Kirtland Temple

Ang Kirtland Temple ay isang sagradong lugar ng pagsamba at pagkatuto para sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Kirtland noong huling bahagi ng dekada ng 1830.
Kirtland Temple
A three-story white stucco building, with dormer windows running the length of the roof shingled. A white tower, topped by a weather vane, stands on the front of the building.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
9020 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Physical Address

9020 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Contact

Contact


Services
Guided Tours
Cell Service

Services

Guided Tours
Cell Service

A three-story white stucco building with dormer windows running the length of the roof shingled and a white tower at the front is framed by trees.
Two gothic windows flank and round topped window on a grayish-white stucco building surrounded by foliage.
A large tour group is greeted by a young sister missionary as they enter the front door of the Kirtland Temple.
A tour group sits in the fourth and fifth rows of boxed pews in front of  three-tiered white pulpits with gold accents. They listen as a sister missionary reads from a card.
Looking downward at a spiral staircase, the gray carpeted stairs turn gently to the left around a corner before descending to the landing below.
A large white meeting space with three-tiered white pulpit at the front. The seating area is filled with boxed pews and divided in three by long aisles with dark wood floors. Pillars running along the aisles hold a barrel vaulted ceiling.
A tour group of adults and children standing in a large white room with three-tiered stack pulpits behind them, listen as a missionary gives a tour.
An open door provides a view of three other open doors extending through an attic space.
A large attic room with a desk in the center of two doors. The room is filled with black, ladder-backed chairs arranged in a semi circle around the desk.
Two young sister missionaries speak to a tour group in a gray carpeted room.
Noong Disyembre 1832, iniutos ng Panginoon sa mga Banal sa Kirtland, Ohio, na magtayo ng “isang bahay ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 88:119). Ito ay dapat maging isang “bahay ng panalanginan, isang bahay ng pag-aayuno, isang bahay ng pananampalataya, isang bahay ng pagkakatuto, isang bahay ng kaluwalhatian, isang bahay ng kaayusan, isang bahay ng Diyos.” Ang mga Banal sa Kirtland ay nagbigay ng kanilang oras at pera upang maitayo ang bahay ng Panginoon. Nanampalataya sila na tutulungan sila ng Panginoon na magawa ang Kanyang kalooban. Ang templo ay natapos noong huling bahagi ng 1835 at inilaan noong ika-27 ng Marso 1836 (Doktrina at mga Tipan 109).

Ang pananampalataya ng mga Banal ay ginantimpalaan sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga espirituwal na manipestasyon sa natapos na Kirtland Temple. Sa paglalaan, sinabi ng ilang taong naroon na nakakita sila ng mga anghel. “Walang salitang makapaglalarawan sa mga pagpapakita ng langit sa di-malilimutang araw na iyon,” isinulat kalaunan ni Eliza R. Snow, na naroon sa paglalaan ng templo. “Nagpakita ang mga anghel sa ilan, habang ang lahat ng naroon ay nakadama ng kabanalan, at bawat puso ay ‘may galak na di-masayod at puspos ng kaluwalhatian.’”1 Ang ilan sa labas ng templo ay iniulat na “[nakarinig ng kakaibang ingay sa loob ng templo], at [nakakita ng] maningning na liwanag tulad ng isang haligi ng apoy na nanahan sa ibabaw ng templo.”2

Noong ika-3 ng Abril 1836, isang linggo matapos ang paglalaan, halos isang libong Banal sa mga Huling Araw ang nagtipon para sambahin ang Panginoon sa Kirtland Temple. Matapos pangasiwaan ang sakramento, nagtungo sina Propetang Joseph Smith at Oliver Cowdery sa mga pulpito ng Melchizedek Priesthood at ibinaba ang tabing o kurtina para magdasal nang pribado. Matapos yumukod sa “taimtim at tahimik na panalangin,” isang pangitain ang nabuksan kung saan dinalaw sila ni Jesucristo, na nagpahayag na tinanggap Niya ang bahay na kanilang itinayo. Pagkatapos ay dinalaw sina Joseph at Oliver ng tatlong karagdagang sugo: sina Moises, Elias, at Elijah. Ibinigay sa kanila ni Moises “ang mga susi ng pagtitipon sa Israel” (Doktrina at mga Tipan 110:11), ibinigay ni Elias sa kanila “ang karapatang ipagkaloob ang mga natatanging pagpapala ng tipang Abraham,”“3 at ibinigay sa kanila ni Elijah ang kapangyarihang magbuklod “upang ibaling ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga anak sa kanilang mga ama” (Doktrina at mga Tipan 110:15).

Sa loob ng ilang dekada, iningatan at pinangalagaan ng Community of Christ ang Kirtland Temple. Noong Marso 2024, ang pangangalaga sa napakahalagang lugar na ito ay inilipat sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Basahin pa ang tungkol sa Kirtland Temple sa kabanata 21 ng Mga Banal, Tomo 1.




  1. Edward Tullidge, Women of Mormondom, 95.
  2. History, 1838–1856, volume B-1 (1 Setyembre 1834–2 Nobyembre 1838), addenda, 4; www.josephsmithpapers.org
  3. Russell M. Nelson, “Ang Walang Hanggang Tipan, Okt. 2022, 9; https://folky.shop/study/liahona/2022/10/04-the-everlasting-covenant?lang=tgl

Ano ang Aasahan


Ang mga guided tour sa Kirtland Temple ay nagsisimula sa Kirtland Temple Visitors’ Center at aabutin ng humigit-kumulang isang oras. Malilibot ng mga bisita ang lahat ng tatlong palapag ng templo upang matutuhan pa ang tungkol sa pagtatayo at paggamit nito noong dekada ng 1830.

Paradahan

  • May limitadong paradahan sa dulong kanlurang bahagi ng templo.

Mobility Accessibility


Labas

  • May mga hagdan na may mga handrail sa pasukan ng gusali.

Loob

  • Maraming palapag ang malilibot nang walang elevator.
  • Ang mga hagdanan ay matarik at napakahaba.
  • May mga baitang sa gusali sa hilagang-silangan at timog-silangang sulok ng bulwagan.
  • Isang alternatibong karanasan ang ibibigay para sa mga bisita na hindi makapasok sa itaas na mga palapag.

Daraanan at Sahig


Labas

  • Kalsada: Aspalto (maayos ang kundisyon); patag
  • Bangketa: Konkreto (maayos ang kundisyon); patag

Loob

  • Sahig: Karpet/alpombra

Mga upuan

  • May mauupuan.
Kirtland Temple
A three-story white stucco building, with dormer windows running the length of the roof shingled. A white tower, topped by a weather vane, stands on the front of the building.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
9020 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Physical Address

9020 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Contact

Contact


Services
Guided Tours
Cell Service

Services

Guided Tours
Cell Service

Last Updated On Apr 03, 2025