Noong 1826, bumili si Newel K. Whitney ng lote sa Kirtland, Ohio, pata magtayo ng isang tindahan sa tapat mula sa
kanyang tahanan. Pinamahalaan ni Newel ang tindahan kasama ang kanyang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si
Sidney Gilbert. Ang dalawang mangangalakal ay nagbebenta ng iba’t ibang kalakal, na karamihan ay malamang na ipinadala sa Kirtland sa pamamagitan ng Lake Erie. Ang tindahan ni Newel K. Whitney ay nagsilbi ring post office ng bayan. Pagkatapos dumating ang mga Banal noong 1831, ang tindahan ay naging isang lugar ng pagpupulong at paghahayag.
Noong ika-4 ng Pebrero 1831, si Propetang Joseph Smith at ang kanyang buntis na asawa, si Emma, ay dumating sa Tindahan ni Newel K. Whitney. Sila ay malugod na tinanggap ng mga Whitney at, makalipas ang dalawang taon, ang isang bahagi ng Tindahan ni Newel K. Whitney ay ginawang tahanan ng Propeta at ng kanyang pamilya. Ang itaas na palapag ng tindahan ay naging lugar ng paghahayag at naging punong-tanggapan ng Simbahan sa Kirtland sa loob ng ilang panahon. Natapos ni Joseph Smith ang kanyang inspiradong pagsasalin ng Biblia habang naninirahan sa tindahan nong Hulyo 1833. Ang
Paaralan ng mga Propeta ay idinaos sa isang silid sa ikalawang palapag. Sa lugar na ito, inordenan ni Joseph Smith ang dalawang lalaki upang maglingkod bilang mga tagapayo sa kanya sa Unang Panguluhan at marami sa mga naroon ang nakakita ng makalangit na pangitain tungkol sa Tagapagligtas. Kabilang sa mahahalagang paghahayag na natanggap ni Joseph sa Tindahan ni Newel K. Whitney ay ang
Word of Wisdom (
Doktrina at mga Tipan 89) matapos magtanong si Joseph Smith sa Panginoon tungkol sa mga lalaking gumagamit ng tabako sa mga miting.
Ang ipinanumbalik na Tindahan ni Newel K. Whitney ay bahagi na ngayon ng tour o paglilibot sa
Makasaysayang Kirtland.
Basahin pa ang tungkol sa Tindahan ni Newel K. Whitney sa
kabanata 15 ng Mga Banal, Tomo 1.360° Walkthrough
Ano ang Aasahan
Ang Tindahan ni Newel K. Whitney ay bahagi ng guided tour sa Makasaysayang Kirtland na ibinibigay ng mga missionary. Ang tour ay nagsisimula sa Historic Kirtland Visitors’ Center at kabilang ang Tindahan ni Newel K. Whitney at ang tahanan ng mga Whitney; maaari ring isama rito ang Bahay-panuluyan ng mga Johnson, ang Whitney ashery, at ang sawmill kapag hiniling.