Noong Mayo 15, 1829, nagpakita ang isang anghel kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa kakahuyan malapit sa tahanan ng mga Smith. Ang anghel “ay nagsabi na Juan ang kanyang pangalan, siya ring tinatawag na Juan Bautista sa Bagong Tipan.” Iginawad ni Juan ang Aaronic Priesthood kina Joseph at Oliver, na nagbibigay sa kanila ng awtoridad na magbinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pagkatapos ay inatasan ni Juan sina Joseph at Oliver na “humayo at magpabinyag.” Unang bininyagan ni Joseph si Oliver, at pagkatapos ay bininyagan ni Oliver si Joseph (
Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72). Ito ang isinulat ni Joseph Smith tungkol sa karanasang ito: “Agad-agad sa pag-ahon namin sa tubig matapos kaming mabinyagan, nakaranas kami ng dakila at maluwalhating mga pagpapala mula sa ating Ama sa Langit...Napuspos kami ng Espiritu Santo, at nagsaya sa Diyos ng aming kaligtasan.” (
Joseph Smith—Kasaysayan 1:73).
Ngayon, ang bahaging ito ng Susquehanna River ay isang tahimik na lugar kung saan ang mga bisita ay mapagninilayan ang pagbabalik ng priesthood at ng ordenansa ng binyag sa ating panahon.
Basahin ang iba pa tungkol sa pagpapanumbalik ng priesthood ni Juan Bautista at ang binyag nina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa
Mga Banal Tomo 1, Kabanata 7.Ano ang Aasahan
Ang mga bisita ay maaaring maglakad-lakad at maaliw sa Susquehanna River at baptismal site.
360° Walkthrough