Seminary
Isaias 11–12: “Sagisag para sa mga Bansa”


“Isaias 11–12: ‘Sagisag para sa mga Bansa,’” MManwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 11–12: ‘Sagisag para sa mga Bansa,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 1–12: Lesson 116

Isaias 11–12

Sagisag para sa mga Bansa”

Oil painting of a side view of Joseph with hands outstretched, squinting agianst bright sunlight in the act of speaking.  He is dressed in a blue coat, orange patterened vest, dark pants and white shirt with high collar.  Several people in the audience sit at his left in rapt attention.  Tall trees are seen in the background.

Ang mga anak ng Diyos ay espirituwal na nagkalat, at nais Niyang tipunin sila sa kaligtasan ng Kanyang ebanghelyo. Sa pamamagitan ng matalinghagang paglalarawan ng puno at ng sagisag, ipinropesiya ni Isaias ang pagtitipon ng Israel. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas mahikayat na ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Paghahanda ng estudyante: Maaari mong bigyan ang bawat estudyante ng dalawang tanong para sa pagsusuri sa sarili mula sa unang bahagi ng lesson at anyayahan silang pag-isipan kung paano nila sasagutin ang mga ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang nadarama ninyo tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo?

Maaari mong ihanda ang isa sa mga sumusunod at, habang nakikinig sila, anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang nadarama nila tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo:

  • Isang salaysay mula sa isang estudyante kung kailan niya, o ng isang kakilala niya, ibinahagi ang ebanghelyo (Maaari mong itanong kung may estudyanteng handang magbahagi ng karanasan sa bahaging ito ng lesson, o maaari mo itong isaayos nang maaga.)

  • Isa sa sarili mong mga karanasan

  • Ang isa sa mga sumusunod na kuwento mula kay Elder Gary E. Stevenson, “Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya,” Mayo 2022

    • Brother Wisan (pahina 86, o time code na 5:40–7:06)

      13:3
    • Mayra (pahina 86, o time code na 8:33–9:42)

      13:3

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung gaano kalaki ang posibilidad na ibahagi nila ang ebanghelyo. Maaaring makatulong na ipasagot sa kanila ang mga sumusunod sa kanilang study journal:

  • Ano ang nadarama mo tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo?

  • Bakit ganoon ang nadarama mo?

Kung komportable ang mga estudyante, maaari nilang ipahayag sa klase ang ilan sa kanilang mga naiisip o nadarama.

Sa inyong pag-aaral ngayon, humingi ng tulong sa pamamagitan ng Espiritu Santo para maragdagan ang inyong hangarin na ibahagi ang ebanghelyo. Humingi rin ng tulong sa anumang tanong o alalahanin na maaaring mayroon kayo.

Propesiya ni Isaias

Maaari kang magdrowing o magpakita ng isang bagay tulad ng sumusunod, ngunit huwag isama ang mga label. Kung gusto mo, anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng katulad na drowing sa kanilang journal.

Sa Isaias 11, nagturo si Isaias sa pamamagitan ng simbolikong paggamit ng mga bahagi ng puno.

Basahin ang Isaias 11:1 at lagyan ng label ang drowing. (Maaaring makatulong na malaman na ang tuod ay maaari ding isalin bilang katawan ng puno na naiwan matapos itong putulin at ang usbong bilang isang maliit na sanga.)

  • Anong mga kagamitan at kasanayan ang magagamit ninyo upang matuklasan kung sino o ano ang sinisimbolo ng tuod?

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 113:1–2, at alamin ang mga inspiradong sagot sa kung ano ang sinisimbolo ng tuod.

Sa pisara, lagyan ng label na Jesucristo ang tuod o katawan ng puno. Maaari din itong isulat ng mga estudyante sa kanilang mga banal na kasulatan sa tabi ng Isaias 11:1.

  • Kung ang Tagapagligtas ang katawan ng puno, ano ang maaaring sinisimbolo ng pinutol na bahagi ng puno?

Ang isang posibleng sagot ay ang Tagapagligtas ay gumawa ng isang malaking kaharian o puno sa pamamagitan ni David (anak ni Jesse), ngunit sila ay nalugmok sa kasamaan, nahati sa mga kaharian, at kalaunan ay nalupig (tulad ng isang punong pinuputol). Gayunpaman, maaalala ng Tagapagligtas ang Kanyang tipan at tutulungan Niya ang mga inapo ni David na umunlad, na nangangakong muli silang titipunin.

Pagkatapos ay ipinropesiya ni Isaias ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng Ikalawang Pagparito at Milenyo. Basahin ang isa o dalawa sa mga sumusunod na hanay ng mga talata, at alamin ang mga paglalarawan tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang impluwensya.

  • Isaias 11:2–5.

  • Isaias 11:6–9. (Paalala: Inilalarawan ng mga talatang ito ang Milenyo at kung paano makaaapekto sa mundo ang kaalaman tungkol sa Panginoon. Ang ahas at ulupong ay kapwa tumutukoy sa mga makamandag na ahas.)

  • Isaias 12:1–6.

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga pariralang natagpuan nila tungkol sa Tagapagligtas o sa Kanyang impluwensya na makapaghihikayat sa kanila na naising lumapit sa Tagapagligtas, o tulungan ang iba na magtipon sa Kanya. Kung kinakailangan, maaari mong ipaliwanag na inilalarawan sa Isaias 11:6–9 ang kapayapaang idudulot ng Tagapagligtas sa mundo.

Isang propesiya ni Joseph Smith

The Prophet Joseph Smith sitting on his bed in the Smith farm house. Joseph has a patchwork quilt over his knees. He is looking up at the angel Moroni who has appeared before him. Moroni is depicted wearing a white robe. The painting depicts the event wherein the angel Moroni appeared to the Prophet Joseph Smith three times in the Prophet's bedroom during the night of September 21, 1823 to inform him of the existence and location of the gold plates, and to instruct him as to his responsibility concerning the plates.

Magpakita ng larawan ni Moroni na nagpakita sa batang Joseph Smith at ipaliwanag ang sumusunod:

Ilang beses na binanggit ni Moroni ang Isaias 11 kay Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:40, 45–46, 49). Ipinropesiya ni Isaias hindi lamang ang tungkol sa Tagapagligtas sa mga huling araw kundi pati na rin ang tungkol kay Joseph Smith. Maaari mong isulat ang Joseph Smith sa tabi ng “usbong” sa Isaias 11:1 at “ugat” sa Isaias 11:10. (Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 113:3–6.)

Basahin ang Isaias 11:10–12, at alamin ang gagawin ng Panginoon sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith.

Makinig nang mabuti habang ibinabahagi ng mga estudyante ang nalaman nila. Kung makatutulong, maaari mong ipaliwanag ang sumusunod:

  • Ang pariralang “muling iuunat ng Panginoon ang kanyang kamay upang mabawi ang nalabi sa kanyang bayan” (Isaias 11:11) ay tumutukoy sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 137:6).

  • Ang sagisag ay isang watawat o bandila kung saan maaaring magtipon sa ilalim nito ang isang hukbo o magmartsa na dala ito.

  • Ang “sagisag para sa mga bansa” (Isaias 11:12) ay tumutukoy sa Pagpapanumbalik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, kabilang ang lahat ng ordenansa at tipan nito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 45:9).

Isulat sa pisara ang sumusunod na parirala: Ang ipinanumbalik na Simbahan ng Panginoon ay isang sagisag sa pagtitipon ng mga tao sa ebanghelyo ni Jesucristo.

Sagisag para sa mga bansa

icon ng seminary Para matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang alituntuning ito, ipamahagi ang handout na “Sagisag para sa mga Bansa.” Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin at anyayahan ang mga estudyante na punan ang mga ito sa handout nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

Tanong 1: Bakit gustong magtipon ng iba sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan?

Sa watawat, magsulat ng ilang bagay na alam mo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan na sa palagay mo ay makakapaghikayat sa iba na magtipon sa Kanya at sumapi sa Kanyang Simbahan. Maaari mong isama ang mga bagay na natatangi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (tulad ng Aklat ni Mormon, mga makabagong propeta, priesthood ng Diyos, at mga templo sa mga huling araw). Magsulat tungkol sa kung paano tayo pinagpapala ng Panginoon sa pamamagitan ng mga bagay na ito.

Tanong 2: Bakit dapat magtipon sa Panginoon kasama ang iba?

Sa tabi ng mga larawang natipon sa paligid ng watawat, isulat ang ilan sa mga pagpapalang matatanggap natin kapag nagtipon tayo sa Panginoon kasama ang iba. Maaari mong isipin ang mga kapakinabangan ng pagtitipon ng hukbo at kung paano ito naaangkop sa atin, kung paano pinatitibay ng iba’t ibang tao sa iyong ward o branch ang isa’t isa, o kung paano inilalarawan ng Moises 7:18 ang ilang kapakinabangan nito.

Tanong 3: Paano natin maaanyayahan ang iba na lumapit sa Tagapagligtas?

Sa ibaba ng mga larawang nagtipon sa paligid ng watawat, magsulat ng ilang paraan na maibabahagi natin ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba. Maaari mong isama ang mga paraan na sinubukan mong gawin.

Pagkatapos kumpletuhin ang handout, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang isinulat nila sa handout at kung ano ang nadarama nila tungkol sa isinulat nila. Kung hindi nila ito kusang gagawin, anyayahan silang ibahagi kung paano makatutulong sa kanila ang natutuhan nila ngayon na mas mahikayat na magbahagi ng ebanghelyo.