Joseph and Emma Smith Home

Ang Tahanan nina Joseph at Emma Smith sa Kirtland, Ohio, ay isang lugar kung saan madarama ang pagtanggap at pagmamahal at isang lugar ng paghahayag, kung saan isinalin ang mas marami pang mga sagradong banal na kasulatan.
Tahanan nina Joseph at Emma Smith
The restored home of Joseph and Emma Smith in Kirtland, Ohio. The home was dedicated on Saturday, August 26, 2023, by David A. Bednar of the Quorum of the Twelve Apostles of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
8980 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Physical Address

8980 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Wheelchair Accessible
Drinking Fountains

Services

Parking
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Wheelchair Accessible
Drinking Fountains

The kitchen of the restored home of Joseph and Emma Smith in Kirtland, Ohio. The home was dedicated on Saturday, August 26, 2023, by David A. Bednar of the Quorum of the Twelve Apostles of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
The kitchen of the restored home of Joseph and Emma Smith in Kirtland, Ohio. The home was dedicated on Saturday, August 26, 2023, by David A. Bednar of the Quorum of the Twelve Apostles of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
Kitchen in Joseph and Emma Smith’s Kirtland home
The Kirtland Temple can be seen from a window of the restored home of Joseph and Emma Smith in Kirtland, Ohio. The home was dedicated on Saturday, August 26, 2023, by David A. Bednar of the Quorum of the Twelve Apostles of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
Parlor in Joseph and Emma Smith’s Kirtland home
The restored home of Joseph and Emma Smith in Kirtland, Ohio is where Emma compiled the first hymnal of the Church of Jesus Christ. The home was dedicated on Saturday, August 26, 2023, by David A. Bednar of the Quorum of the Twelve Apostles of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
Parlor of Joseph and Emma Smith’s Kirtland home
A room in the restored home of Joseph and Emma Smith in Kirtland, Ohio that was possibly used for entertaining visitors or for Church meetings. The home was dedicated on Saturday, August 26, 2023, by David A. Bednar of the Quorum of the Twelve Apostles of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
kirtland
Side view of a creme-colored home with large picture windows; two-stories with a 1 story rear edition.
Ang Tahanan nina Joseph at Emma Smith sa Kirtland, Ohio, ay isang lugar ng kapayapaan, kaligtasan, at paghahayag para sa pamilya Smith sa loob ng apat na taon na nanirahan sila rito. Habang nakatira sa tahanang ito, isinalin ni Joseph ang Aklat ni Abraham, nag-organisa ng maraming mahahalagang korum ng priesthood—kabilang ang unang high council at ang Korum ng Labindalawang Apostol—at madalas na nakikipagkita sa mga miyembro ng Simbahan. Dito tinupad ni Emma ang iniutos sa kanya ng Diyos na “gumawa ng isang pagtitipon ng mga banal na himno” para sa Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 25:11).

Noong araw na dumating sina Joseph at Emma Smith sa Kirtland, tumanggap si Joseph Smith ng paghahayag na nagsasabi sa mga Banal na “ang aking tagapaglingkod na si Joseph Smith, Jun., ay kinakailangang magpagawa ng isang bahay, na kung saan makapaninirahan at makapagsasalin” (Doktrina at mga Tipan 41:7). Noong huling bahagi ng 1833, matapos ang mahigit dalawang taon sa lugar, sa huli ay lumipat sina Joseph at Emma—kasama ang tatlong maliliit na anak—sa kanilang bahay, na itinayo sa tulong ng pamilya, mga kaibigan, at mga miyembro ng Simbahan. Bagama’t mahigit apat na taon lamang silang nanirahan sa bahay na ito, mas matagal silang nanirahan dito kaysa sa ibang bahay na tinirhan nila bilang mag-asawa. Ang bahay ay naging isang lugar ng seguridad kung saan si Emma ay nag-aasikaso sa bahay, nagsilang ng isa pang anak, at nagpapatakbo ng isang negosyo ng mga produkto na mula sa gatas. Bukod pa sa kanyang mga tungkulin sa tahanan, si Emma ay dito rin nagtipon ng isang aklat ng mga sagradong himno.

Bukod sa pagsasalin na iniutos ng Panginoon, ginampanan din ni Joseph ang iba pang mga tungkulin bilang propeta. Sa tahanang ito, tumanggap siya ng mga paghahayag, nakipagpulong sa mga lider ng Simbahan, bumisita sa mga Banal, at pinalawak ang organisasyon ng Simbahan. Mula sa tahanang ito, pinangasiwaan niya ang paglilimbag ng unang edisyon ng Doktrina at mga Tipan at ng ikalawang edisyon ng Aklat ni Mormon at nagdikta ng isang salaysay tungkol sa Unang Pangitain. Sa tahanang ito, idinikta ni Joseph Smith ang paghahayag na nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan 101 na humantong sa pagtatatag ng Kampo ng Sion. Kalaunan, inorganisa ang Korum ng Labindalawang Apostol at mga Korum ng Pitumpu habang nakatira dito si Joseph. Ang malaking bahagi ng Aklat ni Abraham ay naisalin din sa panahong nakatira sina Joseph at Emma sa bahay na ito.

Sina Joseph at Emma ay magigiliw na mga tao na madalas na binubuksan ang kanilang tahanan sa mga boarder o mangungupahan. Ang mga boarder na ito ay karaniwang nagbabayad para sa paninirahan nila o nagtatrabaho para sa pamilya. Si Eliza R. Snow ay dalawang beses tumira sa mga Smith sa bahay na ito at naglingkod bilang guro sa mga batang Smith at sa ilang kabataang babae sa lugar. Nakatira din ang mga miyembro ng pamilya sa mga Smith, kabilang ang mga magulang ni Joseph, na nanirahan doon ng isang taon habang itinatayo ang kanilang bahay. Ang lola ni Joseph na si Mary Duty Smith, na ina ng kanyang ama, ay bumisita sa pamilya sa tahanan ding ito.

Ngayon ang Tahanan nina Joseph at Emma Smith ay naipanumbalik na sa Kirtland, Ohio, at bukas para sa paglilibot ng publiko.


360° Walkthrough





Ano ang Aasahan


Ang Tahanan nina Joseph at Emma Smith ay bukas para sa mga missionary-guided tour na aabutin ng mga 25 o 30 minuto. May mauupuan sa buong paglilibot.

Paradahan

  • May paradahan sa timog-kanlurang bahagi ng gusali sa Conely Drive.

Mobility Accessibility


Labas

  • May mga baitang na may handrail sa pangunahing pasukan ng gusali.
  • May pasukan na walang hagdan papasok sa gusali ang nasa kanlurang bahagi ng tahanan.
Loob
  • Ang paglilibot ay sa unang palapag lamang.

Daraanan at Sahig


Labas

  • Kalsada: Aspalto (napakaayos ng kundisyon); patag
  • Bangketa: Konkreto (napakaayos ng kundisyon); patag
  • Daanan: Compacted decomposed granite (napakaayos ng kundisyon); padalisdis

Loob

  • Sahig: Kahoy

Mga upuan

  • May mauupuan sa loob ng bahay at sa palibot ng gusali.
Tahanan nina Joseph at Emma Smith
The restored home of Joseph and Emma Smith in Kirtland, Ohio. The home was dedicated on Saturday, August 26, 2023, by David A. Bednar of the Quorum of the Twelve Apostles of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
8980 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Physical Address

8980 Chillicothe Rd
Kirtland, Ohio 44094
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Wheelchair Accessible
Drinking Fountains

Services

Parking
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Wheelchair Accessible
Drinking Fountains

Last Updated On Apr 03, 2025