“Minamahal na mga Magulang,” Kaibigan, Mayo 2023, pabalat sa likod.
Mimamahal na mga Magulang,
Paano mo matutulungan ang iyong mga anak na maalala ang narinig natin sa pangkalahatang kumperensya noong nakaraang buwan? Anong mga kuwento ang naaalala nila? Anong mga mensahe ang gusto ninyong pagtuunan ng pansin bilang pamilya? Sama-samang basahin ang sinabi ng ating propeta sa pahina 2. O basahin ang mga kuwento sa kumperensya sa pahina 5. Maaari mo ring hanapin sa pahina 3 ang mga bagong ibinalitang templo at hanapin ang mga ito sa mapa kasama ang iyong mga anak.
Isang pagpapala ang makarinig ng mga mensahe mula sa mga buhay na propeta!