Seminary
Isaias 25: Paghihintay sa Panginoon


“Isaias 25: Paghihintay sa Panginoon,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 25: Paghihintay sa Panginoon,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 13–14; 22; 24–30; 35: Lesson 117

Isaias 25

Paghihintay Sa Panginoon

A young woman kneels at her bedside and looks out the window as if she is pondering or waiting for an answer to her prayer.

Paano ka tutugon kapag tila hindi sinasagot ang iyong mga taimtim na panalangin? Sa banal na kasulatan, binigyang-diin ng Panginoon at ng Kanyang mga propeta ang pangangailangan nating maghintay sa Panginoon (tingnan sa Isaias 25:9), at matiyagang maghanap ng mga pagpapala at sagot. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng paghihintay sa Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang isang pagkakataon na kinailangan nila o ng isang kakilala nila na matiyagang maghintay ng sagot o pagpapala mula sa Ama sa Langit. Maaari silang maghandang magbahagi ng kung ano sa tingin nila ang nagpapadali o nagpapahirap sa paghihintay.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagkakaroon ng pagtitiyaga sa pamamagitan ng pagsasanay

Kids with marshmallows

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung gaano kahirap na matiyagang maghintay para sa isang bagay, maaari kang magpakita ng marshmallow o larawan ng isang bata na nakatingin sa marshmallow habang binabasa o ibinubuod ang sumusunod na talata. Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang video na “Continue in Patience,” mula sa ChurchofJesusChrist.org, sa time code na 0:00–1:08, upang mapaisip ang mga estudyante tungkol sa pangangailangan nating matiyagang maghintay. Sa video, ipinabatid ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay miyembro ng Unang Panguluhan, ang katulad na eksperimento sa marshmallow.

2:42

Upang masubukan ang kakayahan ng mga bata na matiyagang maghintay, inilagay ng mga mananaliksik ang isang malaking marshmallow sa harap ng ilang apat na taong gulang na bata. Sinabihan ang mga bata na maaari nilang kainin kaagad ang marshmallow. Gayunpaman, kung makapaghihintay sila nang 15 minuto, bibigyan sila ng dalawang marshmallow. 30 porsiyento lamang ng mga bata ang nakapaghintay.

  • Ano sa palagay ninyo ang maaaring dahilan ng pagkakaiba ng mga batang nakapaghintay at ng mga hindi nakapaghintay?

  • Kailan kayo nahirapan sa paghihintay para sa isang bagay? Ano ang nagpahirap sa inyo?

Kung minsan, maaaring hilingin sa atin ng Ama sa Langit na maghintay para sa ninanais natin na sagot o pagpapala. Kung minsan, maaaring hindi Niya ibigay ang ninanais natin na sagot o pagpapala ayon sa paraan o panahon na gusto natin.

  • Ano ang ilang halimbawa ng mga pagpapala o sagot mula sa Panginoon na maaaring kailanganin nating matiyagang hintayin?

    Maaaring banggitin ng mga estudyante ang paghihintay ng kumpirmasyon na totoo ang Aklat ni Mormon, ang paghahangad ng mga pagpapala ng pagpapagaling para sa isang maysakit na mahal sa buhay, o ang paghiling ng sagot sa Ama sa Langit para sa kanilang mga tanong sa ebanghelyo.

    Para matulungan ang mga estudyante na matukoy kung paano naaangkop ang lesson na ito sa kanilang mga indibiduwal na pangangailangan, bigyan sila ng pagkakataong pagnilayan ang sumusunod na mga tanong sa self-assessment.

  • Anong mga pagpapala o sagot mula sa Ama sa Langit ang hinihintay mong matanggap sa kasalukuyan? Ano ang maaari Niyang hilingin sa iyo na hintayin sa hinaharap?

  • Bakit madali o mahirap para sa iyo ang paghihintay sa isang bagay mula sa Ama sa Langit?

Sa inyong pag-aaral ngayon, humingi ng tulong sa Espiritu Santo para mas maunawaan ninyo ang kahalagahan ng paghihintay sa kalooban at panahon ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Maaari ninyong mapanalanging anyayahan ang Ama sa Langit na palakasin ang inyong kakayahan na matiyagang maghintay.

Matiyagang naghihintay sa Panginoon

Maaaring makatulong na ibahagi sa mga estudyante na isinugo ng Panginoon ang propetang si Isaias sa bansang Juda sa magulong panahon ng kawalang-katiyakan sa pulitika at lipunan. Ipinaaalala ng Isaias 25 sa sambahayan ni Israel ang mga dakilang pagpapalang mayroon sila at matatanggap nila mula sa Panginoon.

Basahin ang Isaias 25:1–4, 6–9, at alamin ang ginawa na ng Panginoon para sa Israel at ang gagawin Niya para sa kanila sa hinaharap.

  • Anong mga pagpapala ang pinakamahalaga at pinakanauugnay para sa inyo?

  • Ayon sa talata 9, ano ang ipinagagawa sa atin ng Panginoon para matanggap ang Kanyang mga pagpapala?

Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang isang katotohanang tulad ng kung maghihintay tayo sa Panginoon, matutuwa at magagalak tayo sa Kanyang kaligtasan. Maaari mong isulat ang pariralang “hintayin ang Panginoon” sa pisara.

Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay sinabi sa kanila ng isang kaibigan na ipaliwanag ang ibig sabihin ng pariralang ito. Tulungan ang mga estudyante na gumawa ng paliwanag para sa pariralang ito. Kung kailangan ng mga estudyante ng karagdagang tulong para maunawaan ang ibig sabihin ng maghintay sa Panginoon, maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag.

Itinuro ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of Robert D. Hales.

Sa mga banal na kasulatan, ang ibig sabihin ng salitang maghintay ay umasa, umasam, at magtiwala. Ang umasa at magtiwala sa Panginoon ay nangangailangan ng pananampalataya, tiyaga, pagpapakumbaba, kaamuan, mahabang pagtitiis, pagsunod sa mga utos, at pagtitiis hanggang wakas. (“Paghihintay sa Panginoon: Mangyari Nawa ang Iyong Kalooban,” Liahona, Nob. 2011, 71)

  • May maidaragdag pa ba kayo para matulungan ang isang tao na maunawaan ang ibig sabihin ng maghintay sa Panginoon?

  • Sa inyong palagay, bakit mahalaga sa Panginoon na matutuhan natin na maghintay sa Kanya? Paano tayo natutulungan nito na higit na maging katulad Niya?

Maaaring makinabang ang mga estudyante na makita ang halimbawa ni Jesucristo na naghihintay sa Ama sa Langit. Maaari kang magbahagi ng iba pang halimbawa mula sa mensahe ni Elder Hales na “Paghihintay sa Panginoon: Mangyari Nawa ang Iyong Kalooban” (time code na 0:59–2:57).

16:11

Mga dakilang pagpapala na ipinapangako sa mga naghihintay sa Panginoon

Para matulungan ang mga estudyante na makita ang iba pang pagpapalang ipinangako ng Panginoon sa mga naghihintay sa Kanya, maaari mong gamitin ang sumusunod na aktibidad sa kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Tumutulong ang aktibidad na ito sa mga estudyante na magsanay sa pag-ugnay o pag-cross reference ng mga talata upang mas maunawaan nila ang alituntunin.

Pumili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na talatang pag-aaralan: Mga Awit 27:14; Isaias 40:31; Doktrina at mga Tipan 133:45. Maghanap ng mga karagdagang pagpapala na ipinapangako ng Panginoon sa mga naghihintay sa Kanya.

  • Ano kayang mga pagpapala ng paghihintay sa Panginoon ang natatanggap ngayon?

    Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng mga pagpapalang tulad ng kapayapaan, kagalakan, o lakas habang naghihintay sila sa Panginoon.

    Bilang halimbawa ng mga pagpapalang dumarating pagkatapos maghintay sa Panginoon, maaari mong ipanood ang kuwento ni Pangulong Uchtdorf sa video na “Continue in Patience,” mula sa ChurchofJesusChrist.org, sa time code na 1:07–2:41. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang ginawa ni Pangulong Uchtdorf, na noon ay miyembro ng Unang Panguluhan, upang kumilos nang may pananampalataya habang hinihintay niya ang mga ipinangakong pagpapala ng pagsunod sa Word of Wisdom.

    2:42

    Matapos mong ipakita ang sumusunod na mga tanong, maaari kang magbahagi ng maikling karanasan mo habang nag-iisip ang mga estudyante ng isasagot nila.

  • Kailan ka nakaranas ng paghihintay sa sagot o pagpapala?

  • Ano ang ginawa mo na nakatulong sa iyo na maghintay sa Panginoon?

Dapat tayong masigasig na maghintay sa Panginoon

Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang pinag-aralan ay makapagpapadali sa kanila na matanto ang kanilang natutuhan at pag-unlad. Ang isang paraan para magawa ito ay sa pamamagitan ng aktibidad sa ibaba. Kung makatutulong, sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga karagdagang detalye na maidaragdag sa sitwasyon para maiugnay ito sa kanila.

Ipagpalagay na hiniling sa iyo na magbigay ng payo sa isang taong nahihirapan habang naghihintay ng pagpapala o sagot sa kanilang mga panalangin. Sa iyong study journal:

  • Maglista ng isang bagay na natutuhan mo ngayon na nakatulong sa iyo na maunawaan ang kahalagahan ng paghihintay sa Panginoon. Maaari kang magbahagi ng isang bagay na nalalaman mo tungkol sa Panginoon na nakatulong sa iyo.

  • Magsulat ng passage mula sa Isaias 25 o ng ibang banal na kasulatan na maaaring makatulong sa isang taong masigasig na naghihintay sa Panginoon.

  • Magsulat ng isang bagay na sa palagay mo ay makatutulong sa isang tao na gawin habang hinihintay nila ang mga sagot at pagpapala ng Panginoon. Maaari kang magsama ng isang karanasan kung saan naranasan mo o ng isang kakilala mo ang mga pagpapala ng Panginoon.

Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pagbabahagi kung paano mo nalaman na mapagkakatiwalaan mo ang Panginoon habang naghihintay ka sa Kanya.