“Isaias 13–14; 22; 24–30; 35: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Isaias 13–14; 22; 24–30; 35: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Isaias 13–14; 22; 24–30; 35
Isaias 13–14; 22; 24–30; 35
Buod
Ipinropesiya ni Isaias ang mga pagpapalang matatanggap ng mga naghihintay sa Panginoon. Ipinropesiya rin niya ang Pagpapanumbalik ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at ang Aklat ni Mormon.
Espirituwal na Ihanda ang Iyong Sarili. Espirituwal na inihanda ng Tagapagligtas ang Kanyang Sarili na magturo. Matutularan natin ang Kanyang halimbawa. Kung handa ka sa espirituwal, mas maririnig at masusunod mo ang tagubilin ng Espiritu habang nagtuturo ka. Para mas matutuhan pa kung paano espirituwal na inihanda ng Tagapagligtas ang Kanyang sarili, tingnan sa “Espirituwal na Inihanda ng Tagapagligtas ang Kanyang Sarili na Magturo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 16). Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa iyo na espirituwal na makapaghanda. Tutulungan ka nitong suriin ang mga paraan na ipinamumuhay mo ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo, at tutulungan ka rin nito na magtakda ng mithiin para sa unti-unting pagpapahusay. Tingnan sa “Pagpapahusay Bilang Isang Guro na Katulad ni Cristo—Isang Pagsusuri sa Sarili” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 37).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Isaias 25
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng paghihintay sa Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang isang pagkakataon na kinailangan nila o ng isang kakilala nila na matiyagang maghintay ng sagot o pagpapala mula sa Ama sa Langit. Maaari silang maghandang magbahagi ng kung ano sa tingin nila ang nagpapadali o nagpapahirap sa paghihintay.
-
Nilalamang ipapakita: mga tanong na nag-aanyaya ng pagninilay sa mga personal na karanasan sa paghihintay sa Panginoon
-
Mga Video: “Continue in Patience” (2:41) mula sa time code na 0:00 hanggang 1:08 at 1:07 hanggang 2:41; “Paghihintay sa Panginoon: Mangyari Nawa ang Iyong Kalooban” (16:11) mula sa time code na 0:59 hanggang 2:57
Isaias 29
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pasasalamat para sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang kagila-gilalas at kahanga-hanga. Gamit ang kanilang paliwanag, anyayahan silang maghanap ng isang talata o kuwento sa Aklat ni Mormon na kagila-gilalas o kahanga-hanga sa kanila.
-
Nilalamang ipapakita: mga pariralang naglalarawan sa Malawakang Apostasiya; mga scripture reference na tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang Isaias 29:4; mga tagubilin sa aktibidad sa pagtatapos ng lesson
-
Mga Video: “What Is the Restoration?” (5:13) mula sa time code na 0:32 hanggang 2:09 at 2:09 hanggang 5:13; “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” (15:01) mula sa time code na 5:38 hanggang 8:44