Ang Unang Pangitain
Paglalakbay Patungo sa Sagradong Kakahuyan
Pambungad
480 kilometro sa hilagang-kanluran ng New York City ay makikita ang isang 40 ektaryang ng sakahan na pinupuntahan ng mahigit 100,000 katao kada taon.
Bakit nila pinipiling pumunta rito?
Upang alalahanin ang panalangin na inialay 200 taon na ang nakararaan. Isang panalangin na nagpabago sa kanilang buhay. Milyun-milyong katao ang nagsasabing nag-ugat ang kanilang pananampalataya sa mga pangyayaring naganap sa kakahuyang ito, sa mga tanong ng batang Joseph Smith at sa mga sagot na ibinigay ng Diyos.
Bakit nila pinipiling pumunta rito?
Upang alalahanin ang panalangin na inialay 200 taon na ang nakararaan. Isang panalangin na nagpabago sa kanilang buhay. Milyun-milyong katao ang nagsasabing nag-ugat ang kanilang pananampalataya sa mga pangyayaring naganap sa kakahuyang ito, sa mga tanong ng batang Joseph Smith at sa mga sagot na ibinigay ng Diyos.
Nagsimula ang paglalakbay ni Joseph Smith patungo sa Sagradong Kakahuyan noong 1816 sa gitna ng nakapanlulumong krisis sa ekonomiya. Ang hamog na nagyelo kada buwan ng taon at malakas na pag-ulan ng niyebe sa buwan ng Hunyo ang sumalanta sa mga pananim sa Vermont, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain at ng libu-libong mahihirap, naluging mga magsasaka—kabilang ang pamilya Smith—mula sa estado.
Noong 1818, matapos ang ilang taon ng pagkabigo sa pananim, ang pamilya Smith ay lumipat sa Palmyra, New York, mula saVermont , na naghahanap ng mas malaking tagumpay sa pagsasaka. Ginugol ng pamilya ang kanilang unang taon sa isang lugar para magtrabaho upang makaipon ng pera para makabili ng 40 ektarya ng masukal na lupain sa Manchester, New York, sa timog lamang ng nayon ng Palmyra. Habang hinahawan nila ang kanilang lupain, ang pamilya Smith ay nanirahan sa isang maliit na bahay na gawa sa troso.
Noong 1818, matapos ang ilang taon ng pagkabigo sa pananim, ang pamilya Smith ay lumipat sa Palmyra, New York, mula sa
Palmyra, New York, ca. 1825.
Sina Joseph Sr. at Lucy Mack Smith ay kapwa may matibay na paniniwalang Kristiyano. Nadama ni Joseph Sr. na ang pagtatalo na nasaksihan niya sa pagitan ng lahat ng iba’t ibang sekta ng relihiyon ay nakakalito at hindi kasiya-siya. Dahil dito, hindi regular na dumadalo sa alinmang simbahan si Joseph Sr. ngunit pinamumunuan niya ang kanyang pamilya sa regular na panalangin at pag-aaral ng Biblia. Si Lucy, sa kabilang banda, ay dumadalo sa mga pulong ng relihiyon sa Palmyra, na madalas isama ang kanyang mga anak, at kalaunan ay sumapi sa isang kongregasyon ng Presbyterian. Lumaki si Joseph Jr. na nakikita ang pagkakaibang ito sa kanyang mga magulang sa usaping relihiyon, pati na rin ang mga pagtatalu-talo tungkol sa relihiyon sa kanyang paligid, at nais niyang malaman kung aling simbahan ang sasapian.
“Mula sa edad na labindalawang taon hanggang labinlimang taon,” paliwanag ni Joseph Jr. kalaunan, “maraming bagay akong pinagnilay-nilay sa aking puso tungkol sa sitwasyon ng daigdig.” Si Joseph ay nag-alala hinggil sa kapatawaran ng kanyang sariling mga kasalanan at sa kalagayan ng daigdig “na nauugnay sa paksa ng relihiyon .” Pagkatapos “alamin ang iba’t ibang sistema ng relihiyon na itinuturo [sa] mga anak ng tao, hindi ko alam kung sino ang tama o sino ang mali,” paliwanag kalaunan ni Joseph.1 Determinado na mahanap ang mga sagot sa kanyang mga tanong, hinangad ni Joseph na mapag-isa sa maliit na lugar na hinawan kamakailan sa sakahan ng kanyang pamilya, kung saan siya makapagdarasal nang malakas sa unang pagkakataon sa kanyang kabataan. Doon, sa “tahimik na kakahuyang” iyon,” ang Diyos Ama at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith upang sagutin ang kanyang mga tanong.
Habang pinag-iisipan ang kanyang mga tanong kung anong simbahan ang dadaluhan, at kung paano makatatanggap ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan, narinig ni Joseph ang isang sermon kung saan binanggit ng mangangaral ang Santiago 1:5. Tumimo sa kanya ang pangako: “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kanya.”2 Dahil labis na nahikayat si Joseph ng talatang ito kaya nang umuwi siya, binuklat niya ang Biblia ng pamilya at patuloy na binasa at pinagnilayan ang talata. Nadama ni Joseph na tila direktang umantig sa kanyang puso ang mensahe, at natanto niya, na kung gusto niya ng mga sagot, kailangan niyang manalangin at humingi ng tulong sa Diyos.3
“Mula sa edad na labindalawang taon hanggang labinlimang taon,” paliwanag ni Joseph Jr. kalaunan, “maraming bagay akong pinagnilay-nilay sa aking puso tungkol sa sitwasyon ng daigdig.” Si Joseph ay nag-alala hinggil sa kapatawaran ng kanyang sariling mga kasalanan at sa kalagayan ng daigdig “
Habang pinag-iisipan ang kanyang mga tanong kung anong simbahan ang dadaluhan, at kung paano makatatanggap ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan, narinig ni Joseph ang isang sermon kung saan binanggit ng mangangaral ang Santiago 1:5. Tumimo sa kanya ang pangako: “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kanya.”2 Dahil labis na nahikayat si Joseph ng talatang ito kaya nang umuwi siya, binuklat niya ang Biblia ng pamilya at patuloy na binasa at pinagnilayan ang talata. Nadama ni Joseph na tila direktang umantig sa kanyang puso ang mensahe, at natanto niya, na kung gusto niya ng mga sagot, kailangan niyang manalangin at humingi ng tulong sa Diyos.3
Hindi nagtagal, ipinasiya ni Joseph na mananalangin siya sa Diyos para humingi ng patnubay, nagtungo si Joseph sa isang maliit na kakahuyan na hinawan niya noong mga nakaraang araw, kung saan alam niya na mag-isa lamang siya roon. Siya ay lumuhod roon, determinadong matamo ang sagot sa kanyang mga tanong sa pamamagitan ng pagdarasal nang malakas sa unang pagkakataon sa kanyang kabataan. Si Joseph ay nagsimulang manalangin, naghahanap ng katotohanan, at humihingi ng patnubay. Halos kasisimula pa lamang niyang manalangin, isang makapal na kadiliman ang nagtipon sa paligid niya, at nahirapan siyang magsalita. Naglaho ang sikat ng araw, at habang ang kadiliman, sakit, at banta ng pagkawasak ay iginugupo siya, nagmakaawa siya sa Diyos na iligtas siya.4
“The Desires of My Heart [Ang mga Naisin ng Aking Puso],” ni Walter Rane, oil on canvas, 2019.
Nang magsimula nang madama ni Joseph na naglalaho na ang lahat ng pag-asa, isang haligi ng liwanag ang tumuon sa kanya, na nagbigay-liwanag sa kakahuyan at pinalis ang kadiliman. Napuspos si Joseph ng kapayapaan nang dumating kaagad ang espiritu ng Diyos na pumatag sa kanyang isipan at pumawi sa sakit at pagkabalisa. Nang tumingin si Joseph sa liwanag, nakita niya ang dalawang katauhan na bumababa, ang Diyos Ama, at ang Kanyang Anak na si Jesucristo.
Sinabi ng Tagapagligtas kay Joseph na lahat ng kanyang mga kasalanan ay pinatatawad na at na hindi siya dapat sumapi sa alinman sa mga lokal na simbahan . Binalaan Niya si Joseph na itinuturo ng mga simbahan bilang doktrina ang “mga kautusan ng tao” (Joseph Smith-Kasaysayan 1:19). Sa takdang panahon, sabi ng Tagapagligtas, ang kabuuan ng ebanghelyo ay ihahayag kay Joseph. Napakaraming anghel ang nakapalibot sa Tagapagligtas habang Siya ay nagsasalita, at ang haligi ng liwanag ay patuloy na naging mas maliwanag pa. Patuloy na ibinahagi ni Cristo ang iba pang mga katotohanan kay Joseph hanggang sa huli ay ipinahayag Niya, “Masdan, at narito, Ako ay kaagad na darating…nadaramitan ng kadakilaan ng Aking Ama.”5
Matapos lumisan si Cristo at ang Ama, naglaho ang liwanag, at natagpuan ni Joseph ang kanyang sarili na nakahandusay sa lupa. Bagama’t umalis na ang liwanag at presensya ng Diyos, si Joseph ay puno pa rin ng kapayapaan at banal na pagmamahal.
Kalaunan ay umuwi si Joseph at patuloy na pinagnilayan ang kanyang karanasan. Ang simbahang hinahanap ni Joseph ay wala na sa mundo—ngunit di-magtatagal darating ang panahon na ipanunumbalik ito, kung saan ang mga propesiya at mga tipan noon ay magsisimulang matupad. Ang “unang pangitain” na ito ay nagsimula saisang sunud-sunod na karanasan sa paghahayag na humantong sa pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo at pagtatatag ng Kanyang simbahan sa mga Huling Araw. Ibinahagi ni Joseph Smith ang karanasang ito sa iba sa ilang pagkakataon at sa maraming sitwasyon, palagi niyang ibinabahagi ang kanyang patotoo na inihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang mga anak.
Kalaunan ay umuwi si Joseph at patuloy na pinagnilayan ang kanyang karanasan. Ang simbahang hinahanap ni Joseph ay wala na sa mundo—ngunit di-magtatagal darating ang panahon na ipanunumbalik ito, kung saan ang mga propesiya at mga tipan noon ay magsisimulang matupad. Ang “unang pangitain” na ito ay nagsimula sa
Mga Tala
Mga Tala
Salaysay ng 1835 Santiago 1:5-6 Joseph Smith Kasaysayan Joseph Smith Kasaysayan 13-16 ,Mga Banal Kabanata 2: Pakinggan Siya - Joseph Smith History, circa Summer 1832,
Mga Banal Kabanata 2: Pakinggan Siya