Ang Limang Tahanan nina Joseph at Emma Smith sa Ohio
Alamin pa ang tungkol sa mga lugar kung saan nanirahan sina Joseph at Emma Smith habang naninirahan sa hilagang-silangan ng Ohio.
Sa mismong araw ng unang pagdating nina Joseph at Emma Smith sa Kirtland, nakatanggap si Joseph ng isang paghahayag kung saan iniutos ng Panginoon sa Simbahan na bigyan siya at ang kanyang pamilya ng isang bahay na matitirhan at patuloy na gawin ang inspiradong pagsasalin ng Biblia (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 41:7 ).
Sa kabila nito, ilang taong umasa sina Joseph at Emma sa kabaitan at mabuting pakikitungo ng mga miyembro ng Simbahan sa pagbibigay sa kanila ng matitirhan.
Narito ang limang lugar kung saan nanirahan sina Joseph at Emma sa loob ng pitong taon na nasa hilagang-silangang Ohio ang punong-tanggapan ng Simbahan.

Newel and Elizabeth Ann Whitney Home
Nang dumating sina Joseph at Emma Smith sa
Mula noong nakaraang Oktubre, sa unang pagdating ng mga misyonero sa Ohio, maraming pulong ang idinaos ng mga Whitney sa sala ng kanilang tahanan. Sa loob ng apat na linggo na nanirahan sina Joseph at Emma sa Whitney Home, patuloy na nagsilbing sentro ang tahanan para sa mga aktibidad sa Simbahan.
Maraming Banal ang pumunta sa tahanan ng mga Whitney para dumalo sa mga pulong at bisitahin ang Propeta. Habang naninirahan dito, natanggap ni Joseph Smith ang ilang paghahayag na matatagpuan ngayon sa Doktrina at mga Tipan.2
Ang ilan sa pinakamahalaga ay
Isaac and Lucy Morley Farm
Ang paninirahan nina Joseph at Emma sa Whitney Home ay pansamantalang lamang. Sa mismong araw na dumating sina Joseph at Emma at natanggap ni Joseph ang paghahayag na dapat magtayo ng isang bahay para sa kanila, pumayag si Isaac Morley, isang mayamang magsasaka sa lugar, na magpatayo ng bahay sa kalapit na bukid na pag-aari niya.
Pinamahalaan ni Morley ang pagtatayo ng maliit na bahay para kina Joseph at Emma Smith, na natapos kaagad sa loob lamang ng apat na linggo. Lumipat sina Joseph at Emma sa kanilang bahay sa Morley Farm noong unang bahagi ng Marso 1831.
Si Isaac at ang kanyang asawang si Lucy ay masigasig na tumulong sa pagpapatatag ng ipinanumbalik na Simbahan mula nang mabinyagan sila noong Nobyembre 1830. Habang nagbibinyag ng mga bagong convert sa Ohio at nagdatingan ang mga Banal mula sa New York, marami ang nakahanap ng pansamantalang tirahan sa Morley Farm.
Habang naninirahan sina Joseph at Emma sa sakahan, si Joseph ay patuloy na nagdaos ng mga pulong sa mga Banal at tumanggap ng mga paghahayag. Makikita sa mga talaan na si Joseph ay nagdikta ng maraming paghahayag, kabilang ang 13 na isinama ngayon sa Doktrina at mga Tipan.4
Ang mga paghahayag sa panahong ito ay nagbigay kay Joseph at sa mga Banal ng makabuluhang kaalaman tungkol sa
Sa mga pulong at kumperensya na ginanap sa Morley Farm,
Mahirap na panahon din ito para kina Joseph at Emma. Noong ika-30 ng Abril 1831, nagsilang si Emma ng kambal na nabuhay lamang ng ilang oras. Ito ang pangalawa at pangatlong sanggol na anak nina Joseph at Emma na pumanaw sa loob lamang ng tatlong taon.
Sa araw ring iyon, si Julia Murdock, isang Banal sa mga Huling Araw na nakatira sa Morley Farm, ay pumanaw habang nagsisilang ng kambal. Medyo nabawasan ang kalungkutan nina Joseph at Emma sa pagpanaw ng kanilang kambal nang hilingin ng asawa ni Julia, si John, kina Joseph at Emma na ampunin ang kanyang kambal na anak na sina Joseph at Julia.
Matapos lamang ang anim na buwang paninirahan sa Morley Farm, lumipat muli sina Joseph at Emma. Noong Setyembre 1831, lumipat sila sa Hiram, Ohio, sa tahanan nina John at Elsa Johnson. Sa dalawang paghahayag na natanggap noong Agosto at Setyembre 1831, iniutos kay Isaac Morley na ibenta ang kanyang sakahan (tingnan sa
John and Elsa Johnson Home
Nang malaman na di-magtatagal ay walang matitirhan sina Joseph at Emma, inanyayahan sila ni John Johnson, isang mayamang convert, na lumipat sa kanyang tahanan sa Hiram, Ohio, 44 milya (71 km) timog ng Kirtland. Noong Setyembre 1831, bago ibenta ang Morley Farm, lumipat sina Joseph at Emma Smith kasama ang kanilang apat na buwang gulang na kambal sa tahanan nina John at Elsa Johnson.
Ang mga Johnson, na lumipat sa Ohio noong 1818, ay nagmamay-ari ng isang masagang sakahan at pagawaan ng mga produktong mula sa gatas at kabilang sa pinakamayayamang residente sa Portage County. Sa tahanan ng mga Johnson, malugod na tinanggap ni Joseph ang patuloy na pagdagsa ng mga bisita, na karamihan sa kanila ay kailangang pakainin at patuluyin para may matulugan sa gabi.
Ang mga Johnson ay hindi lamang naglaan ng isang silid-tulugan sa unang palapag kung saan maaaring manirahan sina Joseph, Emma, at ang kanilang mga anak, kundi binigyan din nila si Joseph ng isang malaking silid sa ikalawang palapag na nagsilbing opisina nito. Sa silid na ito sa itaas, nakipagpulong si Joseph sa mga miyembro at lider ng Simbahan, patuloy na gumawa kasama ang tagasulat sa inspiradong pagsasalin ng Biblia, at nagdikta ng malalalim na paghahayag, kabilang ang 16 na matatagpuan ngayon sa Doktrina at mga Tipan.6
Sa kumperensya ng mga elder na idinaos dito noong unang bahagi ng Nobyembre 1831, ipinasiya na ilathala ang mga natipong paghahayag ni Joseph Smith.7 Kalaunan, noong ika-16 ng Pebrero 1832, habang ginagawa nina Joseph at Sidney Rigdon ang pagsasalin ng Bagong Tipan, isang pangitain ang natanggap nila kung saan nakita nila si Jesucristo at tinuruan sila ng higit pa tungkol sa pagkabuhay na mag-uli ng mga patay .
Hindi nagtagal matapos ang pangitaing ito, pwersahang pumasok ang mga kaaway ng Simbahan sa bahay ng mga Johnson, hinila si Joseph mula sa kanyang kama, at kinaladkad siya sa kalapit na parang. Ang kanyang mga damit ay pinunit, at binuhusan siya ng mainit na alkitran at mga balahibo. Matapos ang masakit na pagtanggal ng alkitran mula sa kanyang katawan sa buong magdamag, nangaral si Joseph ng isang sermon sa araw ng Linggo sa mga nagtipong Banal, na dinaluhan din ng mga miyembro ng mga mandurumog.
Sa kasamaang-palad, ang sanggol na anak na lalaki ng mga Smith, si Joseph—isa sa kambal na inampon—ay namatay pagkaraan ng ilang sandali dahil sa pagkalantad sa lamig. Sa sumunod na ilang buwan, patuloy na nakaamba ang mga aktibidad at pagbabanta ng mga mandurumog kay Joseph Smith sa Hiram at sa mga kalapit na komunidad.

N. K. Whitney & Co. Store
Nang tumitindi ang tensyon sa Hiram, binago ni Newel K. Whitney ang ilang silid sa loob ng kanyang tindahan sa Kirtland para mabigyan sina Joseph at Emma ng bagong tirahan. Noong Setyembre 1832, lumipat sina Joseph, Emma, at kanilang anak, si Julia, sa mga silid sa itaas na palapag ng tindahan.
Sa loob ng halos dalawang taon, nanirahan sina Joseph at Emma sa Whitney Store, na hindi lamang naging tahanan ng kanilang bata at lumalaking pamilya kundi naging sentro din ng aktibidad sa Simbahan. Habang naninirahan dito, patuloy na nakatanggap si Joseph Smith ng mga paghahayag, kabilang ang 16 na kasama ngayon sa Doktrina at mga Tipan.8 Noong ika-6 ng Nobyembre 1832, si Joseph Smith III ay isinilang sa N. K. Whitney & Co. Store.
Nagtayo si Joseph Smith ng opisina sa gusali, kung saan ipinagpatuloy niya ang inspiradong pagsasalin ng Biblia at nakipagpulong sa mga lider ng Simbahan. Sa loob ng 18 buwan na nanirahan sina Joseph at Emma sa Whitney Store, ito ay naging punong-tanggapan ng Simbahan at dito nangyari ang maraming mahahalagang kaganapan sa Kirtland.
Bukod sa maraming iba pang mga bagay, ang mga paghahayag na natanggap dito ay nagbigay ng
Noong ika-8 ng Marso 1833, matapos ang ilang buwang talakayan at paghahayag, ang
Sa isang silid sa likuran ng tindahan, sinimulan ni Joseph Smith ang pagdaraos ng mga klase para sa Paaralan ng mga Propeta, isang training program para sa mga lider ng Simbahan at mga misyonero upang ihanda sila sa paglilingkod. Sa tagpong ito unang inihayag ang
Joseph and Emma Smith Home
Noong huling bahagi ng 1833, isang bahay ang natapos para kina Joseph at Emma at kanilang mga anak. Ang maliit na bahay na ito ay matatagpuan sa timog ng tindahan ng pamilya Whitney, sa itaas ng burol malapit sa
Sa tahanang ito, si Emma ay nagpatakbo ng isang pagawaan ng gatas, umupa ng mga babaeng manggagawa, at nag-asikaso ng pamilya. Dito, sa tulong ni William W. Phelps, natipon ni Emma ang unang himnaryo ng Simbahan. Isa pang anak, si Frederick Granger Williams Smith, ang isinilang noong Hunyo 1836, at sa loob ng mahigit tatlong taon ang pamilya Smith ay nanatili sa tahanang iyon. Habang naninirahan dito, natanggap ni Joseph Smith ang lahat o bahagi ng 5 paghahayag.11
Sa panahong nakatira sina Joseph at Emma sa tahanang ito, patuloy na lumago ang Simbahan. Bilang tugon sa lumalaking pangangailangan sa pamumuno, inihayag ng Panginoon ang mga bagong katungkulan sa priesthood, mga pagbabago sa mga istruktura sa pamamahala, at iba pang walang-hanggang katotohanan sa mga miyembro ng Simbahan. Noong ika-17 ng Pebrero 1834, si Joseph Smith ay
Sa iba pang mga pulong na idinaos sa panahong ito—at posibleng sa tahanan—ang mga paghahayag ni Joseph Smith ay
Ang Pamilya Smith ay nanirahan sa tahanang ito hanggang sa unang bahagi ng 1838, nang ang hindi pagkakaunawaan sa Simbahan at ang pagtindi ng aktibidad ng mga mandurumog ay nagtulak sa kanila na umalis. Noong ika-12 ng Enero 1838, nilisan nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang Kirtland patungo sa mga pamayanan ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Northwest Missouri. Si Emma, na nagdadalang-tao, ay sumunod kaagad kalaunan.12
Mga Tala
Mga Tala
1. Elizabeth Ann Whitney, “A Leaf from an Autobiography ,” Woman’s Exponent, Set. 1, 1878, 51.
2. Posibleng umabot sa apat na paghahayag ang idinidikta nang buo o nang bahagya sa tahanan ng mga Whitney. Bagama’t kadalasan ay mahirap matukoy ang eksaktong lugar kung saan natanggap ni Joseph Smith ang marami sa mga paghahayag, ang Whitney Home ang maaaring lugar kung saan natanggap ang mga bahagi 41, 43, at 44 ng Doktrina at mga Tipan. Maaari din na ang lahat o bahagi ng Doktrina at mga Tipan 42 ay natanggap sa Whitney Home; gayunman, dahil sa kasaysayan at mga pangyayaring may kaugnayan sa paghahayag na ito, imposibleng makatiyak (para sa mga detalye tungkol sa pagtanggap ng Doktrina at mga Tipan 42, tingnan sa “Historical Introduction” for Doctrine and Covenants 42 sa Joseph Smith’s Revelations).
3. Para sa marami pang detalye tungkol sa tungkulin at paglilingkod ni Newel K. Whitney bilang bishop sa Ohio, tingnan sa “Newel K. Whitney: A Man of Faith and Service,” Museum Treasures, history.churchofjesuschrist.org; Matthew C. Godfrey, “Si Newel K. Whitney at ang United Firm ,” sa Konteksto ng mga Paghahayag (2016).
4. Kabilang dito ang Doktrina at mga Tipan 45–50, 52–56, at 63–64.
5. Matthew McBride, “Ezra Booth at Isaac Morley ,” sa Konteksto ng mga Paghahayag.
6. Doktrina at mga Tipan 1, 64–65, 67–71, 73, 76–81, 99, at 133.
7. Minutes, 1–2 November 1831, josephsmithpapers.org.
8. Doktrina at mga Tipan 84–98, 101.
9. Minutes, 18 March 1833, josephsmithpapers.org.
10. Ang mga talaan ay hindi nagbigay ng mga tiyak na petsa para sa pagtatayo ng bahay na ito o kung kailan lumipat sina Joseph at Emma sa bahay na ito. Gayunman, noong ika-2 ng Agosto 1833, ang pangalan ni Joseph Smith ay nakasulat sa mapa ng mga ari-arian ng Simbahan sa lugar kung saan itinayo ang bahay. Sa pinakahuling renobasyon ng bahay, kinumpirma ng mga pag-aaral tungkol sa mga kahoy na ang ginamit sa pagtatayo ng bahay ay pinutol noong huling bahagi ng 1833.
11. Doktrina at mga Tipan 102–104, 106, at 134 at mga bahagi ng 107.
12. Ayon sa journal ni Joseph Smith, dumating si Emma at ang kanilang mga anak sa Far West, Missouri, noong ika-29 ng Marso 1838 (Joseph Smith, Journal, March–September 1838, 23, josephsmithpapers.org).
2. Posibleng umabot sa apat na paghahayag ang idinidikta nang buo o nang bahagya sa tahanan ng mga Whitney. Bagama’t kadalasan ay mahirap matukoy ang eksaktong lugar kung saan natanggap ni Joseph Smith ang marami sa mga paghahayag, ang Whitney Home ang maaaring lugar kung saan natanggap ang mga bahagi 41, 43, at 44 ng Doktrina at mga Tipan. Maaari din na ang lahat o bahagi ng Doktrina at mga Tipan 42 ay natanggap sa Whitney Home; gayunman, dahil sa kasaysayan at mga pangyayaring may kaugnayan sa paghahayag na ito, imposibleng makatiyak (para sa mga detalye tungkol sa pagtanggap ng Doktrina at mga Tipan 42, tingnan sa “Historical Introduction” for Doctrine and Covenants 42 sa Joseph Smith’s Revelations).
3. Para sa marami pang detalye tungkol sa tungkulin at paglilingkod ni Newel K. Whitney bilang bishop sa Ohio, tingnan sa “Newel K. Whitney: A Man of Faith and Service,” Museum Treasures, history.churchofjesuschrist.org; Matthew C. Godfrey, “
4. Kabilang dito ang Doktrina at mga Tipan 45–50, 52–56, at 63–64.
5. Matthew McBride, “