“Mga Kawikaan 3: ‘Sa Panginoon ay … Magtiwala Ka,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Mga Kawikaan 3: ‘Sa Panginoon ay … Magtiwala Ka,’” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Kawikaan 1–4; 15–16; 22; 31; Eclesiastes 1–3; 11–12: Lesson 110
Mga Kawikaan 3
“Sa Panginoon ay … Magtiwala Ka”
Kung minsan ay maaaring mahirap magtiwala sa Panginoon. Ngunit habang nakikilala natin Siya, napagtatanto natin na “Hindi siya gumagawa ng anumang bagay maliban na lamang kung para sa kapakanan ng sanlibutan“ (2 Nephi 26:24). Kung gayon ay makikita natin ang karunungan sa pagtitiwala sa Kanya sa halip na manalig “sa sarili [nating] pang-unawa” (Mga Kawikaan 3:5). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na piliing magtiwala sa Panginoon.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipang markahan sa kanilang mga banal na kasulatan ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa doctrinal mastery passage na Mga Kawikaan 3:5–6: “Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala … at itutuwid niya ang iyong mga landasin.“ Upang makapaghanda para sa klase, maaaring magsanay ang mga estudyante na bigkasin ang parirala nang ilang beses at pagnilayan ang mga sitwasyon sa kanilang buhay kung saan kailangan nilang magtiwala sa Panginoon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Tiwala
Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagsulat sa pisara ng salitang Tiwala. Pagkatapos ay itanong ang sumusunod habang ipinapakita ang mga kasamang sitwasyon nang paisa-isa. Maaari mong iakma ang mga sitwasyon sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.
-
Sino ang handa ninyong pagkatiwalaan …
-
na ihatid kayo pauwi sa gabi?
-
para sa pera ng pamilya ninyo?
-
na bigyan kayo ng payo sa kung sino ang dapat ninyong i-date o pakasalan?
-
na magturo sa inyo tungkol kay Jesucristo at sa kung paano Siya sundin?
Maaari mong ilista sa pisara sa ilalim ng salitang Tiwala ang mga sagot ng mga estudyante sa sumusunod na tanong.
-
-
Anong mga katangian ang kailangang taglay ng isang tao para magtiwala kayo sa kanya?
Basahin ang Mga Kawikaan 3:5, at pagnilayan ang kahulugan nito sa inyo. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong study journal:
-
Sino ang mas pinagkakatiwalaan mo: ang Panginoon o ang iyong sarili? Bakit?
-
Ano ang isang sitwasyon sa buhay mo ngayon kung saan sa palagay mo ay mas kailangan mong magtiwala sa Panginoon kaysa sa iyong sarili?
Habang pinag-aaralan ninyo ang mga banal na kasulatan ngayon, alamin ang natutuhan ninyo mula sa Espiritu Santo na nakatutulong sa inyo na magtiwala sa Panginoon.
“Sa Panginoon ay … magtiwala ka at huwag kang manalig [sa sariling pang-unawa]”
Ang Mga Kawikaan 3:5–6 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali nilang mahanap ang mga ito.
Basahin ang Mga Kawikaan 3:5–6, at alamin kung paano mo kukumpletuhin ang sumusunod na pahayag: “Kung tayo ay …, ang Panginoon ay …”
Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang kumpletong pahayag. Hangaring pagtibayin ang kanilang ibinabahagi. Ang isang katotohanan na maaari nilang ibahagi ay kung magtitiwala tayo sa Panginoon nang buong puso, itutuwid Niya ang ating mga landasin.
-
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng magtiwala sa Panginoon “[nang] buong puso” (talata 5)?
-
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng magtiwala sa Panginoon kaysa sa ating “sariling pang-unawa” (talata 5)?
Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang passage na ito, anyayahan ang dalawang estudyante na tumayo nang mga tatlong talampakan ang layo mula sa isang matibay na bagay, tulad ng pader. Anyayahan ang isang estudyante na sumandal sa pader at gamitin itong pansuporta. Anyayahan ang isa pang estudyante na sumandal sa pader nang malayo hangga’t kaya niya bago siya mawalan ng balanse.
-
Paano tayo matutulungan ng mga halimbawang ito na mas maunawaan ang Mga Kawikaan 3:5–6?
Maaari mong ilagay ang mga estudyante sa maliliit na grupo. Anyayahan ang mga estudyante na ilista sa isang papel ang mga sitwasyon kung saan maaaring matukso ang mga tinedyer na Banal sa mga Huling Araw na gamitin ang kanilang sariling pang-unawa sa halip na magtiwala sa payo ng Panginoon. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang pagpili ng libangan, pagpapasiya kung sino ang ide-date o kung kailan makikipag-date, paggamit ng ilang partikular na salita, o paggawa ng mga mithiin sa edukasyon o sa hinaharap.
Pagkatapos ng sapat na oras, maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong. Maaaring gamitin ng mga estudyante ang kanilang mga listahan para talakayin ang mga tanong sa kanilang grupo.
-
Ano ang maaaring magpahirap sa isang tao na magtiwala sa Panginoon kaysa sa manalig sa kanilang sariling pang-unawa?
-
Ano ang maipapayo mo sa isang tao upang matulungan siyang madaig ang mga balakid na ito?
“Itutuwid niya ang iyong mga landasin”
Upang matulungan ang mga estudyante na mapaigting ang kanilang hangaring magtiwala sa Panginoon, maaari nilang pag-aralan ang ilan o ang lahat ng passage sa ibaba. Maaaring manatili ang mga estudyante sa kanilang mga grupo, at ang bawat estudyante ay maaaring magbasa ng magkakaibang scripture passage.
Basahin ang mga sumusunod na scripture passage, at alamin kung bakit gugustuhin nating magtiwala sa Panginoon sa halip na sa sarili nating pang-unawa:
-
Isaias 55:8–9
-
Kapag natapos nang basahin ng mga estudyante ang kanilang mga passage, anyayahan silang ibahagi sa kanilang grupo ang nalaman nila. Pagkatapos ay maaaring magbahagi sa klase ang ilang estudyante.
Kung inilista mo sa pisara ang mga katangiang mapagkakatiwalaan sa unang bahagi ng lesson, maaari mong tanungin ang mga estudyante kung paano ipinapakita ng Panginoon ang alinman sa mga katangiang ito. Maaaring idagdag ng mga estudyante sa pisara ang anumang karagdagang katangian ng Panginoon na naiisip nila o nalaman nila sa mga passage sa itaas.
-
Alin sa mga katangian ng Panginoon ang tumutulong sa inyo na magtiwala sa Kanya—kahit na ang Kanyang payo ay maaaring salungat sa inyong sariling pang-unawa?
Para maihanda ang mga estudyante na sagutin ang tanong sa ibaba, maaari mong ipanood ang video na “Trust in the Lord“ (3:30), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org. Sa video na ito, ibinabahagi ng mga kabataan kung bakit pinili nilang magtiwala sa Panginoon.
Maaari mong ibahagi ang iyong sagot sa tanong sa ibaba bilang karagdagan sa ibinahagi ng mga estudyante.
3:30 -
Kailan kayo nagtiwala o ang isang taong kilala ninyo sa Panginoon sa halip na sa sarili ninyong pang-unawa? Paano Niya kayo tinulungan o ginabayan?
Magtitiwala ako sa Panginoon
Upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang natutuhan nila, maaari mo silang anyayahang gawin nang mag-isa ang sumusunod.
Pagnilayan ang isinulat mo sa iyong study journal sa unang bahagi ng lesson. Humingi ng patnubay sa Panginoon upang masagot ang mga sumusunod na tanong sa iyong journal:
-
Ano ang natutuhan mo ngayon tungkol sa Panginoon na naghihikayat sa iyo na magtiwala sa Kanya?
-
Ano ang isang paraan upang mapagkatiwalaan mo ang Panginoon sa sitwasyong isinulat mo?
-
Paano mo ito magagawa “[nang] buong puso [mo]“ (Mga Kawikaan 3:5)?
Maaaring maging kapaki-pakinabang na ibahagi ang iyong mga nadarama tungkol sa Panginoon at sa mga paraan kung paano ka Niya ginabayan nang magtiwala ka sa Kanya. Maaari mong patotohanan ang Kanyang kakayahan at kahandaang pagpalain ang iyong mga estudyante kapag nagtitiwala sila sa Kanya.
Isaulo
Maaari mong tulungan ang mga estudyante na isaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa lesson na ito at rebyuhin ang mga ito sa mga lesson sa hinaharap. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mga Kawikaan 3:5–6 ay “Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala; … at itutuwid niya ang iyong mga landasin.” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”