Ang mga pangyayaring naganap sa Burol ng Cumorah ay nagsilbing pundasyon sa pagkakatatag ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sa pamamagitan ng tagubilin ng anghel na si Moroni, nahanap ni Joseph Smith noong Setyembre 22, 1823, ang mga laminang ginto na nakatago sa burol. Si Joseph ay nakipagkita sa anghel sa parehong araw sa sumunod na tatlong taon hanggang sa pinayagan siyang makuha ang mga lamina noong Setyembre 22, 1827. Isinalin ni Propetang Joseph Smith ang Aklat ni Mormon mula sa mga laminang ito sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. Kabilang sa lugar ang iba’t ibang
mga trail, ang
Angel Moroni Monument, at isang visitors’ center.
Bagama’t ito ay mas kilala bilang Burol ng Cumorah, ang pangalan na ito ay hindi pa ginamit pagkatapos ang mahahalagang pangyayari noong 1823–1827. Sa huling bahagi ng ika-labinsiyam na siglo, marami sa residente ng Wayne at Ontario County ang tinawag ito bilang “Gold Bible Hill” at “Mormon Hill.” Gayunman, marami sa naunang miyembro ng Simbahan, kabilang na ang ilan sa malalapit na kaibigan at mga kapamilya ni Joseph Smith ay tinawag ang burol bilang “Cumorah” sa maraming pagkakataon sa buhay ni Joseph Smith. Malamang ito ay dahil isinulat ni Moroni, ang huling manunulat ng Aklat ni Mormon at ang anghel na nagpakita kay Joseph Smith, na “itatago [niya] ang mga talaan sa lupa” pagkatapos niyang magdagdag ng sarili niyang mga salita (tingnan sa
Mormon 8:4, 14). Dahil ang talang ito ay kasunod ng tala ni Moroni ng huling malaking digmaan sa pagitan ng mga Nephita at mga Lamanita, na naganap sa isang burol na tinatawag na Cumorah, ipinagpalagay ng maraming tao na ibinaon ni Moroni ang mga lamina sa parehong burol (tingnan sa
Mormon 8:2–4) at dito kalaunan natanggap ni Joseph ang talaan. Isa sa mga liham kalaunan ni Joseph Smith ay tumukoy rin sa “masasayang balita mula sa Cumorah” at ang pagbisita ni “Moroni, isang angel mula sa langit” (
Doktrina at mga Tipan 128:20). Bagama’t ang Simbahan ay “walang posisyon tungkol sa partikular na heograpikal na lokasyon ng mga pangyayari sa Aklat ni Mormon sa sinaunang Amerika,” ang mga talaang iningatan ni Joseph Smith at ng kanyang mga kasama ay nagbibigay-linaw na ang burol na ito ang lugar kung saan nakipagkita si Joseph Smith kay Moroni at dito rin natanggap ni Joseph ang mga laminang naglalaman ng Aklat ni Mormon (tingnan sa Gospel Topics: Book of Mormon Geography).