“Pumili,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hun. 2022.
Taludtod sa Taludtod
Pumili
Hinikayat ni Josue ang kanyang mga tao na piliin ang tama—na sundin ang Panginoon.
piliin
Ang kakayahan nating pumili at kumilos para sa ating sarili ay tinatawag na kalayaang pumili. Mahalagang bahagi ito ng plano ng Ama sa Langit. Ang isang layunin ng buhay na ito ay ipakita na pipiliin nating sundin ang mga utos ng Diyos upang tayo ay maging lalong katulad Niya. Hahatulan tayo batay sa ating mga pagpili. (Tingnan sa 2 Nephi 2:27; Doktrina at mga Tipan 101:78; Abraham 3:25.)
sa araw na ito
Hinikayat ni Josue ang kanyang mga tao na piliin na “sa araw na ito,” o ngayon mismo. Maaari tayong gumawa ng mahahalagang pagpili nang minsanan at pagkatapos ay sikaping manatiling tapat sa mga ito. (Tingnan sa Mga Awit 37:5.)
paglilingkuran
Sa talatang ito, ang ibig sabihin ng maglingkod ay sumamba, tumulong, sumunod, at ilaan ang iyong sarili sa isang tao. Dapat tayong maglingkod sa Panginoon (tingnan sa Moises 1:15).
mga diyos
Inutusan ang Israel na maglingkod lamang sa tunay at buhay na Diyos na si Jesucristo (tingnan sa Exodo 20:2–5). Nagbigay si Josue ng mga halimbawa ng ibang mga diyos na hindi dapat sambahin ng kanyang mga tao. Maaaring kabilang sa ibang mga diyos sa ating buhay ang mga ari-arian, mga opinyon ng iba, iba pang mga interes—anumang bagay na naglalayo sa atin sa Panginoon.
akin at sa aking sambahayan
Nagsalita si Josue para sa kanyang sarili at sa kanyang sambahayan. Sinabi niya na paglilingkuran nila ang Panginoon. Nais niyang pamunuan nang matwid ang kanyang pamilya at turuan silang sundin ang Panginoon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 93:40).