Humigit-kumulang tatlong kilometro sa timog ng
Kirtland Temple, sa loob ng Chapin Forest Reservation, naroon ang tibagan o quarry kung saan nagtitibag ng bato para gamitin sa pagtatayo ng ilang lokal na gusali, kabilang na ang Kirtland Temple. Noong dekada ng 1830, nakakuha ang mga manggagawa ng mga bloke ng lokal na sandstone sa pamamagitan ng pagbarena sa bato at paggamit ng mga kalso para mabiyak ang bato. Sa maikling panahon, pinangasiwaan ni Joseph Smith ang mga manggagawa na nagtitibag ng mga bato para sa templo.
Ngayon, ang mga bisita sa Chapin Forest Reservation ay maaaring maglakad sa kahabaan ng Stonecutters Loop Trail. Humahantong ito sa isang tulay na tanaw ang quarry pond, kung saan makikita ng mga bisita ang mga labi ng mga butas ng barena kung saan pinutol ang mga bloke ng limestone mula sa ilalim ng sapa. Napakadaling lakarin; ito ay 0.19 kilometro lamang sa patag na lupain at maayos ang mga daanan. Ang mga karatula ng impormasyon sa trailhead at sa kahabaan ng daan ay nagbabahagi ng karagdagang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng lugar at sa kahalagahan nito sa lokal na komunidad.
360° Walkthrough
Ano ang Aasahan
Ang Stonecutters Loop Trail ay isang trail o daan na mahusay na napangalagaan na may mga karatula ng impormasyon sa kahabaan ng isang landas sa kagubatan. Ang trail ay maikli at madaling libutin. Ito ay malilibot nang walang guide o gabay.