John and Elsa Johnson Home

Ang tahanan nina John at Elsa Johnson na muling ipinanumbalik at inayos nang buong ingat sa Hiram, Ohio, ay isang lugar kung saan nagbigay ang Diyos kay Joseph Smith ng maraming malalalim na paghahayag noong dekada ng 1830.
Tahanan nina John at Elsa Johnson

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
6203 Pioneer Trail
Hiram, Ohio 44234
USA

Physical Address

6203 Pioneer Trail
Hiram, Ohio 44234
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Picnic Area
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Drinking Fountains

Services

Parking
Picnic Area
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Drinking Fountains

Special Church History Dept. Project Kirtland Johnson Farm
John Johnson Farm Windows & Doors
Special Church History Dept. Project Kirtland Johnson Farm
Historic Kirtland

John and Elsa Johnson Home
The Johnson Home In Ohio.
Joseph and Emma Smith lived in this home in Hiram, Ohio for one year. While they were there, Joseph received 16 revelations that are now recorded in the Doctrine and Covenants. He also worked on his inspired translation of the Bible. Probably the most well-known revelation Joseph Smith received in the Johnson Home is the vision recorded in Doctrine and Covenants 76. In that vision, he and Sidney Rigdon saw God the Father and Jesus Christ and learned of different kingdoms of glory that people will inherit after they are resurrected. Photo taken May 2022.
John Johnson House
Ang Tahanan nina John at Elsa Johnson sa Hiram, Ohio, ay tahanan ng pamilya Johnson, isang malaki at kilalang pamilya sa Portage County, Ohio. Noong 1818, unang lumipat sina John at Alice “Elsa” Johnson kasama ang kanilang walong anak (edad 2 hanggang 17) sa Ohio mula sa Vermont. Bumili sila ng apatnapung ektarya sa bagong tatag na Western Reserve malapit sa Hiram Township, humigit kumulang 80.5 kilometro sa timog-silangan ng Cleveland. Pagsapit ng 1831, nang mabalitaan ng pamilya Johnson ang pagdating ng mga Banal sa mga Huling Araw sa lugar, ang kanilang bukid ay nasa 105 ektarya na at may mga produktibong taniman, pastulan, at pagawaan ng gatas at iba pang mga produkto mula sa gatas.

Ang mga Johnson ay mga respetadong miyembro ng komunidad ng Hiram at aktibong miyembro ng lokal na kongregasyong Metodista na pinamumunuan ni Ezra Booth. Noong Pebrero 1831, habang bumibisita sa Kirtland, ang 19 anyos na anak na lalaki ng mga Johnson, si Lyman, ay dumalo sa ilang miting kung saan nangaral ang mga missionary na mga Banal sa mga Huling Araw. Nakumbinsi sa katotohanan ng ebanghelyo, si Lyman ay nabinyagan kalaunan. Dahil nabahala sa inakalang nilang pabigla-biglang desisyon, hiniling nina John at Elsa ang payo ng kanilang ministro na si Ezra Booth. Nakakuha si Booth ng kopya ng Aklat ni Mormon, at ang tatlo ay “gising nang buong gabi sa pagbabasa nito.”1 Habang nagbabasa sila, nakumbinsi si Elsa na hindi lamang totoo ang aklat, kundi mapapagaling din ni Joseph Smith ang kanyang matinding rayuma. Hindi nagtagal, naglakbay ang mga Johnson, si Booth, at ang doktor ng pamilya Johnson patungo sa Kirtland, kung saan nakilala nila si Joseph Smith sa bahay nina Newel at Elizabeth Ann Whitney. Sa pagkikitang ito, hiniling ni Elsa na pagalingin siya ni Joseph. “Naniniwala ka ba na ginawa akong kasangkapan ng Panginoon upang mapagaling ang iyong braso?” tanong ni Joseph sa kanya. Nang sabihin niyang naniniwala siya, hinayaan ni Elsa na hawakan siya ni Joseph Smith sa braso. Yumuko siya para manalangin nang tahimik, at pagkatapos ay sinabing magaling na ang kanyang braso. Gumaling siya.2

Hindi nagtagal kalaunan, nabinyagan sina John at Elsa. Ang mga Johnson ay naging malapit na mga kaibigan at tagasuporta ng propeta at, noong Setyembre 1831, inanyayahan nila sina Joseph at Emma Smith na manirahan sa kanilang tahanan. Sa taon na nanirahan sina Joseph at Emma sa Hiram, nakatanggap si Joseph ng maraming paghahayag, kabilang na ang labing-anim na nakatala ngayon sa Doktrina at mga Tipan. Sa dalawang linggong kumperensya ng labindalawang elder na ginanap sa Tahanan ng mga Johnson sa huling bahagi ng 1831, ang desisyon ay ginawa upang ilathala ang mga paghahayag ni Joseph Smith.

Sa panahong ito sa Hiram, ipinagpatuloy din ni Joseph Smith ang gawain ng kanyang binagong pagsasalin ng Biblia. Ang gawaing ito ang nagbunsod sa karamihan sa mga paghahayag na natanggap niya sa panahong iyon. Noong Pebrero 1832, habang isinasalin ang Ebanghelyo ni Juan, nakita nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang Diyos Ama at si Jesucristo at nalaman ang iba’t ibang kaharian ng kaluwalhatian na mamanahin ng mga tao pagkatapos nilang mabuhay na mag-uli (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76).

Noong Sabado, ika-24 ng Marso 1832, isang grupo ng mga mandurumog na binubuo ng mga miyembro ng lokal na milisya ang pumasok sa tahanan ng mga Johnson at pwersahang hinila si Joseph mula sa kanyang higaan. Kinaladkad palabas, dinala nila siya sa isang kaparangan na ilang distansya ang layo kung saan siya at si Sidney Rigdon ay binuhusan ng alkitran at mga balahibo. Matapos pasuray-suray na nakauwi si Joseph, ginamot ni Emma ang kanyang mga sugat at inalis ang alkitran at mga balahibo mula sa kanyang balat. Kinabukasan, dumalo si Joseph sa regular na nakatakdang mga serbisyo sa Sabbath. “Kahit puno ng kalmot at sugat ang buong katawan ko,” kuwento ni Joseph, “nangaral ako sa kongregasyon gaya ng dati, at pagsapit ng hapon sa araw na iyon ay nagbinyag ako ng tatlong tao.”3

Ang Tahanan ng mga Johnson ay naipanumbalik at naayos na at libreng mabisita.

Basahin pa ang tungkol sa Tahanan ng mga Johnson sa kabanata 14 ng Mga Banal, Tomo 1.




  1. Marinda Johnson Hyde na sinipi sa Edward Tullidge, Women of Mormondom (1877), 403.
  2. Batay sa Philo Dibble, “Philo Dibble’s Narrative,” sa Early Scenes sa Church History (1882), 79.
  3. Joseph Smith, History, 1838–1856, volume A-1, p. 208. www.josephsmithhistory.org.


360° Walkthrough





Ano ang Aasahan


Ang Tahanan ng mga Johnson ay bahagi ng guided tour na ibinibigay ng mga missionary.

Paradahan

  • May paradahan sa silangang bahagi ng gusali ng Pioneer Trail Road.

Mobility Accessibility


Labas

  • May apat na baitang na hagdan para makapasok sa gusali na dadaan sa pangunahing pasukan; may handrail na magagamit.
  • May pasukan na walang hagdan sa silangang bahagi ng gusali.

Loob

  • May mga baitang sa harapang bulwagan ng gusali.
  • Dalawang palapag ang malilibot; walang magagamit na elevator.

Daraanan at Sahig


Labas

  • Kalsada: Aspalto (maayos ang kundisyon); patag
  • Bangketa: Konkreto (maayos); patag

Loob

  • Sahig: Kahoy

Mga upuan

  • May ilang mauupuan sa bahay.
Tahanan nina John at Elsa Johnson

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–5:00 PM
Tuesday
10:00 AM–5:00 PM
Wednesday
10:00 AM–5:00 PM
Thursday
10:00 AM–5:00 PM
Friday
10:00 AM–5:00 PM
Saturday
10:00 AM–5:00 PM
Sunday
1:00 PM–5:00 PM

Physical Address
6203 Pioneer Trail
Hiram, Ohio 44234
USA

Physical Address

6203 Pioneer Trail
Hiram, Ohio 44234
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Picnic Area
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Drinking Fountains

Services

Parking
Picnic Area
Restrooms
Guided Tours
Cell Service
Drinking Fountains

Last Updated On Apr 03, 2025