Joseph and Emma Smith Home

Ang Joseph and Emma Smith Home ang unang bahay nina Joseph at Emma Smith pagkatapos nilang magpakasal.
Tahanan nina Joseph at Emma Smith
An exterior shot of farm houses in Waterloo, New York.There are trees and paths all along the way.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
27832 State Route 171
Oakland Township (Susquehanna) , Pennsylvania 18847  
USA

Physical Address

27832 State Route 171
Oakland Township (Susquehanna) , Pennsylvania 18847  
USA

Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

An exterior shot of farm houses in Waterloo, New York.There are trees and paths all along the way.
Various people interact with exhibits in Historic Sites found in New York and Pennsylvania. They appear to be in homes.
The home in Harmony provided Joseph Smith a place to work on translating the ancient record. Joseph’s first, limited efforts had begun in December 1827 before the move to the house, but they continued in 1828. Emma helped her husband again briefly when he resumed work in 1829. At times, visitors from New York came to stay in the Smith home and help with the project. Martin Harris and later Oliver Cowdery volunteered to write for Joseph Smith as full-time scribes. The room where Joseph and his scribes worked became the place where the Lord taught about the process of translation as revelation. Photo taken May 2022.
A room with with a fireplace on the back wall, a bedroom to the left, and a dining table to the right. Cloths are haning to dry from the ceiling.
A bedroom with a baby cradle on the floor, a chair in the corner, and a bed up agaisnt the wall.
A room with wooden benches lined up in the center, barrels in the corner, and a iron stove.
A cabinet filled with kitchen tools and baskets are on the floor in front of the cabinet filled with food like potatos and carrots.
Ang Joseph and Emma Smith Home sa Harmony, Pennsylvania, ay isang lugar ng paghahayag. Dito ipinagpatuloy ni Joseph ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, sa tulong ng mga tagasulat na tulad ni Emma, kapatid ni Emma na si Reuben, Martin Harris, at Oliver Cowdery.

Matapos lumipat sa tahanang ito noong Disyembre 1827, dalawang buwan lamang matapos matanggap ang mga laminang ginto, sandaling nanirahan sina Joseph at Emma sa mga magulang ni Emma bago lumipat sa 5.46 na ektaryang bukid na ito noong Enero o unang bahagi ng Pebrero ng 1828. Kalaunan ay binili nina Joseph at Emma ang bahay mula sa ama at kapatid ni Emma. Ang makitid na piraso ng lupain ay umaabot mula sa Susquehanna River hanggang sa paanan ng Oquago Mountain. Kasama rito ang kamalig at bahay na itinayo ng kapatid ni Emma na si Jesse. Ang Joseph and Emma Smith Home ay isang gusaling muling itinayo sa orihinal na lokasyon.

Pagdating sa Harmony, marami ang nagawa ni Joseph sa pagsasalin ng mga laminang ginto sa loob ng mga apat na buwan. Si Emma ay naglingkod bilang kanyang unang tagasulat bago tumanggap ng tulong mula sa kapatid ni Emma na si Reuben Hale at kalaunan, mula kay Martin Harris.

Noong unang bahagi ng Hunyo 1828, nagmakaawa si Martin Harris kay Joseph Smith na dalhin ang manuskrito sa Palmyra upang maipakita ang mga ito sa kanyang asawang si Lucy Harris at sa iba pang mga kapamilya na hindi nasiyahan sa suporta na ibinibigay ni Martin kay Joseph. Matapos ang tatlong pagtatangka na makuha ang pahintulot ng Panginoon na kunin ang manuskrito, sa wakas ay pumayag ang Panginoon at nagtungo si Martin sa Harmony na dala ang manuskrito noong Hunyo 14, 1828. Kinabukasan, isinilang ni Emma ang kanyang panganay, isang lalaki na nabuhay lamang ng ilang oras. Matapos ilibing ang sanggol sa kalapit na McKune Cemetery, inalagaan ni Joseph ang kanyang asawa na may sakit mula sa mahirap na panganganak at lubos na nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang anak. Pagkalipas ng halos dalawang linggo, nang unti-unti niyang nababawi ang kanyang lakas, napansin ni Emma ang pag-aalala ni Joseph sa manuskrito. Wala silang balita kay Martin, at napansin ni Emma na tumitindi ang pagkabalisa ng kanyang asawa.

“Nababahala ako,” sabi niya kay Joseph isang araw, “at hindi ako mapapanatag hangga’t hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni G. Harris.” Matapos ang ilang karagdagang paghihikayat, sumakay si Joseph sa karwahe mula Harmony papuntang Manchester, kung saan nalaman niya na nawala ni Martin ang manuskrito. “Nawala na ang lahat,” ang pagtangis ni Joseph. “Ipinahamak ko ang aking kaluluwa.” Umalis si Joseph sa araw ding iyon para bumalik sa Harmony para ibahagi ang nakapanlulumong balita kay Emma. Hindi nagtagal matapos siyang makabalik sa Harmony, muling nagpakita si Moroni at kinuha ang mga lamina at ang mga pansalin at sinabi kay Joseph na kung siya ay “lubos na magpapakumbaba” ay ibabalik ang mga ito sa Setyembre. Matapos ang isang panahon ng pagsisisi, nakatanggap si Joseph Smith ng isang paghahayag—na ngayon ay Doktrina at mga Tipan 3—kung saan ipinahayag ng Panginoon na ang Kanyang mga layunin ay “hindi mabibigo” at sinabi kay Joseph na hindi niya dapat “kinatakutan ang tao nang higit sa Diyos” (Doktrina at mga Tipan 3:1, 7). Ipinahayag din ng Panginoon na si Joseph ay “muling tinatawag sa gawain.” Ibinalik ang mga lamina, at muling naglingkod si Emma bilang tagasulat sa pakonti-konting pagsisikap si Joseph na magsalin.

Noong Abril 5, 1829, dumating sa Harmony si Oliver Cowdery, isang guro na nanirahan kina Joseph Sr. at Lucy Smith sa Manchester. Matapos malaman ang mga paghahayag ni Joseph Jr., nag-aral at nanalangin si Oliver para malaman kung ang mga ito ay mula sa Diyos. Matapos makumbinsi na ang mga ito ay mula sa Diyos, nakumbinsi rin siya na may papel siyang gagampanan sa pagtulong kay Joseph. Dalawang araw matapos unang makilala si Joseph Smith, nagsimulang maglingkod si Oliver bilang kanyang tagasulat. Magkasamang isinalin nina Joseph at Oliver ang Aklat ni Mormon sa loob lamang ng mahigit tatlong buwan, at sa panahon ding iyon ay natanggap nila ang Aaronic at Melchizedek Priesthood, inayos ang paglalathala ng Aklat ni Mormon, at naghanda na i-organisa ang Simbahan ni Jesucristo.

Basahin ang iba pa tungkol sa mga naganap sa Joseph and Emma Smith Home sa Mga Banal Tomo 1, Kabanata 5.


Ano ang Aasahan


Ang Joseph and Emma Smith Home ay bahagi ng guided tour sa Priesthood Restoration Site. Ang tour ay tatagal nang mga 30 minuto at dadalhin kayo nito sa dalawang pangunahing silid ng bahay. Ang mga tour ay magsisimula sa Visitors’ Center.


360° Walkthrough

Parking

Mobility Accessibility    


Labas

  • May tatlong hakbang papasok sa bahay, may rampa sa likod ng bahay bilang alternatibong daanan 

Loob    

  • Hahakbang pababa papasok ng bahay
    • Ang tour ay sa unang palapag lamang

Kondisyon ng Lupa    


Labas

  • Kalsada: Graba (maayos); patag 
    • Daanan: Graba (maayos); nakadahilig

Loob    

  • Sahig: Carpet, kahoy 

Mga upuan    

  • May mga mauupuan sa huling silid ng tour
Tahanan nina Joseph at Emma Smith
An exterior shot of farm houses in Waterloo, New York.There are trees and paths all along the way.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
27832 State Route 171
Oakland Township (Susquehanna) , Pennsylvania 18847  
USA

Physical Address

27832 State Route 171
Oakland Township (Susquehanna) , Pennsylvania 18847  
USA

Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Last Updated On Jan 14, 2025