“Isaias 58–66: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Isaias 58–66: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Isaias 58–66
Isaias 58–66
Buod
Sa pamamagitan ni Isaias, nangako ang Panginoon sa mga nag-aayuno at pinapanatiling banal ang araw ng Sabbath. Ipinropesiya rin ni Isaias ang misyon ng Tagapagligtas, ang Ikalawang Pagparito at ang Milenyo.
Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay. Mabuting malaman ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Tagapagligtas, ngunit kailangan din nating matanto ang mga paraan kung paano natin naranasan ang mga ito. Ang pag-anyaya sa mga estudyante na pagnilayan ang mga personal na karanasan kung kailan nila nakita ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon ay makatutulong sa kanila na mas mapalapit sa Kanya. Makikita ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 128: “Isaias 61.” Para matuto pa, tingnan ang “Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 8).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Isaias 58:1–12
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng hangaring mag-ayuno sa paraan ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung ano ang nadarama nila tungkol sa pag-aayuno at bakit. Maaari din nilang hilingin sa isang magulang o pinagkakatiwalaang kaibigan na ibahagi ang kanilang mga naiisip at nadarama.
-
Video: “Fast Offerings: A Simple Commandment with a Marvelous Promise” (3:01)
Isaias 58:13–14
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na igalang ang Panginoon sa araw ng Sabbath.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang nalalaman nila tungkol sa pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa araw ng Sabbath. Maaari silang gumawa ng listahan ng mga bagay na sa tingin nila ay ginagawa nila nang mabuti para mapanatiling banal ang araw ng Sabbath.
-
Video: “Ang Sabbath ay Kaluguran“ (14:46) mula sa time code na 3:27 hanggang 4:41
Isaias 61
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kumpiyansa sa kakayahan ng Tagapagligtas na pagalingin, palayain, at panatagin tayo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang mga katibayan na nakita nila sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pinagagaling, pinapanatag, at pinasisigla ni Jesucristo ang mga tao ngayon. Hilingin sa kanila na dumating sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga naisip.
-
Nilalamang ipapakita: Paanyaya na humingi ng personal na paghahayag habang pinag-aaralan ang Isaias 61.
-
Larawan: Larawan ng babaeng dinudugo
-
Video: “Feeling the Lord’s Love and Goodness in Trials” (4:18)
Isaias 60–66
Layunin ng lesson: Tulungan na makadama ng higit na kasabikan para sa Ikalawang Pagparito at paghahari sa Milenyo ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang nalalaman nila tungkol sa Ikalawang Pagparito at paghahari sa Milenyo ng Tagapagligtas. Anyayahan silang pagnilayan kung inaasam nila ito at bakit. Maaari nilang itanong sa isang magulang o pinagkakatiwalaang nakakatanda kung ano ang nadarama nila tungkol sa pagbabalik ng Tagapagligtas.