2022
Sa Lagos, Nigeria
Hunyo 2022


“Sa Lagos, Nigeria,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021.

Paano Kami Sumasamba

Sa Lagos, Nigeria

binatilyo

Larawang mula sa Getty Images

binatilyo
pamilya

Hi! Ako si Mosiah O.

Nakatira ako sa Lagos, Nigeria, kasama ang aking nanay, tatay, at ang maganda kong pitong taong gulang na kapatid na si Harriet. Gustung-gusto namin ng kapatid ko na magkasamang magsulat. Ang mga magulang ko ay mula sa magkaibang tribo—ang tatay ko ay mula sa tribo ng Yoruba at ang nanay ko ay mula sa tribo ng Edo. Kaya Ingles ang salita ko, pero nagsasalita rin ako ng Yoruba. Gustung-gusto naming manirahan dito sa Lagos. May magagandang dalampasigan at gusali dito.

Pagkain at Kasiyahan sa Nigeria!

binatilyong nagluluto

Gustung-gusto ko ang Africa dahil sa iba’t ibang pagkain namin. Sino ang hindi mahilig sa pagkain? Mahilig akong magluto at nagpapraktis akong magluto ng mga bagong putahe sa bahay. Talagang makulay ang pagkain ng mga taga-Nigeria. Isa sa mga paborito kong putahe ay ang Epkang Nkukwo, sopas na gawa sa halamang cocoyam, na katulad ng gabi. Gusto ko ring gumawa ng black soup na may ekó (o agidi) na isang pudding na gawa sa harinang mais.

Pakiramdam ko nakatulong sa akin ang pagkain ng masustansyang pagkain para lalo akong maging malusog at handa para sa personal na paghahayag. Alam ko na mahal tayo ng Panginoon at inaalala ang mga bagay na kinakain rin natin. Nais Niya tayong maging malusog at masigasig na makilahok sa Kanyang gawain.

binatilyong tumutugtog ng gitara

Ang mga paborito kong libangan ay pakikinig sa musika, pagsulat ng mga awitin, pagsulat ng mga tula, at pagbabasa ng makabuluhang mga aklat. Gustung-gusto kong matutong tumugtog ng gitara at keyboard. Tinuturuan ako ng nanay ko kung paano tumugtog ng mga himno. Mayroon din kaming alagaan ng mga kuneho. Ang pag-aalaga ng 13 kuneho ay magandang pagkakataon para sa akin—at napakagandang karanasan!

Angkop sa Seminary

binatilyo

Ang isa sa mga paborito ko sa pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. Gustung-gusto kong magkaroon ng mga bagong kakilala na katulad ko ang paniniwala. Gustung-gusto kong pumupunta sa seminary, pero noong una, parang napag-iiwanan ako. Ako ang pinakabatang estudyante, at lahat ay magkakakilala. Hindi nila ako madalas kausapin noon. Lihim kong nilalabanan ang mababang tingin ko sa sarili ko, pero nagdasal ako, at talagang nadama ko ang pagmamahal ng Diyos para sa akin. Minithi kong mas makilala ang iba pang mga estudyante, at talagang nalaman ko kung gaano ang malasakit nila sa akin. Alam ko na nais ng Diyos na lumago tayo at magkaroon ng makabuluhang mga ugnayan. Naglaan Siya ng mga paraan para magawa natin iyan sa pamamagitan ng mga programa ng Simbahan.

Tulong mula sa Espiritu Santo

Kung minsan, nais lang ng Diyos na magtiyaga tayo. Sinasabi sa Doktrina at mga Tipan 58:4 na, “Pagkatapos ng maraming kapighatian darating ang mga pagpapala.” Kung hindi maganda ang takbo ng mga bagay-bagay at hindi maganda ang pakiramdam mo, maghintay ka lang at hindi magtatagal ay makikita mo ang mga pagpapala. Kung minsan ang kailangan lang nating gawin ay magtiis hanggang wakas at sundin ang Espiritu Santo. Kapag ako ay mapagpakumbaba, nadarama ko na tinutulungan ako ng Espiritu at sinasabi sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para maayos ang mga problema ko sa buhay. Alam ko na ang paggawa nito ay makatutulong sa akin na mas magtiwala sa presensya ng Diyos.