Seminary
Isaias 58:13–14: “Tinawag ang Sabbath Bilang Isang Kasiyahan”


“Isaias 58:13–14: ‘Tinawag ang Sabbath Bilang Isang Kasiyahan,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 58:13–14: ‘Tinawag ang Sabbath Bilang Isang Kasiyahan,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 58–66: Lesson 127

Isaias 58:13–14

“Tinawag ang Sabbath Bilang Isang Kasiyahan”

South Africa.  Members attending church on Sunday, young woman listening in Sunday School class.

Itinuro ng Tagapagligtas na ang araw ng Sabbath ay ibinigay upang pagpalain ang Kanyang mga tao (tingnan sa Marcos 2:27). Anong mga pagpapala ang nakita mo sa pamamagitan ng paggalang sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa araw ng Sabbath? Sa Isaias, nalaman natin na kung igagalang natin ang Ama at ang Anak sa Kanilang banal na Sabbath, ang araw ay magiging isang pagpapala sa atin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na igalang ang Panginoon sa araw ng Sabbath.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang nalalaman nila tungkol sa pagsamba sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa araw ng Sabbath. Maaari silang gumawa ng listahan ng mga bagay na sa tingin nila ay ginagawa nila nang mabuti para mapanatiling banal ang araw ng Sabbath.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang nadarama mo sa araw ng Sabbath?

Ang pagbibigay ng oras sa mga estudyante upang pagnilayan ang kanilang nadarama tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo ay maaaring mag-anyaya sa Espiritu Santo na tulungan silang matukoy ang mga bagay na nagagawa nila nang mahusay at ang mga bagay na maaaring kailangan nilang pagbutihin.

Maglaan ng ilang sandali na pag-isipan ang tungkol sa nadarama mo sa araw ng Linggo. Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang alalahanin ang ilang bagay na ginagawa mo sa araw ng Linggo na maaaring makatulong sa iyong nadarama tungkol sa araw ng Sabbath. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal.

  • Paano mo ilalarawan ang iyong kasalukuyang nadarama tungkol sa Sabbath?

  • Ano ang ilang bagay na kasalukuyang sinusubukan mong gawin (o hindi gawin) sa araw ng Sabbath?

  • Nararamdaman mo ba na ang karaniwan mong ginagawa sa araw ng Linggo ay nakatutulong sa iyo na mas malapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Habang pinag-aaralan mo ang Isaias 58:13–14 ngayon, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang matukoy ang mga pagpapalang ipinangako ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kapag sinamba mo Sila sa Kanilang banal na araw.

Paggalang sa Panginoon sa Kanyang Sabbath

doctrinal mastery icon @img–type=icon Ang Isaias 58:13–14 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali nilang mahanap ang mga ito.

Sa ikapitong araw ng paglikha, ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagpahinga sa lahat ng Kanilang gawain. Binasbasan Nila ang araw na ito at ipinahayag ito bilang panahon ng sagradong pagpapahinga mula sa “gawain“ sa lupa (tingnan sa Moises 3:3). Inanyayahan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na sundin ang huwarang ito (tingnan sa Exodo 20:8–10 at Deuteronomio 5:12–14). Sa pamamagitan ng Kanyang propetang si Isaias, muling iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na ilaan ang araw ng Sabbath sa Kanya.

Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang ilan sa mga paanyayang ibinibigay sa atin ng Panginoon tungkol sa Sabbath sa pamamagitan ng pagsulat sa pisara ng sumusunod na hindi kumpletong pahayag: Pinananatili nating banal ang araw ng Sabbath sa pamamagitan ng …

Nang ibigay ng Panginoon sa mga Israelita ang Sampung Utos, iniutos Niya na ang Sabbath ay italaga bilang isang banal na araw para sambahin Siya.

Basahin ang Isaias 58:13, at markahan ang mga salita at parirala na mahalaga para sa iyo.

  • Ano ang ilang paraan kung saan iniutos sa atin ng Panginoon na gawing banal na araw ang Kanyang Sabbath?

Tulungan ang mga estudyante na gamitin ang sarili nilang mga salita para ipaliwanag ang mga parirala sa talata 13 na kumukumpleto sa pahayag ng katotohanan. Maaari mo silang tulungang matukoy ang mga pariralang tulad ng:

  • hindi paggawa ng ating mga hilig o kalayawan

  • itinuturing ang Sabbath bilang araw ng kagalakan (kasiyahan)

  • paggalang sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa bawat araw ng Sabbath

Ang sumusunod na aktibidad ay maaaring gawin ng bawat estudyante nang mag-isa.

Pumili ng parirala sa talata 13. Pag-isipang mabuti kung ano ang maaaring mangyari kapag ipinamuhay mo ang pariralang ito. Maaari mong isulat sa study journal mo ang ilan sa iyong mga naisip. Habang nagninilay ka, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang magkaroon ng higit na pag-unawa sa mga bagay na magagawa mo.

Maaaring kapaki-pakinabang na ipaliwanag na ang pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath ay nakabatay sa mga personal na pagpili. Iwasang talakayin ang tama at maling paraan upang mapanatiling banal ang araw ng Sabbath at hikayatin ang mga estudyante na iwasang husgahan ang iba para sa kanilang mga pagpili.

Mga pagpapala para sa paggalang sa Panginoon sa Kanyang araw

Basahin ang Isaias 58:14, at markahan ang mga salita at parirala na nakatutulong sa atin na maunawaan ang ilan sa mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon sa mga iginagalang Siya sa Kanyang Sabbath.

Paano ninyo ipaliliwanag ang mga pagpapalang ito gamit ang inyong sariling mga salita?

Upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon, maaaring kailangan mong ibahagi ang kahulugan ng mga pariralang tulad ng:

Kung magkagayo’y malulugod ka sa Panginoon“ – Magkakaroon tayo ng kagalakan sa Panginoon.

Pasasakayin kita sa mga matataas na dako at pakakainin kita ng mana ni Jacob na iyong ama“ – Ang Panginoon ay nangangako ng mga pagpapala sa Kanyang mga pinagtipanang tao.

Maaaring kapaki-pakinabang na ibahagi na ang “mga matataas na dako” ay maaaring tumutukoy sa mga bundok, burol, muog, o mga banal na lugar. Ang pariralang ito ay maaaring nangangahulugang “pagpapalain ng Panginoon ang Kanyang mga pinagtipanang tao na malampasan ang lahat ng balakid, mapoprotektahan at malayo sa panganib, magtatagumpay laban sa mga kaaway (tingnan sa Deuteronomio 33:29), at mas mapapalapit sa Panginoon.” (“Line upon Line: Isaiah 58:13-14,” New Era, Peb. 2016)

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na idagdag sa pisara ang mga pagpapalang nalaman nila. Kung kailangan ng mga estudyante ng karagdagang tulong sa pag-unawa sa mga alituntunin ng pagsamba sa araw ng Sabbath, maaari mo silang anyayahan na maghanap ng mga karagdagang pagpapala, tulad ng mga matatagpuan sa Ezekiel 20:20 at Doktrina at mga Tipan 59:9–13.

  • Bakit maaaring mahirapan ang isang tao na makita na isang “kasiyahan“ na panatilihing banal ang araw ng Sabbath?

  • Anong mga hadlang ang maaaring kinakaharap nila?

Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod tungkol sa kung ano ang nakatulong sa kanya na malampasan ang isang hadlang na kinaharap niya sa paggawa ng mga desisyon tungkol sa kung paano igagalang ang Ama sa Langit at si Jesucristo tuwing Linggo.

14:47
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ipinakilala ng Tagapagligtas ang Kanyang Sarili bilang Panginoon ng Sabbath. Ito ay Kanyang araw! Paulit-ulit Niyang hiniling sa atin na ipangilin ang Sabbath o gawing banal ang araw ng Sabbath. Tayo ay nakipagtipan na gawin ito.

Paano ba natin ginagawang banal ang araw ng Sabbath? Noong ako ay bata pa, pinag-aralan ko ang listahan na ginawa ng ibang tao tungkol sa bagay na dapat gawin at hindi dapat gawin sa araw ng Sabbath. Kalaunan ko lang natutuhan mula sa mga banal na kasulatan na ang aking kilos at pag-uugali sa Sabbath ay dapat na maging tanda sa pagitan ko at ng aking Ama sa Langit. Dahil sa pagkaunawang iyon, hindi ko na kailangan ng mga listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin. Kapag kailangan kong magpasiya kung ang isang aktibidad ay angkop o hindi sa araw ng Sabbath, tinatanong ko lang ang aking sarili, “Anong tanda ang nais kong ibigay sa Diyos?” Sa tanong na iyon naging napakalinaw sa akin ang mga dapat piliin sa araw ng Sabbath. (“Ang Sabbath ay Kaluguran,” Liahona, Abr. 2015, 130)

  • Paano maaaring makatulong ang Isaias 58:13–14 at ang mensahe ni Pangulong Nelson sa isang taong nahihirapang malampasan ang mga hadlang na natukoy ninyo?

    Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng mga naaangkop na karanasan nang madama nilang pinagpala sila dahil sa kanilang pagsisikap na tumuon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa araw ng Linggo. Ang mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa mga estudyante na maibahagi ang kanilang mga karanasan.

  • Ano ang nakita ninyo na nagpabuti sa inyong kakayahang igalang ang Panginoon sa araw ng Sabbath? Anong mga pagpapala ang nakita ninyong idinulot ng inyong mga pagsisikap?

Anong tanda ang gusto ninyong ibigay sa Diyos?

Upang matulungan ang mga estudyante na gumawa ng plano para pagandahin ang kanilang karanasan sa araw ng Sabbath, ipakita ang mga sumusunod na tagubilin.

Pagnilayan sandali ang natutuhan at nadama mo ngayon tungkol sa paanyaya sa Isaias 58:13–14 na isantabi ang mga personal na hangarin at igalang ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa araw ng Sabbath. Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan ka habang sinasagot mo ang sumusunod na prompt sa iyong study journal.

Upang igalang ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa araw ng Sabbath, ako ay .

Isaulo

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at rebyuhin ang mga ito sa mga lesson sa hinaharap. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Isaias 58:13–14 ay, “[Umurong] … sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at [tawagin] ang Sabbath bilang isang kasiyahan.” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”