Pagtatatag ng Simbahan ni Cristo
“Manalig sa mga Bagay na Nakasulat” (Doktrina at mga Tipan 18:3)
Noong Abril 6, 1830, sampung araw lamang matapos unang ibenta sa mga tao ang Aklat ni Mormon sa Grandin Printshop, nagtipon sina Joseph Smith, Oliver Cowdery, at iba pa sa tahanan nina Peter at Mary Whitmer sa Fayette, New York, upang itatag ang Simbahan ni Cristo.
Ang araw na ito, na inaasahan ni Joseph Smith at ng kanyang mga tagasunod sa loob ng maraming buwan, ay dumating din sa wakas.
Ang araw na ito, na inaasahan ni Joseph Smith at ng kanyang mga tagasunod sa loob ng maraming buwan, ay dumating din sa wakas.
Muling Itinayong Peter and Mary Whitmer Home.
Mahigit isang taon bago iyon, nagsimulang sabihin ng mga paghahayag at pangangaral ni Joseph Smith kay Joseph at sa kanyang mga tagasunod na kailangan nilang maghanda para sa pagtatatag ng Simbahan ni Jesucristo.1 Noong Marso 1829, sa isang paghahayag kay Martin Harris, ipinahayag ng Panginoon na “Ang Patotoo ng Tatlong Saksi” ay dapat idagdag sa Aklat ni Mormon at na ang paglalathala ng aklat ay hudyat ng “pagsisimula nitong pagsikat at pagkakatatag ng aking simbahan mula sa ilang” (Doktrina at mga Tipan 5:14 ).
Noong Hunyo, nang halos matatapos na ang pagsasalin, isinama ni Joseph sina Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris sa isang tagong lugar sa kakahuyan sa Whitmer Farm. Pagkatapos manalangin, ang tatlong lalaking ito, na kilala ngayon bilang Tatlong Saksi, ay pinakitaan ng mga lamina at iba pang mga sinaunang bagay o artifact kasama ng Aklat ni Mormon. Sa kanilang nakasulat na patotoo, na nakalakip sa bawat edisyon ng Aklat ni Mormon, ipinahahayag ng mga saksi na nakakita sila ng isang anghel ng Diyos na siyang nagpakita sa kanila ng mga lamina at na iniutos sa kanila, sa pamamagitan ng “tinig ng Panginoon,” na magpatotoo tungkol sa mga bagay na ito (“Ang Patotoo ng Tatlong Saksi ,” Aklat ni Mormon, Gospel Library).
Noong Hunyo, nang halos matatapos na ang pagsasalin, isinama ni Joseph sina Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris sa isang tagong lugar sa kakahuyan sa Whitmer Farm. Pagkatapos manalangin, ang tatlong lalaking ito, na kilala ngayon bilang Tatlong Saksi, ay pinakitaan ng mga lamina at iba pang mga sinaunang bagay o artifact kasama ng Aklat ni Mormon. Sa kanilang nakasulat na patotoo, na nakalakip sa bawat edisyon ng Aklat ni Mormon, ipinahahayag ng mga saksi na nakakita sila ng isang anghel ng Diyos na siyang nagpakita sa kanila ng mga lamina at na iniutos sa kanila, sa pamamagitan ng “tinig ng Panginoon,” na magpatotoo tungkol sa mga bagay na ito (“
Ang Tatlong Saksi: (mula kaliwa pakanan): Oliver Cowdery, David Whitmer, at Martin Harris.
Joseph Smith Shows the Plates to the Eight Witnesses [Ipinapakita ni Joseph Smith ang mga Lamina sa Walong Saksi] ni Avard Fairbanks.
Noon ding Hunyo 1829, isang paghahayag ang nag-utos kay Oliver Cowdery na “manalig sa mga bagay na nakasulat,” lalo na sa mga bahaging iyon ng Aklat ni Mormon na tumatalakay sa simbahan sa mga Nephita (Doktrina at mga Tipan 18:3 ).2 Bilang tugon, sinimulan ni Oliver ang masusing pagsusuri sa manuskrito ng Aklat ni Mormon at nagtipon ng isang dokumento na tinawag niyang “Isang kautusan mula sa Diyos para kay Oliver kung paano niya itatayo ang kanyang Simbahan at ang pamamaraan nito.” Ang dokumentong ito, na pinalitan kalaunan ng titulong “Articles of the Church of Christ [Mga Artikulo ng Simbahan ni Cristo],” ay nagbalangkas ng isang pormal na organisasyon ng simbahan na halos nakabatay sa simbahan ng mga Nephita.3 Ang dokumentong pinalitan ng titulo, na kalaunan ay binago ni Joseph Smith bilang “Articles and Covenants of the Church of Christ [Mga Artikulo at Mga Tipan ng Simbahan ni Cristo]” (Doktrina at mga Tipan 20, section heading ), ay ipinagpaliban nang isa pang paghahayag ang “[nagsabi] sa amin [ng] tiyak na araw kung kailan, . . . nararapat naming itatag muli ang Simbahan [ni Cristo] dito sa ibabaw ng mundo.”4 Dahil handa na ang “Articles and Covenants [Mga Artikulo at Mga Tipan],” ang paglalathala na lamang ng Aklat ni Mormon ang kulang bago maitatag ang Simbahan.
Matapos ilathala ang Aklat ni Mormon noong Marso 26, itinakda ang pulong para itatag ang Simbahan. Bagama’t walang naiwang tala tungkol sa pulong noong Abril 6, ilan sa mga dumalo ang nag-iwan ng mga salaysay na nagbigay sa atin ng detalyadong balangkas ng pulong. Matapos ang pambungad na panalangin, sina Joseph at Oliver ay sinang-ayunan bilang una at pangalawang elder ng Simbahan at bilang mga guro ng mga natipong miyembro. Nang masang-ayunan, sina Joseph at Oliver ay nagsalitan sa pag-oorden sa isa’t isa bilang mga elder, ipinasa ang sakramento, at kinumpirma nina Joseph at Oliver ang mga miyembrong nauna nang nabinyagan at ipinagkaloob sa kanila ang kaloob na Espiritu Santo.
Pagkatapos ng mga kumpirmasyon, si Joseph ay tumayo sa harap ng kongregasyon at idinikta ang paghahayag na matatagpuan ngayon saDoktrina at mga Tipan 21 . Nang matanggap ang paghahayag, inorden nina Joseph at Oliver ang ilang kalalakihan na naroon sa iba’t ibang katungkulan sa priesthood, at natamasa “ang saya sa pagsaksi at pagdama namin mismo ng mga kapangyarihan at pagpapala ng Espiritu Santo,” pagsulat ni Joseph Smith kalaunan, “nagtapos kami na may malugod na kaalamang bawat isa sa amin ay miyembro na ng ‘Ang Simbahan ni Jesucristo,’ at kinikilala ng Diyos, inorganisa ayon sa mga utos at paghahayag na ibinigay Niya sa amin sa mga huling araw na ito.”5
Pagkatapos ng mga kumpirmasyon, si Joseph ay tumayo sa harap ng kongregasyon at idinikta ang paghahayag na matatagpuan ngayon sa
Sa pagitan ng Abril 6 at Hunyo 9, nagdaos ng kaparehong mga pulong si Joseph Smith at ang iba pa sa Manchester at Colesville, New York, kung saan nag-organisa sila ng karagdagang mga branch ng Simbahan. Noong Hunyo 9, 1830, sa unang kumperensya ng Simbahan na ginanap sa Whitmer Home sa Fayette, New York, ang “Articles and Covenants of the Church of Christ [Mga Artikulo at Mga Tipan ng Simbahan ni Cristo],” ang dokumentong ginawa nina Oliver at Joseph na nagsasaad kung paano dapat pamahalaan ang Simbahan, ay ipinakilala para sa pagsang-ayon ng mga miyembro.6
Mga Tala
Mga Tala
- Joseph Smith, sa History, 1838–1856, [Manuscript History of the Church], volume A-1 [23 December 1805–30 August 1834], 28, josephsmithpapers.org
- Joseph Smith Papers, sa Historical Introduction sa Revelation, June 1829–B [D&C 18], 34, josephsmithpapers.org
- Michael Hubbard McKay, Sacred Space: Exploring the Birthplace of Mormonism, (Provo and Salt Lake City: Religious Studies Center, Brigham Young University and Deseret Book, 2016).
- Joseph Smith, sa History, 1838–1856, [Manuscript History of the Church], volume A-1 [23 December 1805–30 August 1834], 29, josephsmithpapers.org
- Joseph Smith, sa History, 1838–1856, [Manuscript History of the Church], volume A-1 [23 December 1805–30 August 1834], 38, josephsmithpapers.org
- Tingnan sa Joseph Smith Papers, sa Historical Introduction, “Articles and Covenants, circa April 1830 [D&C 20]”, josephsmithpapers.org