Tuklasin ang New York at Pennsylvania
Nang lumipat ang pamilya Smith sa Manchester, New York, katulad lang din sila ng ibang pamilya na naghahangad ng mas mabuting buhay para sa kanilang sarili. Ngunit noong tagsibol ng 1829 nang pumasok si Joseph sa kakahuyan sa kanilang lupain para taos pusong magtanong sa Diyos, hindi na naging tulad ng dati ang pamilya at ang kalapit na mga lugar. Ang kalapit na mga lugar pati na ang ibang maliliit na bayan sa kanlurang New York at sa hilagang kanluran ng Pennsylvania ay magsisilbing kanlungan para sa pagpapanumbalik ng Simbahan ni Cristo. Ang mga sumusunod na resource ay makakatulong sa iyo na mas maunawaan ang pagsisimula ng pagpapanumbalik na iyon.
Ang New York at Pennsylvania ay mahalaga sa kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Ang Sagradong Kakahuyan sa Palmyra, New York, ay ang lugar kung saan dinalaw ng Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo ang batang Joseph Smith Jr. noong 1820.
Ang Burol ng Cumorah ay ang lugar kung saan nakipagkita si Joseph Smith sa anghel na si Moroni at dito rin niya nakuha ang mga laminang ginto kung saan nagmula ang Aklat ni Mormon.
Alamin ang iba pa tungkol sa mga Makasaysayang Lugar sa New York at Pennsylvania
Sa mga makasaysayang lugar sa New York at Pennsylvania naganap ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang Sagradong Kakahuyan, Burol ng Cumorah, Priesthood Restoration Site, Whitmer Farm, at Grandin Building ay nagbabahagi ng kwento ng pananampalataya, pagsusumigasig, at pag-asa. Ang mga ito ay iningatan para makita at maranasan ng mga bisita nang personal o online.
Alamin kung paano inihanda ng paglipat ng pamilya Smith sa Palmyra, New York ang batang Joseph Smith para matanggap ang Unang Pangitain.
Sundan ang Aklat ni Mormon mula sa Burol ng Cumorah hanggang sa Grandin’s Press.
Saliksikin kung gaano kahalaga na ipinanumbalik ang awtoridad ng priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery.
Alamin ang iba pa tungkol sa paghahanda ni Joseph Smith para sa pag-organisa ng Simbahan noong Abril 6, 1830.
Karagdagang Resources sa Pag-aaral
Tuklasin ang iba pa tungkol sa kasaysayan ng Sagradong Kakahuyan at ng Smith Family Farm.
Alamin ang iba pa tungkol sa pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood.
Alamin ang iba pa tungkol sa kasaysayan ng pagpapanumbalik ng Melchizedek Priesthood.
Magbasa tungkol sa mga sagradong pangyayari na naganap sa New York at Pennsylvania.