Seminary
Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12: Buod


“Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12

Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12

Buod

Bukod sa iba pang mga bagay, hinihikayat tayo ng aklat ng Mga Kawikaan na hanapin at ipamuhay ang karunungan. Tinutulungan din tayo nitong mapagtanto ang kahalagahan ng pagtitiwala sa payo ng Panginoon sa halip na sa ating sariling karunungan at pag-unawa. Sa Eclesiastes, ipinaalala sa atin ng Mangangaral na ang mga bagay sa mundong ito ay pansamantala lang. Pinapayuhan niya tayo na maghanda para sa araw na hahatulan ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak.

icon ng seminaryBigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo. Habang sinisikap nating ipamuhay ang ebanghelyo ng Tagapagligtas, hindi lang tayo sumusunod sa mga alituntunin—sinusunod natin Siya. Si Jesucristo ang perpektong halimbawa ng lahat ng alituntunin ng ebanghelyo. Ang pagtuon sa Kanyang perpektong halimbawa ay magbibigay ng pagkakataon sa Espiritu Santo na magpatotoo tungkol kay Jesucristo at inspirasyunan ang iyong mga estudyante na sumunod sa Kanya. Makakakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 109: “Pambungad sa Mga Kawikaan.”

Upang matuto pa, tingnan ang “Bigyang-diin ang Halimbawa ni Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, [2016], 6).

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Pambungad sa Mga Kawikaan

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga katotohanang makatutulong sa kanila na sundan ang landas ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isang mahalagang payo o mga makatutulong na payo na natanggap nila mula sa mga magulang, lider, at pinagkakatiwalaang kaibigan. Anyayahan ang mga estudyante na maghandang ibahagi ang payo at kung paano nito napagpala ang kanilang buhay.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Maliit na papel kung saan isusulat ng mga estudyante ang payo; mga piraso ng papel na may nakalistang mga kawikaan (o maaari mong isulat sa pisara ang mga kawikaan); papel at mga kagamitan sa sining na gagamitin ng mga estudyante sa paggawa ng poster

Mga Kawikaan 3

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na piliing magtiwala sa Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipang markahan sa kanilang mga banal na kasulatan ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa doctrinal mastery passage na Mga Kawikaan 3:5–6: “Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala … at itutuwid niya ang iyong mga landasin.“ Upang makapaghanda para sa klase, maaaring magsanay ang mga estudyante na bigkasin ang parirala nang ilang beses at pagnilayan ang mga sitwasyon sa kanilang buhay kung saan kailangan nilang magtiwala sa Panginoon.

  • Nilalamang ipapakita: Mga tanong para tulungan ang mga grupo na talakayin ang pagtitiwala sa Panginoon sa halip na sa ating sariling pag-unawa

  • Video:Trust in the Lord” (3:30)

Eclesiastes

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano makatutulong ang pagtuon sa pagharap sa Diyos sa Huling Paghuhukom sa paggawa nila ng matalinong pagpili.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na makipag-usap sa isang magulang o pinagkakatiwalaang lider tungkol sa kung paano nila nakita ang pangmatagalang epekto ng mga desisyong ginawa nila noong tinedyer pa sila.

  • Nilalamang ipapakita: Mga kahulugan ng mga salita at parirala sa Eclesiastes

  • Video:Isipin ang Kahariang Selestiyal!” (19:15) mula sa time code na 5:20 hanggang 5:46

I-assess ang Iyong Pagkatuto 7

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa pag-aaral nila ng Lumang Tipan kamakailan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng isang salaysay o turo sa Lumang Tipan na nagkaroon ng epekto sa kanilang espirituwal na pag-unlad.

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para masuri ng mga estudyante ang kanilang mga saloobin at damdamin tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa kanilang proyekto; mga tagubilin para masuri ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral ng banal na kasulatan

  • Mga item na ipapakita: Isang ilawan o flashlight