Ang Aklat ni Mormon

Mula sa Burol ng Cumorah hanggang sa Grandin’s Press

Pambungad

Noong 1820, isang batang nagngangalang Joseph Smith ang nagtungo sa kakahuyan malapit sa kanyang tahanan at nanalangin para sa katotohanan ni Cristo. Noong 1830, nakatayo siya sa isang palimbagan sa Palmyra, New York, at hawak ang resulta ng katotohanang iyon sa kanyang mga kamay. Bagama’t maikling distansiya lang ang nasa pagitan ng tahanan ng pamilya Smith at ng print shop ni Grandin, maraming nangyari at naisakatuparan sa 10-taon na panahong ito mula sa Unang Pangitain ni Joseph Smith hanggang sa paglilimbag ng unang edisyon ng Aklat ni Mormon.

Ang pagpili ni Joseph na gawin ang sinabi sa kanya ng Diyos sa pangitain ay hindi lamang nangahulugan na hindi siya aanib sa mga simbahang nakapaligid sa kanya. Nawalan din siya ng mga tagapagturo at kaibigan. Bilang isang bata na “nasa napakamurang edad” sa isang bagong bayan, nadama niya ang kanilang kawalan. Wala siyang espirituwal na kanlungan sa loob ng maraming taon.

Mag-isang naghanap ng sarili niyang mga kaibigan at sarili niyang daan, kung minsan ay nahirapan siyang mamuhay ayon sa kanyang dakilang layunin. Sa sumunod na tatlong taon, madalas niyang “maramdaman na isinumpa [siya]” dahil sa kanyang mga “kahinaan at mga kamalian.” Paano maaaring madama nang masidhi ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos at magkamali pa rin?
First Vision artwork. Features Joseph Smith having the First Vision talking with Heavenly Father and Jesus Christ in the sacred grove.
Ang Unang Pangitain ang tawag sa pangyayari kung saan sinagot ng Diyos Ama at ni Jesucristo ang tanong ni Joseph Smith kung anong simbahan ang kanyang aaniban.

Pagbisita ni Moroni

Isang gabi noong Setyembre 1823, nagsimulang manalangin si Joseph. “Buong-puso akong nagsisisi sa lahat ng aking mga kasalanan,” paggunita ni Joseph, “at nagpapakumbaba sa harap Niya na ang mga mata ay batid ang nangyayari sa lahat ng bagay.” At pagkatapos, muli, nakita niya ang isang maningning na liwanag.

Sa loob ng liwanag ay nakatayo ang isang anghel mula sa langit na nagsabing ang pangalan niya ay Moroni. Minsan ay nabuhay siya sa mundo bilang huling propeta ng isang sinaunang mga tao sa Amerika. Sinabi niya na doon, kahit paano, sa pamamagitan ng kanilang kinalimutang talaan, ay makikita ni Joseph ang “kabuuan ng walang katapusang Ebanghelyo” na ipinangako sa kanya ng Panginoon.  
Angel Moroni's First Visit art. Features a painting of Joseph Smith sitting up in bed while his brother (presumably, Alvin) is asleep. Joseph is visited by the Angel Moroni.
Ang anghel na si Moroni ay nagpakita kay Joseph sa kanyang kuwarto.
Ang gawain ng paglalabas ng sinaunang talaang ito ay magiging mahirap. Nagbabala si Moroni laban sa paggamit ng mga lamina para sa pansariling kapakinabangan. Maipagkakatiwala lamang kay Joseph ang mga laminang ginto na inukitan ng mga tala kung ang kanyang puso ay nakatuon lamang sa gawain ng Diyos.

Ang Burol ng Cumorah

Nalaman ni Joseph mula kay Moroni na ang mga talaang ito ay ibinaon sa gilid ng isang burol. Nakatitiyak siya na “masusunod niya ang bawat utos na ibinigay sa kanya” habang hinahanap niya ang lugar. Inalis niya ang isang malaking bato na tumatakip sa isang kahon na yari sa pinutol na bato. Naroon ang mga lamina, na gaya ng inilarawan ni Moroni. Gayunpaman, matapos tanggalin ang mga ito, “mabilis na sumagi sa kanyang isipan na maaaring may iba pang bagay sa loob ng kahon” na maari niyang ipagbili nang walang paglabag sa kanyang pangako. Dahil sa kaisipang iyon, nagpakita si Moroni at sinabi sa kanya na maghintay ng isa pang taon bago bumalik para sa mga talaan.

Tuwing Setyembre sa sumunod na apat na taon, nagpunta si Joseph sa burol. Habang ang kanyang pamilya ay “dinagdagan pa ang [kanilang] pagsisikap na manalangin” para sa kanya, nakipagkita siya kay Moroni at nagsikap na maihanda ang kayang sarili at mapadalisay ang kanyang mga motibo. Magiging sapat kaya ang kanyang mga pagsisikap?

Sa wakas dumating ang sandaling pinakahihintay. Humiram ng isang karwahe mula sa isang malapit na kaibigan ng pamilya na nagngangalang Joseph Knight, si Joseph at ang kanyang bagong asawa, si Emma, ay nagtungo sa burol makalipas lamang ang hatinggabi noong Setyembre 22, 1827, at kinuha ang mga lamina sa wakas.
'Joseph Returns the Gold Plates to Moroni' artwork featuring the Angel Moroni handing Joseph Smith the Gold Plates.
Si Joseph ay tinuruan ng anghel na si Moroni sa kanilang taunang pagkikita sa Burol ng Cumorah.

Isang Sagradong Pagtitiwala

Kalaunan, madalas kutyain at usigin si Joseph ng mga taong hindi naniniwala na ang kanyang mga karanasan ay totoo. Gayunman, ang una niyang problema ay ang ilang dati nang kaibigan na lubos na naniniwala na nasa kanya ang mga laminang ginto. Mas mahalaga sa kanila ang halaga nito sa pera kaysa sa espirituwal na kahalagahan nito.

Noong taglagas ng 1827, ilang mga pagtatangka ang ginawa upang nakawin ang mga lamina. Upang maprotektahan ang mga ito, si Joseph ay naghanap ng mga lugar na mapagtataguan nito sa loob at sa palibot ng bahay ng pamilya.
  • Kung minsan ang mga lamina ay inilagay sa iba’t ibang kahon kabilang na ang kahon na gawa sa kahoy na ginamit na lalagyan ng mga salamin at isang baul na ginawa para lamang sa mga lamina.
  • Minsan, ibinaon ni Joseph ang mga lamina sa ilalim ng dapugan at maingat na ibinalik ang mga ladrilyo.
  • Kalaunan, itinago ni Joseph ang mga lamina sa itaas ng tindahan ng bariles.
  • Isang gabi nang pinasok ang bahay, ibinigay ni Joseph ang mga lamina sa kanyang mga kapatid na sina Sophronia at Katharine upang itago sa kanilang kama.

Nagsimula ang Pagsasalin

Sa wakas ay nilisan nina Joseph at Emma ang Palmyra para sa mas payapang bukirin ng pamilya ni Emma sa Harmony, Pennsylvania. Karamihan sa Aklat ni Mormon ay isinalin doon sa pamamagitan ng paghahayag kay Joseph Smith. Hindi bababa sa pitong tagasulat—kabilang na si Emma at ang kanyang kapatid na lalaki—ang nagsulat habang nagdidikta si Joseph. Kalaunan ay ginunita ni Emma, “At, bagama’t aktibong bahagi ako ng mga pangyayaring naganap, at naroon noong pagsasalin … kagila-gilalas ito sa akin, ‘kagila-gilalas at kamangha-mangha,’ maging sa sinuman.”
The home in Harmony provided Joseph Smith a place to work on translating the ancient record. Joseph’s first, limited efforts had begun in December 1827 before the move to the house, but they continued in 1828. Emma helped her husband again briefly when he resumed work in 1829. At times, visitors from New York came to stay in the Smith home and help with the project. Martin Harris and later Oliver Cowdery volunteered to write for Joseph Smith as full-time scribes. The room where Joseph and his scribes worked became the place where the Lord taught about the process of translation as revelation. Photo taken May 2022.
Sa paglalahad ng teksto ng Aklat ni Mormon, natagpuan ni Joseph Smith ang mga sagot sa ilan sa mga tanong na nagdala sa kanya sa Sagradong Kakahuyan bilang isang 14-na-taong-gulang na binatilyo. Maraming taong malapit sa proseso ang naantig ng mensahe ng aklat at sabik na hinintay ang pagpapanibago ng mga lumang tipan at sa pagpapanumbalik ng Simbahan ni Cristo.

Mga Saksi sa Fayette

Kasabay nito, mas tumindi pa ang oposisyon sa proyekto. Nilisan ni Joseph ang kanyang tahanan sa Pennsylvania at lumipat sa Whitmer Farm sa Fayette, New York para matapos ang pagsasalin ng talaan.

Itinuring ng ilang kapitbahay ang mahimalang kuwento ng pinagmulan nito bilang mga pamahiin; itinuring naman ng iba ang pagkilala sa bagong banal na kasulatan bilang paglapastangan. Ngunit ang mga tagasuporta ay handang ibigay ang kanilang oras at anumang mayroon sila para umusad ang gawain. Habang nalalapit ang pagkumpleto ng manuskrito, labing isang lalaki ang nagsulat ng patotoo na nakita nila ang mga laminang ginto, na nagpatibay sa sariling patotoo ni Joseph Smith.

Paglilimbag sa Aklat

Nang handa na ang manuskrito, hiniling ni Joseph Smith kay E. B. Grandin, ang nag-iisang naglilimbag ng aklat sa Palmyra, na ilathala ang aklat. Noong una ay tumanggi siya, ngunit nagbago ang kanyang isip nang tiyakin sa kanya ng mga kaibigan na ito ay “trabaho o negosyo lamang.” Isinangla ni Martin Harris, isang matibay na naniniwala sa gawain, ang bahagi ng kanyang sakahan upang mabayaran ang pagpapalimbag. Maraming kopya ang inorder—5,000 kopya. Tumagal ng pitong buwan bago natapos ang proseso ng paglilimbag at bago maging handang ibenta ang unang mga kopya ng aklat. Lumipas pa ang isang taon bago natapos ang mga huling kopya ng aklat.
Interior shot of the Grandin Printshop
Kinopya ni Oliver Cowdery ang orihinal na manuskrito ng Aklat ni Mormon para makagawa ng ‘printers’ manuscript’ ng aklat na magagamit ni Grandin at ng kanyang mga empleyado.
Ilang linggo matapos ang paglalathala ng aklat, itinatag ang ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo, na tinapos ang 10-taong paghihintay ni Joseph Smith para sa espirituwal na tahanan.

Ang Aklat ni Mormon ay binabasa ngayon ng milyun-milyong tao sa mahigit isandaang wika. Ang gayon ding mga salitang inilimbag sa Palmyra halos dalawang siglo na ang nakararaan ay sumasagot pa rin sa mga katanungan at nagdudulot ng kapangyarihan ni Cristo sa mga buhay ngayon.