Ano ang Magagawa Ko Kapag May Nanakit sa Aking Damdamin?
Dumalo ako sa isang FSY conference sa isang hotel matapos ang mga paghihigpit sa pandemya. Maraming kabataan ang halatang naapektuhan ng pandemya at humaharap sa espirituwal at mental na mga isyu. Tila nahaharap kami noon sa isa sa pinakamalalaking espirituwal na laban na naranasan ko. Noon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkabigo.
Sa unang bahagi ng linggo nang pumasok ako sa silid na tinutuluyan namin, may ilang mga batang lalaki na nagsasalita at nagtatawanan tungkol sa ilang bagay na negatibong nakaapekto sa akin. Naisip ko, “Hindi ito tama.” Nadama ko na dapat kong hilingin sa kanila na magsalita nang mas tahimik. Gayunman, nang sikapin kong magsalita, pinagtawanan nila ako at binato ako ng medyas.
Sa sandaling iyon, huminga ako nang malalim at tinanong sa aking sarili, “Ano ang gagawin ng Tagapagligtas?” Matapos magmuni-muni, dinampot ko ang isang medyas na ibinato sa akin, ibinalik ito, at sinabing, “Alam mo, hindi ito tama. Sana magsalita ka nang mas mahina. Siguro iba na lang ang gawin natin.”
Kung ang ibang tao ay nasaktan o na-bully tulad ko, sasabihin ko, “Isipin ang kahariang selestiyal.” Inanyayahan tayo ni Pangulong Russell M. Nelson na maging mga tagapamayapa. Mahalaga ang pagiging tagapamayapa, lalo na sa panahon ng kagipitan.
Itinuro sa akin ng karanasang ito ang kahalagahan ng pagkahabag at pagmamahal sa aking kapwa. Mananatili sa puso ko ang aral na ito.
Joāo C., edad 16, Ceará, Brazil
Nasisiyahan siyang tumugtog ng piano at magbasa ng mga banal na kasulatan.