Nasa hilagang kanluran ng Joseph and Lucy Smith Farm Home, ang Cooper Shop ang isa sa mga lugar kung saan itinago ni Joseph Smith, Jr. ang mga laminang ginto kung saan nagmula ang Aklat ni Mormon. Hindi nagtagal matapos matanggap ni Joseph ang mga lamina, ilan sa mga kapitbahay ng Pamilya Smith ay nagpunta sa kanilang tahanan na hinahanap ang mga lamina. Sa pagtindi ng mga bantang nanakawin ang mga lamina, binalot ito ni Joseph sa isang tela at itinago ito sa itaas na bahagi ng Cooper Shop. Pagkatapos ay kinuha niya ang walang laman na kahon na dating pinaglagyan ng mga lamina at inilagay ito sa ilalim ng sahig na yari sa kahoy. Kinagabihan ay dumating ang mga mandurumog at hinalughog ang Cooper Shop. Natagpuan nila ang walang laman na kahon sa ilalim ng sahig, pero hindi nila tiningnan ang itaas na bahagi ng Cooper Shop kung saan nanatiling ligtas ang mga lamina.
Ang ama ni Joseph Smith Sr. na si Asael ay tinuruan siya ng coopering (paggawa ng bariles) at ipinasa ni Joseph, Sr., ang kasanayang ito sa kanyang anak na si Hyrum. Sa isang pagawaan na tulad nito, sina Joseph Sr. at Hyrum ay gumawa at nagkumpuni ng mga bariles, basket, at magagaang muwebles para sa kanilang sariling paggamit at para ibenta sa iba. Bagama’t ang orihinal na lokasyon ng Cooper Shop ay hindi matukoy, ang muling itinayong cooper shop na ito ay katulad na katulad ng kung ano ang itsura nito noong panahon na nanirahan dito ang Pamilya Smith.
Alamin pa ang tungkol sa mga pagsisikap ni Joseph Smith na itago ang mga lamina mula sa mga magnanakaw sa
Mga Banal, Tomo 1, Kabanata 5.Ano ang Aasahan
Ang Cooper Shop ay bahagi ng guided tour ng mga missionary sa mga tahanan ng pamilya Smith, na kinabibilangan din ng
Joseph Smith’s Boyhood Home at ng
Smith Farm Home.