“Isaias 1–12: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Isaias 1–12: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Isaias 1–12
Isaias 1–12
Buod
Ipinahayag ng Tagapagligtas, “dakila ang mga salita ni Isaias“ (3 Nephi 23:1) at iniutos Niya sa atin na masigasig na salisikin ang kanyang mga propesiya. Napakahalaga ng mga propesiya ni Isaias kaya mas madalas siyang sinisipi sa mga pamantayang aklat ng mga banal na kasulatan kaysa sa sino pa mang propeta. Marami sa mga propesiya ni Isaias ang nakatuon sa Mesiyas at sa Pagpapanumbalik ng Israel sa mga huling araw. Sa pamamagitan ni Isaias, ipinangako ng Panginoon na bagama’t ang ating “mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe” (Isaias 1:18). Nagbabala rin siya tungkol sa panahon kung kailan tatawagin ng mga tao na “mabuti ang masama, at ang masama ay mabuti” (Isaias 5:20). Natutuhan din natin na nangako ang Panginoon na “maglalagay ng sagisag para sa mga bansa“ (Isaiah 11:12) upang tipunin ang nagkalat na Israel.
Mahalin ang mga tinuturuan mo—Sikaping linawin at unawain ang tunay na layunin ng mga tanong, damdamin, at paniniwala ng mga estudyante. Ang isang paraan kung paano mamahalin ang mga tinuturuan mo ay hangaring maunawaan ang kanilang mga kalagayan at pangangailangan. Kapag nagtatanong at nagkokomento ang mga estudyante, hangaring linawin at unawain ang kanilang mga damdamin at paniniwala at ang tunay na layunin ng kanilang mga tanong. Pagkatapos magtanong o magbigay ng komento ang mga estudyante, maaari mo silang pasalamatan at tanungin kung handa sila sa pagsagot sa ilang tanong. Pagkatapos ay maaari kang magtanong upang maunawaan ang tunay na layunin ng kanilang tanong o komento.
Para sa karagdagang pagsasanay sa kung paano hangaring linawin at unawain ang tunay na layunin ng mga tanong, damdamin, at paniniwala ng mga estudyante, tingnan sa: “Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan,“ sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Kilala Tayo ng Tagapagligtas at Nauunawaan Niya ang Ating mga Kalagayan, Pangangailangan, at Kalakasan,” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), 13. (Para sa karagdagang pagsasanay sa pagmamasid at pagtatanong tungkol sa mga interes ng mga estudyante, tingnan sa “Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan.”)
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Pambungad sa Isaias
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mahikayat na matuto tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Isaias.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng isang mahalagang katotohanan tungkol kay Isaias. Maaari nilang hanapin ang Isaias sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.
-
Nilalamang ipapakita: Mga pahayag tungkol sa paghikayat na magbasa ng aklat; ang infographic na “Ang Kaharian ng Israel at Kaharian ng Juda sa Isang Sulyap;“ isang diagram kung saan isusulat ng mga estudyante ang natutuhan nila tungkol sa mga pangalan at titulo ni Jesucristo; mga larawan ni Jesucristo
Isaias 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng kumpiyansa na malilinis sila ng Tagapagligtas mula sa kanilang mga kasalanan.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang doctrinal mastery passage na Isaias 1:18 at hanapin ang matalinghagang paglalarawan na ginamit ni Isaias. Hikayatin ang mga estudyante na magnilay at maghanda na ibahagi kung ano ang ibig sabihin ng scripture passage sa kanila. Maaari ding magsanay ang mga estudyante sa pagsasaulo ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan na: “bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe” (Isaias 1:18).
-
Nilalamang ipapakita: Isang larawan ng namantsahang kasuotan; mga larawan ng matingkad na pula, malalim na pula, niyebe, at lana; ang pahiwatig para mapagnilayan ng mga estudyante ang kanilang nadarama tungkol sa pagiging malinis mula sa kasalanan
-
Mga Video: “Si Cristo: Ang Ilaw na Lumiliwanag sa Kadiliman” (11:29) mula sa time code na 6:56 hanggang 7:42; “There Is No Limit to God’s Love” (5:38) mula sa time code na 0:00 hanggang 4:54
Isaias 5
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapahusay ang kanilang kakayahang mahiwatigan ang mabuti at masama.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng halimbawa ng isang bagay na inakala na hindi nakapipinsala, o mabuti, na kalaunan ay napatunayang nakasasama.
-
Mga item na ihahanda: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (2022)
-
Nilalamang ipapakita: larawan ng isang nakatagong cheetah; pahayag ni Elder David A. Bednar; mga tagubilin para sa aktibidad sa pag-aaral gamit ang Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili; tanong na sasagutin sa journal sa huling bahagi ng lesson
-
Video: “Maging Alisto at Patuloy na Manalangin” (15:59) mula sa time code na 5:24 hanggang 6:07
Isaias 11–12
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas mahikayat na ibahagi sa iba ang ebanghelyo.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong bigyan ang bawat estudyante ng dalawang tanong para sa pagsusuri sa sarili mula sa unang bahagi ng lesson at anyayahan silang pag-isipan kung paano nila sasagutin ang mga ito.
-
Nilalamang ipapakita: Larawan ng isang tuod, mga ugat, at usbong ng puno; mga tagubilin kung paano gamitin ang handout
-
Video: Isa sa mga sumusunod na kuwento mula kay Gary E. Stevenson, “Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya,” Liahona, Mayo 2022:
-
Brother Wisan (pahina 86 o time code na 5:40–7:06)
-
Mayra (pahina 86 o time code na 8:33–9:42)
-
-
Handout: “Isang Sagisag para sa mga Bansa”