“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Mayo 2023, 10–11.
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, o para lang sa paglilibang!
Pagpapakita ng Pasasalamat
Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill
Para sa Lucas 12–17; Juan 11
Kuwento: Basahin ang kuwentong “Isang Taong Mapagpasalamat” sa pahina 46. Paano mo maipapakita ang pasasalamat?
Awitin: “Salamat sa Ating Ama” (Aklat ng mga Awit Pambata, 12)
Aktibidad: Gumupit ng 10 pirasong papel. Sa bawat piraso, isulat ang isang bagay na ipinagpapasalamat mo. Pagdugtungin ang mga piraso at idikit o iteyp ang mga dulo para makagawa ng kadena. Isabit ang iyong kadena ng pasasalamat sa lugar na makikita mo ito nang madalas.
Serbisyo ng Superhero
Para sa Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18
Kuwento: Itinuro ni Jesucristo na dapat nating tulungan ang mga taong nangangailangan (tingnan sa Marcos 10:17–22). Basahin ang “Ang Kuwago at ang Balyena” sa pahina 8 para malaman kung paano sinunod ng isang batang lalaking nagngangalang Dieter si Jesus.
Awitin: “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 68–69)
Aktibidad: Pumunta sa pahina 12 at maging service superhero!
Nakikinig na Puno
Para sa Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12
Kuwento: Gustong makita ni Zaqueo si Jesus, pero nakaharang ang maraming tao. Umakyat si Zaqueo sa isang puno para mas makita at marinig niya si Jesus. (Tingnan sa Lucas 19:2–8.)
Awitin: “If I Listen with My Heart” (Music for Children, ChurchofJesusChrist.org)
Aktibidad: Gumawa ng isang puno ng kamay! Sa isang papel, bakatin ang iyong kamay at braso. Ang inyong braso ang magiging katawan at ang mga daliri mo ang magiging mga sanga. Sa paligid ng bawat sanga, isulat o idrowing ang mga paraan na maaari mong pakinggan si Jesus.
Isang Missionary na Ngayon
Para sa Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21
Kuwento: Sinabi ni Jesucristo na bago Siya pumaritong muli, ang ebanghelyo ay ipapangaral sa buong mundo (tingnan sa Joseph Smith—Mateo 1:31). Makakatulong tayong maghanda para sa Ikalawang Pagparito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba.
Awitin: “Sana Ako’y Makapagmisyon” (Aklat ng mga Awit Pambata, 91)
Aktibidad: Gumawa ng sarili mong missionary name tag! Isulat ang iyong pangalan sa papel at gupitin ito. Sa likod, sumulat ng isang bagay na magagawa mo para maibahagi ang ebanghelyo ngayon. I-pin o iteyp ang iyong name tag sa iyong damit.
Mga Paa sa Paglilingkod
Para sa Mateo 26; Marcos 14; Juan 13
Kuwento: Hinugasan ni Jesucristo ang mga paa ng Kanyang mga apostol (tingnan sa Juan 13:4–16). Minahal Niya sila at nais Niya silang paglingkuran. Sinabi ni Jesus sa kanila na tularan ang Kanyang halimbawa at paglingkuran ang isa’t isa.
Awit: “‘Magbigay,’ Wika ng Munting Sapa” (Aklat ng mga Awit Pambata, 116)
Aktibidad: Laruin ang service game na ito. Uupo ang lahat nang pabilog at magkakaharap. Isang manlalaro ang pipili ng isang numero. Simula sa sarili nilang paa, ituturo ng player ang bawat paa sa bilog at magbibilang mula sa numerong iyon hanggang sa makarating sila sa “one o isa.” Ang paa na may bilang na “one” ay hindi na kasali. Pagkatapos ay pipili ang manlalarong iyon ng isang numero at magbibilang paatras. Ang huling taong ang paa ay nasa bilog ay pipili ng service activity na gagawin ng grupo.