Ang Priesthood Restoration Site sa Oakland Township, Pennsylvania, ay nagtatampok ng mga makasaysayang tanawin, mga estatwa, dalawang muling itinayong bahay, at isang Visitors’ Center na nagbibigay-pugay sa mga pangyayaring may kaugnayan sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon at sa pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood. Matututuhan ng mga bisita ang mga pangyayaring ito sa pamamagitan ng panonood ng isang
pelikula at pakikibahagi sa mga interactive exhibit. Ang mga guided tour sa Isaac and Elizabeth Hale Home at sa Joseph and Emma Smith Home ay nagsisimula sa visitors’ center. Inaanyayahan din ang mga bisita na tingnan ang iba’t ibang trail sa lugar na magdadala sa kanila sa kalapit na sugar bush kung saan malamang na ipinanumbalik ang Aaronic priesthood o bisitahin ang mga pampang ng Susquehanna River kung saan nagbinyagan sina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Ang
McKune Cemetery, kung saan inilibing nina Joseph at Emma Smith ang kanilang panganay na anak at kung saan inilibing ang mga magulang ni Emma, ay katabi ng Aaronic Priesthood Restoration Monument.
Isinalin ni Joseph Smith ang malaking bahagi ng Aklat ni Mormon dito sa tahanang ito kung saan niya kasama ang kanyang asawa. Bago naging pangunahing tagasulat si Oliver Cowdery, si Emma at ang iba pa ay naglingkod bilang mga tagasulat ni Joseph sa loob ng maikling panahon. Sa Priesthood Restoration Site, magkakaroon kayo ng pagkakataong libutin ang dalawang tahanan, ang
Isaac and Elizabeth Hale Home, at ang
Joseph and Emma Smith Home at matutuhan ang tungkol sa panahong namalagi ang Propeta sa Harmony.
Noong Mayo 15, 1829, bilang sagot sa panalangin nina Joseph at Oliver tungkol sa binyag, isinugo ng Diyos si Juan Bautista, na siyang nagbigay kay Joseph at Oliver ng Aaronic Priesthood. Pagkatapos ay bininyagan nina Joseph at Oliver ang isa’t isa sa
Susquehanna River. Noong 1960 ang Simbahan ay naglagay ng isang bantayog sa lugar bilang paggunita sa pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood. Ang makasaysayang tanawin at
mga walking trail ay tumutulong sa mga bisita na madama ang diwa ng lugar kung saan naganap ang mga mahimalang kaganapang ito.