2025
Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan
Disyembre 2025 Liahona


“Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan,” Liahona, Dis. 2025.

Pamaskong Mensahe ng Unang Panguluhan

Sina Jose at Maria kasama ang batang Cristo

Nagbubunyi tayo sa pag-alaala sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Isinilang Siya sa abang kalagayan. Ibinalita ng mga anghel sa langit ang Kanyang pagsilang. Ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng pagsisisi, pag-asa, at buhay na walang hanggan.

Tinulutan Niyang makakita ang bulag, binigyan ng pandinig ang bingi, pinagaling ang lahat ng uri ng kapighatian, at ibinangon ang patay. Siya ang Bugtong na Anak ng ating Ama sa Langit, ang Panganay sa mga espiritung anak ng Diyos. Sa Kanyang sakripisyo at walang-hanggang Pagbabayad-sala, maaari tayong makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod at pagsisisi.

Sa panahong ito ng liwanag at kabutihang-loob, nagagalak tayo kay Jesucristo at sa Kanyang walang-hanggang plano ng kaligayahan. Inaanyayahan namin kayong hanapin Siya at ang mga pagpapala ng Kanyang kapayapaan. Maligayang Pasko!

Ang Unang Panguluhan