Si Joseph Smith Jr. ay isinilang noong Disyembre 23, 1805, sa mga magulang niyang sina Lucy Mack Smith at Joseph Smith Sr. Noong panahong iyon,
ang mga Smith ay nakatira sa isang maliit na tahanan sa isang bukid na pag-aari ng ama ni Lucy na si Solomon Mack. Sa ika-100 anibersaryo ng kapanganakan ni Joseph Smith Jr.,
isang 50-talampakan granite obelisk ang itinayo sa lugar na iyon. Ngayon, ang bakuran sa lugar ng kapanganakan ay nagsisilbing lugar para magnilay at bukas ito sa publiko. Ang visitors’ center ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
buhay ni Joseph Smith at sa kanyang misyon bilang propeta na ginamit ni Jesucristo para simulan ang pagpapanumbalik ng Kanyang ebanghelyo sa lupa.
Si Joseph Smith ang ikalima sa 11 mga anak nina Lucy Mack Smith at Joseph Smith Sr. Nanirahan sila sa bukid ni Solomon Mack sa loob ng tatlong taon habang nagtatrabaho sila upang
masolusyunan ang naging problema nila sa pera. Kalaunan, naghanap ng trabaho si Joseph Smith Sr. sa New York, at nagkaroon ang pamilya ng bukirin sa Manchester, New York, malapit sa nayon ng Palmyra.
Sa bukid na iyon, naranasan ni Joseph ang
Unang Pangitain, kung saan binisita siya ng Diyos Ama at ni Jesucristo. Ito at ang iba pang espirituwal na pagpapakita ay humantong sa
paglalathala ng Aklat ni Mormon at sa
pagtatatag ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.