“Ang Iyong Katawan: Isang Regalo na Walang Katumbas na Halaga,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2022.
Ang Iyong Katawan: Isang Regalo na Walang Katumbas na Halaga
Hindi ba maganda kung mayroon kang kamiseta na kusang maaayos kung pupunitin mo ang tela? O isang mesa na kayang kumpunihin ang sarili nito kung nabali ang isa sa mga paa nito at maging mas maganda pa kaysa sa bago?
Kayang gawin ng katawan ng tao ang lahat ng iyan at marami pang iba! Walang bagay na nilikha ng sangkatauhan ang makagagaya nang kahit katiting sa kahanga-hanga at kapaki-pakinabang na katawan ng tao.
Bilang anak ng Diyos, pumarito ka sa lupa na may pisikal na katawan. Tinutulungan ka ng katawang ito na matuto, lumaki, at umunlad nang walang hanggan. Kaylaking pagpapala!
Mula ulo hanggang paa, anuman ang hugis o sukat mo, ang iyong katawan ay kahanga-hanga at nagbibigay-inspirasyon!
Ang iyong katawan ay isang regalo mula sa Diyos, kaya mahalagang pangalagaan ito. Narito ang ilang tip para mapanatiling malakas at malusog ang iyong katawan:
Sundin ang Word of Wisdom, pati na ang tagubilin na kumain ng masusustansyang pagkain.
Regular na mag-ehersisyo.
Pansinin ang naiisip at nararamdaman mo. Humanap ng mga paraan para makapagpahinga at maalis ang mga negatibong damdamin, tulad ng paglalakad at pakikipag-usap sa taong pinagkakatiwalaan mo.
Matulog nang sapat.
Kapag pinangangalagaan mo ang iyong katawan, ipinapakita mo sa Ama sa Langit na nagpapasalamat ka sa Kanyang regalo sa iyo na walang-katumbas na halaga. Inaanyayahan mo rin ang Espiritu Santo sa iyong buhay.
At kapag pinangalagaan mo ang iyong kagila-gilalas na katawan, tutulungan ka nitong masiyahan sa iba pang kamangha-manghang bagay sa buhay mo!