Seminary
Isaias 5: “Kahabag-habag Sila na Tinatawag na Mabuti ang Masama, at ang Masama ay Mabuti”


“Isaias 5: ‘Kahabag-habag Sila na Tinatawag na Mabuti ang Masama, at ang Masama ay Mabuti,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Isaias 5: ‘Kahabag-habag Sila na Tinatawag na Mabuti ang Masama, at ang Masama ay Mabuti,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Isaias 1–12: Lesson 115

Isaias 5

“Kahabag-habag Sila na Tinatawag na Mabuti ang Masama, at ang Masama ay Mabuti.”

Cheetah in the African wild.

Sa pamamagitan ng propetang si Isaias, binalaan ng Panginoon ang Israel laban sa kanilang masasamang pagpili, kabilang ang pagtawag na “mabuti ang masama, at ang masama ay mabuti” (Isaias 5:20). Ngayon, maraming mapaminsalang ideya at gawain ang sa tingin ay tila mabuti. Ang lesson na ito ay makapagpapahusay sa kakayahan ng mga estudyante na mahiwatigan ang mabuti sa masama.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng halimbawa ng isang bagay na inakala na hindi nakapipinsala, o mabuti, na kalaunan ay napatunayang nakasasama.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mapanganib sa espirituwalidad na mga pag-iisip at kilos

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng nakatagong cheetah, tulad ng nasa simula ng lesson na ito. Pagkatapos ay maaari mong itanong ang sumusunod at ipakita ang pahayag ni Elder David A. Bednar.

  • Bakit mapanganib ang cheetah sa biktima nito?

Inihalintulad ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga cheetah sa mga mapanganib na ideya at kilos.

15:59
Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Para sa akin, ang mga cheetah ay makikintab, nakaaaliw, at nakabibighaning mga hayop. Ang manilaw-nilaw na kulay kape at kulay abo at maputing balahibo ng mga ito na may batik-batik na itim ay nagiging mabisang panlinlang upang ang mga hayop na ito ay halos hindi na makita habang nandaragit sila sa kapatagan ng Africa.

Sa isang katulad na paraan, ang mapanganib sa espirituwalidad na mga pag-iisip at kilos ay kadalasang maganda sa paningin, kanais-nais, o nakaliligaya. Kaya, sa ating makabagong mundo, ang bawat isa sa atin ay dapat maging alisto sa mapanuksong kasamaan na nagpapanggap na kabutihan. (“Maging Alisto at Patuloy na Manalangin,” Liahona, Nob. 2019, 33)

  • Ano ang ilang halimbawa ng “mapanganib sa espirituwalidad na mga pag-iisip at kilos” na “maganda sa paningin, kanais-nais, o nakaliligaya?”

    Maaaring makatulong na isulat sa pisara ang mga sagot ng estudyante. Maaaring sabihin ng mga estudyante ang mga bagay na tulad ng, “Katawan ko ito. Magagawa ko ang kahit anong gusto ko rito” o “Ayos lang iyon basta’t hindi ka mahuhuli.” Babalikan mo ang mga ideyang ito sa pisara kalaunan sa lesson.

  • Bakit mahalagang makilala mo ang mapanuksong kasamaan na nagpapanggap na mabuti?

Ang sumusunod na paliwanag at paanyaya ay makatutulong sa mga estudyante na simulang makita kung paano naging mahalaga sa kanilang buhay ang kanilang pag-aaralan sa lesson na ito.

Maaaring mahirap makilala ang mga mapanlinlang na ideya at kilos na ito, lalo na kapag maaaring naiimpluwensyahan tayo ng mga ito. Ang bawat isa sa atin ay nag-iisip o kumikilos sa mga paraan na hindi ganap na naaayon sa mga turo ni Jesucristo (tingnan sa Mga Taga Roma 3:23). Tutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na makilala ito sa ating mga sarili kapag humihingi tayo ng Kanilang tulong sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa iyong pag-aaral ngayon, bigyang-pansin kung paano ka maaaring tinutulungan ng Espiritu Santo na mahiwatigan ang katotohanan sa kamalian.

Mga nakatagong panlilinlang

Ibuod ang sumusunod na talata upang ipakilala sa mga estudyante ang kabuuang mensahe ng Isaias 5.

Sa Isaias 5, itinuro ng Panginoon sa mga Israelita ang tungkol sa Kanyang pagmamahal sa kanila at ang mga bunga ng kanilang mga makasalanang pagpili sa pamamagitan ng analohiya ng ubasan. Kahit na sinubukan ng Panginoon na tulungan silang umunlad, ang mga makasalanang pagpili ng mga Israelita ay nagdulot sa kanila na maging “ligaw na ubas” (tingnan sa Isaias 5:2), isang simbolo para sa kanilang kabulukan at mapoot na pagkatao. Dahil pinili nilang “itakuwil” at kamuhian ang Panginoon at ang Kanyang mga turo (tingnan sa Isaiah 5:24), hindi sila tutulungan ng Panginoon.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na sulyapan ang Isaias 5:8–23 at bilangin kung ilang beses ginamit ng Panginoon ang salitang “kahabag-habag” (anim na beses). Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “kahabag-habag” ay matinding kalungkutan o pagdurusa. Sinubukan ng Panginoon na ituro sa mga Israelita na ang kanilang mga makasalanang pagpili ay ang nagpapalayo sa kanila mula sa Kanya at humahantong ang mga ito sa kalungkutan at pagdurusa.

Bagama‘t maraming katotohanan ang maaaring pagtuunan ng lesson na ito, ang natitirang bahagi ng lesson na ito ay tutuon sa doctrinal mastery passage na Isaias 5:20.

icon ng doctrinal mastery Ang Isaias 5:20 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipang markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali nilang mahanap ang mga ito.

Basahin ang Isaias 5:20, at alamin kung ano ang nagdudulot ng kahabagan, o kalungkutan at pagdurusa.

  • Ano ang nalaman mo?

Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang isang katotohanan, tulad ng Kung tatawagin natin na mabuti ang masama at masama ang mabuti, kalaunan ay makararanas tayo ng kalungkutan at pagdurusa. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipang markahan ang tatlong pares sa talata, masama at mabuti, dilim at liwanag, at mapait at matamis. Ipaliwanag na kadalasan ay nagbibigay si Isaias ng maraming halimbawa para makatulong na maging mas malinaw ang kanyang mga turo.

  • Paano humahantong sa kalungkutan at pagdurusa kapag tinawag na masama ang mabuti at mabuti ang masama?

Ang pagkilala sa paghihirap sa pagtukoy sa mga panlilinlang na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama na nauunawaan sila, makilala ang mga balakid, at makita ang kanilang pangangailangan sa Diyos.

Sumangguni sa listahan ng “mapanganib sa espirituwalidad na mga pag-iisip at kilos” sa pisara, at itanong ang sumusunod.

  • Ano ang maaaring magpahirap sa pagtukoy sa mapanganib sa espirituwalidad na mga pag-iisip at kilos na ito?

Isipin kung may anumang mapanganib sa espirituwalidad na pag-iisip o kilos na maaaring maganda sa paningin, kanais-nais, o nakaliligaya.

Si Jesucristo ang katotohanan

Pagkatapos matukoy ang mga paghihirap, tulungan ang mga estudyante na makita si Jesucristo bilang solusyon.

Basahin ang Juan 14:6, at alamin ang sinabi ni Jesus tungkol sa kung sino Siya.

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabhin ni Jesus nang sabihin Niya na Siya ang katotohanan?

  • Ano ang ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para tulungan tayong makilala ang mga mapanlinlang na ideya at kilos na inilista natin kanina?

Bagama’t hindi ito komprehensibong listahan, maaaring magbahagi ang mga estudyante ng ilang bagay tulad ng sumusunod:

Kung nakikita mong kinakailangan ng iyong mga estudyante, maaari mong basahin at talakayin ang ilan sa mga banal na kasulatan na ibinigay.

Ang susunod na aktibidad ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na pag-aralan ang mga turo ng Tagapagligtas para tulungan silang makilala ang Kanyang katotohanan. Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang listahan ng mga mapanganib sa espirituwalidad na mga pag-iisip at kilos sa pisara. Ipakita ang mga sumusunod na tagubilin.

Para matulungan tayong mahiwatigan ang katotohanan sa kamalian, maaari tayong bumaling sa mga turo ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta. Ang isang lugar kung saan “matatagpuan [natin] ang mga turo ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta” ay sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (“Gumawa ng mga Inspiradong Pagpili,” Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili [2022]).

Pumili ng isang ideya o kilos na matutukoy bilang masama na nagpapanggap na mabuti o mabuti na ipinapakita bilang o binabansagang masama. Pag-aralan ang gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan, at alamin ang mga turo ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta na makatutulong sa iyo na piliing sundin si Jesucristo sa halip na ang mga mapanlinlang na mensahe ng diyablo. Isulat kung paano itinutuwid ng mga turo ng Tagapagligtas ang mga maling ideya.

Ipabahagi sa mga estudyante ang nalaman nila. Para magawa ito, maaaring pumili ang isang estudyante ng ideya o kilos mula sa pisara. Sabihin sa klase na ipaliwanag kung paano ipinapakita ng isang bagay na natutuhan nila na ang ideya o kilos bilang espirituwal na nakapipinsala. Halimbawa, kung pipiliin ng isang estudyante ang “Ayos lang iyon basta’t hindi ka mahuhuli,” maaaring ibahagi ng mga estudyante ang isang bagay na natutuhan nila sa bahaging “Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo” sa gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan, tulad ng mga talata na nagsisimula sa “Ang pamumuhay nang may integridad ay nangangahulugan na mahal ninyo ang katotohanan nang buong puso” o “Mahalin ang katotohanan.”

Pagninilay sa pagkatuto

Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan nila sa pamamagitan ng pagpapakita ng tanong gaya ng sumusunod.

Magsulat ng sagot sa sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang natutuhan mo ngayon na makatutulong sa iyo na makilala ang katotohanan at mas masunod si Jesucristo?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang damdamin at patotoo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isinulat nila. Maaari mong patotohanan ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang titulo bilang Katotohanan.

Isaulo

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at balikan ang mga ito sa mga lesson sa hinaharap. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Isaias 5:20 ay “Kahabag-habag sila na tinatawag na mabuti ang masama, at ang masama ay mabuti.” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagre-review ng Doctrinal Mastery.”