Isang Bahay ng Panginoon
Ang pagtatayo ng mga Banal ng isang bahay ng Panginoon sa Kirtland ay nagsimula nang mabagal, ngunit nang magsakripisyo sila para masunod ang utos na ito, tumanggap sila ng mahimalang pagkakaloob ng kapangyarihan nang tanggapin Niya ang kanilang handog.
Nang iutos sa mga Banal na magtipon sa Ohio, nangako ang Panginoon na sila ay pagkakalooban ng kapangyarihan doon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 38:32 ). Pagsapit ng Disyembre 1832, halos dalawang taon pagkatapos dumating sa Kirtland, hindi pa nila natanggap ang endowment na iyon.
Noong gabi ng ika-27 ng Disyembre 1832, nakipagpulong si Joseph Smith sa mga high priest ng Simbahan sa itaas na palapag ng N. K. Whitney & Co. Store. “Upang makatanggap ng paghahayag at mga pagpapala ng langit,” itinuro ni Joseph, “kailangang ituon natin ang ating isipan sa Diyos at sumampalataya at magkaisa sa puso at isipan.”
Inanyayahan ni Joseph ang lahat ng naroon na manalangin nang magkakahiwalay at malakas sa Panginoon upang “ihayag ang Kanyang kalooban sa amin tungkol sa pagtatayo ng Sion at para sa kapakinabangan ng mga Banal at tungkulin at gawain ng mga elder.”1 Sa mga sunud-sunod na pulong na ito sa loob ng sumunod na linggo, natanggap ang paghahayag na ngayon ayDoktrina at mga Tipan 88 .
Noong gabi ng ika-27 ng Disyembre 1832, nakipagpulong si Joseph Smith sa mga high priest ng Simbahan sa itaas na palapag ng N. K. Whitney & Co. Store. “Upang makatanggap ng paghahayag at mga pagpapala ng langit,” itinuro ni Joseph, “kailangang ituon natin ang ating isipan sa Diyos at sumampalataya at magkaisa sa puso at isipan.”
Inanyayahan ni Joseph ang lahat ng naroon na manalangin nang magkakahiwalay at malakas sa Panginoon upang “ihayag ang Kanyang kalooban sa amin tungkol sa pagtatayo ng Sion at para sa kapakinabangan ng mga Banal at tungkulin at gawain ng mga elder.”1 Sa mga sunud-sunod na pulong na ito sa loob ng sumunod na linggo, natanggap ang paghahayag na ngayon ay
N.K. Whitney & Co. Store.
Sa paghahayag na ito, ipinaliwanag ng Panginoon na ang pagkakaloob ng kapangyarihan ay nangangailangan ng taimtim na pagtitipon na idaraos sa bahay ng Panginoon. “Isaayos ang inyong sarili,” iniutos ng Panginoon. “Ihanda ang bawat kinakailangang bagay; at magtayo ng isang bahay, maging isang bahay ng panalanginan, isang bahay ng pag-aayuno, isang bahay ng pananampalataya, isang bahay ng pagkakatuto, isang bahay ng kaluwalhatian, isang bahay ng kaayusan, isang bahay ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 88:119 ). Dumating na ang panahon para magtayo ang mga Banal ng isang templo upang mapagkalooban sila ng kapangyarihan ng Panginoon, na kinabibilangan ng pagpapanumbalik ng susi ng priesthood.
Sa kautusan na magtayo ng templo, nagkaroon ng maraming hamon. Sa pangkalahatan, ang mga miyembro ng Simbahan noon ay matatalino, at masisipag na kababaihan at kalalakihan. Ang ilan ay mahuhusay na artesano, at marami ang nagtrabaho sa iba’t ibang pagkakataon upang magtayo ng mga bahay para sa kanilang sarili at sa iba. Gayunman, walang pang nakapagtayo ng gayon kalaki tulad ng templo.
Building the Kirtland Temple [Pagtatayo ng Kirtland Temple], ni Walter Rane.
Pagsapit ng Hunyo 1833, hindi pa nasimulan ang pagtatayo ng templo. Noong ika-1 ng Hunyo, tumanggap si Joseph Smith ng isang paghahayag kung saan inihayag ng Panginoon ang mga sukat ng templo (Doktrina at mga Tipan 95:13–17 ). Hindi nagtagal, pinangasiwaan ng Unang Panguluhan ang mga drowing ng mga plano para sa gusali.2
Sinimulan nina Hyrum Smith at Reynolds Cahoon ang paghuhukay ng mga pundasyon para sa templo at si George A. Smith ang tumibag ng unang ikinargang mga bato mula sa kalapit naStannard Quarry .3
Pagkatapos, noong ika-6 ng Hunyo, hinirang sa isang kumperensya ng high priest sina Hyrum Smith, Reynolds Cahoon, at Jared Carter para maglingkod bilang building committee ng Simbahan na mangangasiwa sa proyekto at tinagublinan sila na simulan kaagad ang pagtatayo.4
Pagkatapos ng pulong, nagtungo si Hyrum Smith sa tahanan ng kanyang mga magulang at nakahanap ng isang kagamitan. Nang tanungin ng kanyang ina kung bakit siya nagmamadaling umalis, sumagot siya, “Naghahanda [kami] upang magtayo ng isang bahay para sa Panginoon at determinado akong mauna sa gawain.”
Pagsapit ng ika-23 ng Hulyo, nahukay na ang pundasyon ng templo, at pinangunahan ng Unang Panguluhan ang seremonya ng paglalagay ng batong panulok para sa gusali.
Sinimulan nina Hyrum Smith at Reynolds Cahoon ang paghuhukay ng mga pundasyon para sa templo at si George A. Smith ang tumibag ng unang ikinargang mga bato mula sa kalapit na
Pagkatapos, noong ika-6 ng Hunyo, hinirang sa isang kumperensya ng high priest sina Hyrum Smith, Reynolds Cahoon, at Jared Carter para maglingkod bilang building committee ng Simbahan na mangangasiwa sa proyekto at tinagublinan sila na simulan kaagad ang pagtatayo.4
Pagkatapos ng pulong, nagtungo si Hyrum Smith sa tahanan ng kanyang mga magulang at nakahanap ng isang kagamitan. Nang tanungin ng kanyang ina kung bakit siya nagmamadaling umalis, sumagot siya, “Naghahanda [kami] upang magtayo ng isang bahay para sa Panginoon at determinado akong mauna sa gawain.”
Pagsapit ng ika-23 ng Hulyo, nahukay na ang pundasyon ng templo, at pinangunahan ng Unang Panguluhan ang seremonya ng paglalagay ng batong panulok para sa gusali.
Stannard Quarry sa Chapin Forest Reservation malapit sa Kirtland.
Ang Kirtland Temple ay itinayo mula sa lokal na sandstone na tinibag mula sa sahig ng sapa o creek bed na matatagpuan sa timog ng gusali. Ang mga iregular na hugis ng mga bloke ng bato ay mabilis na pinutol at pagkatapos ay pinagpatung-patong at nilagyan ng mortar upang makabuo ng malalaki at matitibay na pader ng gusali. Ang mga iregular na hugis ng mga bato ay tinakpan ng makapal na palitada ng stucco sa labas at plaster sa loob.
Kirtland Sawmill.
Noong huling bahagi ng 1833, nagtayo ang mga Banal ng isang palagarian o sawmill sa Stoney Brook, isang sapa sa Chagrin River na mabilis na dumadaloy sa mga kapatagan malapit sa Whitney Store. Ang sawmill ay nagbigay ng trabaho sa mga bagong binyag na kakarating lang sa Kirtland at gumawa ng mga tabla na kailangan para maitayo ang templo, kabilang na ang mga barakilan, mga kahoy na pansahig, at roofing shingles.
Ang mga troso na binili ng Simbahan mula sa kalapit na kagubatan noong Marso 1833 ay pinutol at pinaanod papunta sa Chagrin River patungo sa sawmill, kung saan ito ginawang mga tabla. Dito, ang mahuhusay na artesano ay gumawa rin ng magagarang woodwork appliqués na bumubuo sa karamihan sa panloob na dekorasyon ng templo. Ang mga pulpito na matatagpuan sa dulo ng itaas at ibabang mga korte ng templo ay una ring ginawa sa sawmill.
“Isa lang ang pangunahing layunin na pinagtutuunan ng aming isipan at iyon ay ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon,” paggunita ni Lucy Mack Smith tungkol sa panahong iyon.5
Habang patuloy ang pagtatayo ng templo, ang buong komunidad ay nagsimulang magtrabaho. Halimbawa, ang mga kalalakihan ay nagtrabaho sa quarry upang magtibag ng mga bato at dalhin ito sa lugar na pagtatayuan ng templo. Naalala ni Heber C. Kimball ang pagtatrabaho niya sa tibagan ng mga bato kasama si Joseph Smith: “Hindi niya inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa, kundi isinuot niya ang kanyang [damit na pangtrabaho] at pumasok sa tibagan.”6

Mga replika ng mga pulpito ng templo na ginagawa pa sa Kirtland Sawmill.
Ang Tahanan nina Joseph at Emma Smith sa Kirtland.
Nang magsimula ang pagtatayo ng templo, inilipat nina Joseph at Emma Smith ang kanilang pamilya sa sarili nilang tahanan sa burol malapit sa templo. Mula sa bintana ng kanilang kusina, nakikita nina Joseph at Emma kung paano ginagawa ang templo.
Bagama’t nag-ukol si Joseph ng maraming oras sa lugar na pagtatayuan ng templo at sa tibagan ng mga bato para tumulong sa pag-usad ng gawain, siya ay patuloy ring tumatanggap ng mga paghahayag, nangangasiwa sa paglalathala ng unang edisyon ng Doktrina at mga Tipan at ikalawang edisyon ng Aklat ni Mormon, at pag-oorganisa ng Korum ng Labindalawa at mga Korum ng Pitumpu.
“Kahit puno ng mga gawain at tuluy-tuloy na mga responsibilidad ang buhay ko,” pagsulat ni Joseph sa panahong ito, “ginawa ko itong panuntunan: kapag inutos ng Panginoon, gawin ito.”7 Marami sa mga paghahayag na natanggap at sa mga pulong na idinaos ni Joseph sa panahong ito ay nakatuon sa paghahanda sa mga Banal para sa templo.

Ang Kirtland Temple.
Pagsapit ng huling bahagi ng 1835, ang templo ay halos kumpleto na kaya nagsimulang magdaos ng mga pulong si Joseph Smith at ang iba pa sa gusali. Noong ika-21 ng Enero 1836, habang nangangasiwa ng mga bagong inihayag na ordenansa sa ikatlong palapag ng templo, nakatanggap si Joseph Smith ng isang pangitain tungkol sa kahariang selestiyal at nalaman na ang mga namatay nang walang binyag sa buhay na ito ay magkakaroon pa rin ng pagkakataon sa kabilang buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 137 ). Habang papatapos na ang templo, nalaman ni Joseph na marami pang ihahayag ang Panginoon.
Noong ika-27 ng Marso 1836, napakaraming Banal ang dumagsa sa Kirtland Temple para sa paglalaan. Sa panalangin ng paglalaan, sinabi ni Joseph Smith “Sa pangalan ni Jesucristo, … sa kung kaninong pangalan lamang ang kaligtasan ay maigagawad sa mga anak ng tao, aming hinihiling sa inyo, O Panginoon, na tanggapin ang bahay na ito, ang gawa ng aming mga kamay, na inyong mga tagapaglingkod, na inyong ipinag-utos na aming gawin” (Doktrina at mga Tipan 109:4 ).
Noong ika-27 ng Marso 1836, napakaraming Banal ang dumagsa sa Kirtland Temple para sa paglalaan. Sa panalangin ng paglalaan, sinabi ni Joseph Smith “Sa pangalan ni Jesucristo, … sa kung kaninong pangalan lamang ang kaligtasan ay maigagawad sa mga anak ng tao, aming hinihiling sa inyo, O Panginoon, na tanggapin ang bahay na ito, ang gawa ng aming mga kamay, na inyong mga tagapaglingkod, na inyong ipinag-utos na aming gawin” (
Vision in the Kirtland Temple [Pangitain sa Kirtland Temple], ni Gary E. Smith.
Tinanggap ng Panginoon ang bahay. Sa pagdating ng mga anghel at banal na pagpapakita nang araw na iyon at sa mga sumunod na araw, ang mga Banal ay pinagpala tulad noong panahon ng Pentecostes.
Noong ika-3 ng Abril, isang linggo matapos mailaan ang templo, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay nagtungo sa mga pulpito sa kanlurang bahagi ng gusali at yumuko para taimtim at tahimik na manalangin. Matapos ang kanilang panalangin, isang pangitain ang nakita nila tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo.
Siya ay nakatayo sa sandigan ng pulpito sa harapan nila at nagpahayag: “Magsaya ang mga puso ng inyong mga kapatid, at magsaya ang mga puso ng lahat ng aking tao, na, sa pamamagitan ng kanilang lakas, ay itinayo ang bahay na ito sa aking pangalan. Sapagkat masdan, tinanggap ko ang bahay na ito, at ang aking pangalan ay malalagay rito; at ipakikita ko ang aking sarili sa awa sa aking mga tao sa bahay na ito” (Doktrina at mga Tipan 110:6–7 ).
Noong ika-3 ng Abril, isang linggo matapos mailaan ang templo, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay nagtungo sa mga pulpito sa kanlurang bahagi ng gusali at yumuko para taimtim at tahimik na manalangin. Matapos ang kanilang panalangin, isang pangitain ang nakita nila tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo.
Siya ay nakatayo sa sandigan ng pulpito sa harapan nila at nagpahayag: “Magsaya ang mga puso ng inyong mga kapatid, at magsaya ang mga puso ng lahat ng aking tao, na, sa pamamagitan ng kanilang lakas, ay itinayo ang bahay na ito sa aking pangalan. Sapagkat masdan, tinanggap ko ang bahay na ito, at ang aking pangalan ay malalagay rito; at ipakikita ko ang aking sarili sa awa sa aking mga tao sa bahay na ito” (
Mga Tala
Mga Tala
- Minutes, 27–28 December 1832, sa Minute Book 1, p. 3, josephsmithpapers.org; ginawang makabago ang baybay at gramatika.
- Ang mga drowing ng mga planong ito ay ginupit at idinikit kalaunan sa mga bahagi ng Egyptian papyri na binili ni Joseph Smith noong 1835 upang mapanatili ang mga sinaunang dokumento. Dahil dito, mayroon lamang tayong pira-pirasong halimbawa ng mga orihinal na plano para sa loob ng templo (tingnan sa Plan of the House of the Lord in Kirtland, Ohio [Fragments], circa June 1833, josephsmithpapers.org).
- History, 1838–1856 [Manuscript History of the Church], volume A-1, 302, josephsmithpapers.org.
- Minutes, 6 June 1833, sa Minute Book 1, p. 21, josephsmithpapers.org.
- Lucy Mack Smith, History, 1844–1845, book 14, p. 3, josephsmithpapers.org.
- Tinukoy ni Heber C. Kimball ang “tow frock” ni Joseph Smith, isang mahabang polo na karaniwang isinusuot ng mga kalalakihan na nakapatong sa kanilang damit habang nagtatrabaho (tingnan sa
Heber C. Kimball, 1864 April 6, sa Church History Department Pitman Shorthand transcriptions, 2013–2023 , 10, Church History Library, Salt Lake City; iniayon sa pamantayan ang pagbabantas). - Joseph Smith, sa History, 1838–1856, volume B-1, 558, josephsmithpapers.org; iniayon sa pamantayan ang malaking titik at pagbabantas.