2023
Mga Sagot tungkol sa Templo
Mayo 2023


“Mga Sagot tungkol sa Templo,” Kaibigan, Mayo 2023, 38–39.

Mga Sagot tungkol sa Templo

Ano ang hitsura ng loob ng templo?

Mga larawan ng loob ng templo

Ang templo ang bahay ng Panginoon. Malinis at maganda sa loob nito. Lahat ay nagsusuot ng puti at sinisikap na maging mapitagan. Ito ay isang payapang lugar para sambahin ang Diyos, matuto, at madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ano ang ginagawa ng mga tao sa loob ng templo?

Larawan ng isang batang babae at batang lalaki sa tabi ng larawan ng kanilang mga ninuno

Sa templo, natututuhan natin ang tungkol sa plano ng Diyos at nakikipagtipan sa Kanya. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga ordenansa tulad ng mga binyag, kumpirmasyon, at pagbubuklod sa ating pamilya.

Paano ako dapat manamit kapag pumupunta ako sa templo?

Isang batang lalaking nakasuot ng amerikana sa tabi ng batang lalaking nakasuot ng puting jumpsuit

Dapat mong isuot ang pinakamagandang damit mo sa templo. Kapag nasa loob ka na, magpapalit ka ng espesyal na damit para magsagawa ng mga ordenansa. Para sa mga binyag, bibigyan ka ng mga temple worker ng puting jumpsuit na isusuot mo.

Ano ang temple recommend?

Isang batang lalaking nakangiti na kumukuha ng kard

Ang temple recommend ay isang maliit na piraso ng papel na magtutulot sa iyo na makapasok sa templo. Maaari kang makakuha nito mula sa isang miyembro ng inyong bishopric o branch presidency. Tatanungin ka niya kung sinusunod mo ang mga kautusan at kung may patotoo ka. Kung ikaw ay karapat-dapat at handang pumasok sa templo, bibigyan ka niya ng temple recommend.

Ano ang ibig sabihin ng magbinyag para sa mga patay?

Isang batang babaeng binibinyagan sa bautismuhan sa templo

Sa templo, maaari kang binyagan para sa mga taong namatay nang hindi nabinyagan. Magsusuot ka ng puti at ilulubog nang buong-buo sa tubig.

PDF ng kuwento

Mga larawang guhit ni Simini Blocker