“Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20: Buod,”Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20
Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20
Buod
Si Jeremias ay inorden bago ang buhay na ito upang maglingkod bilang propeta. Ang kanyang mensahe ay para magsisi ang mga Judio sa kanilang masasamang gawi upang sila ay mapagaling ng Tagapagligtas. Ipinropesiya niya ang mahimalang pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.
Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral. Kapag isinasaalang-alang ng mga estudyante ang kanilang sariling mga karanasan at personal na damdamin tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo, mas malamang na madama nila ang pagpapatotoo ng Espiritu Santo sa mga katotohanang natututuhan nila. Makakakita ng halimbawa ng paggawa ng mga ganitong pagkakataon sa Lesson 133: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 8.”
Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 17–18).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Jeremias 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng hangaring tuparin ang kanilang banal na layunin.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kunwari na may karga sila na bagong silang na sanggol at pag-isipan ang dalawang tanong na ito:
-
Paano inihanda ang sanggol na ito para sa mortal na buhay bago pa siya isinilang?
-
Sa paglaki ng sanggol na ito, ano ang inaasahan kong maunawaan niya tungkol sa kanyang banal na layunin?
-
-
Mga Video: “Mga Pagpapasiya para sa Kawalang-Hanggan” (14:25) mula sa time code na 6:21 hanggang 7:08; “Ang Piling Henerasyon” (11:24) mula sa time code na 5:43 hanggang 7:14
-
Nilalamang ipapakita: Self-assessment sa simula ng klase; pahayag mula kay Elder John C. Pingree Jr.
Jeremias 2–3
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapasidhi ang kanilang hangaring bumaling sa Tagapagligtas para sa awa at pagpapagaling.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng isang banal na kasulatan na nagtuturo tungkol sa mga pagpapala ng pagsisisi. Maaari silang maghandang magbahagi kung bakit makabuluhan sa kanila ang mga pagpapalang iyon.
-
Mga Bagay: Isang pitsel ng tubig; isang palanggana o malaking mangkok; isang basong may ilang maliliit na butas sa ilalim
-
Larawan: Isang binatilyo
-
Mga Video: “The Savior Wants to Forgive” (5:50); “Ang Himala ng Pagbabayad-sala” (10:24) mula sa time code na 0:20 hanggang 2:12
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para maihanda ng mga estudyante ang sasabihin nila sa isang binatilyo sa isang sitwasyon sa huling bahagi ng lesson
Jeremias 16
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makibahagi sa pagtitipon ng Israel sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga alalahanin na posibleng magkaroon ang mga tinedyer na Banal sa mga Huling Araw sa pagbabahagi ng ebanghelyo ng Tagapagligtas at ang mga paraan para madaig ang mga alalahaning iyon. Maaari silang maghandang magbahagi sa klase ng mga naisip nila.
-
Larawan: Si Moises na hinahati ang Dagat na Pula
-
Mga Video: “Anong Laki ng Inyong Kagalakan” (13:47) mula sa time code na 0:25 hanggang 0:51; “Mga Simpleng Paraan para Magmahal, Magbahagi, at Mag-anyaya” (2:50)
-
Nilalaman na ipapakita: Mga tagubilin para sa aktibidad sa pag-aaral sa bahaging “Pakikibahagi sa pagtitipon”; pahayag mula kay Pangulong Nelson sa pagtatapos ng lesson
I-assess ang Iyong Pagkatuto 8
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang paglago na naranasan nila sa kanilang kamakailang pag-aaral ng Lumang Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong ibigay sa mga estudyante ang pahayag ni Elder David A. Bednar sa lesson. Sabihin sa kanila na isipin kung paano naaangkop ang pahayag na ito sa kanilang espirituwal na pag-unlad sa seminary ngayong taon. Hikayatin silang suriin ang kanilang mga pagsisikap sa pamamagitan ng pagrerebyu sa mga entry sa journal, mga banal na kasulatan na minarkahan nila, at mga tala na isinulat nila.
-
Video: “Isang Porsyento na Mas Mahusay” (10:01) mula sa time code na 0:00 hanggang 2:11
-
Nilalamang ipapakita: Bilog na diagram; mga tanong sa ibaba ng bilog na diagram; mga tagubilin sa aktibidad sa pagsusulat ng liham
-
Mga Larawan: Matingkad na pula at mapulang-mapula na mga kulay; niyebe at tupa