“Pagsunod kay Jesus sa Cape Verde,” Kaibigan, Mayo 2023, 20–21.
Pagsunod kay Jesus sa Cape Verde
Kilalanin si Raissa!
Tungkol kay Raissa
Edad: 11
Mula sa: Santiago Island, Cape Verde
Wika: Portuges
Mga mithiin at pangarap: Makasal sa templo at magkaroon ng sarili niyang pamilya
Pamilya: Raissa, Inay, Itay, at dalawang ate
Paano Sinusunod ni Raissa si Jesus
Noong siya ay limang taong gulang, naghahanap ng simbahan si Raissa at ang kanyang pamilya. Sa unang pagkakataon na nagpunta sila sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, pakiramdam nila ay kabilang sila roon. Nagustuhan ni Raissa ang Primary. Nabinyagan ang kanyang pamilya. At gustung-gusto ni Raissa na may home evening bawat linggo.
Noong anim na taong gulang si Raissa, siya at ang kanyang pamilya ay ibinuklod sa Recife Brazil Temple.
Kamakailan ay nagpunta si Raissa sa open house para sa Praia Cape Verde Temple. “Ginawa ko ang mahahalagang bagay para makapaghanda sa pagpunta sa templo, tulad ng pagdarasal, pagsisimba, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, at pag-aaral ng ebanghelyo,” sabi niya.
Matapos ilaan ang templo, nakagawa siya ng mga binyag para sa kanyang mga ninuno na namatay nang hindi nalalaman ang ebanghelyo. “Maganda ang templo,” sabi niya.
Mga Paborito ni Raissa
Lugar: Ang gusali ng Simbahan
Banal na Kasulatan: 1 Nephi 3:7
Prutas o gulay: Ubas
Kulay: Lila
Subject sa paaralan: Math
Mga larawang-guhit ni Melissa Manwill