay makaririnig nito” (Doktrina at mga Tipan 45:49) …

Magkakaroon ng di-malilimutang pagkikitang muli ang mga anghel ng langit at ang mga Banal sa lupa (tingnan sa Moises 7:63). Ngunit higit sa lahat, tulad ng ipinahayag ni Isaias, “Makikita ng lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios,” (Isaias 52:10) at Siya ay “maghahari sa lahat ng laman” (Doktrina at mga Tipan 133:25). (“Dumating Nawa ang Kaharian Mo,” Liahona, Mayo 2015, 122)

Sabihin sa mga estudyante na isulat sa kanilang study journal ang natutuhan nila ngayon tungkol sa Tagapagligtas at kung ano ang nadarama nila sa Kanyang pagbabalik. Anyayahan ang mga boluntaryo na ibahagi ang mga naisip at nadaman nila. Maaari mo ring ibahagi ang iyong mga naisip at nadama.