Kumonekta
Danna L.
14, Chimaltenango, Guatemala
Larawang kuha ni Melanie Miza
Nagsagawa ang aming stake ng aktibidad ng kabataan na may temang tungkol sa mga missionary. Ang stake center ay itinayo na parang mini Missionary Training Center. Sinanay kami, at pagkatapos ay lumabas kami para tulungan ang mga missionary na ibahagi ang ebanghelyo sa mga tao sa Chimaltenango.
Tinanggap kami nang maayos ng ilang tao, pero ang iba ay nagalit, nagsinungaling tungkol sa kanilang numero ng telepono at address, o nagtago. May mga pagkakataon na kami ay pinanghihinaan-ng-loob, pero pagkatapos ay nakilala namin ang mga tao na talagang nais makinig at marahil ay naantig pa nga sa aming mensahe. Kahit hindi ko binago ang buhay nila, lumago ang patotoo ko.
Noong narito pa si Jesucristo sa lupa, pinagtawanan Siya ng mga tao, pero mas mahalaga sa kanya kung ano ang iniisip ng Ama tungkol sa Kanya kaysa sa iniisip ng iba tungkol sa Kanya. Kung alam natin na totoo ang ebanghelyo, hindi natin kailangang itago ito o ikahiya. Ang Panginoon ay laging nariyan para sa atin.