2022
Pamumuhay ng mga Pamantayan Ko
Hunyo 2022


“Pamumuhay ng mga Pamantayan Ko,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hun. 2022.

Ang Tema at Ako

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano nila ipinamumuhay ang mga salita sa Mga Tema ng Young Women at Aaronic Priesthood Quorum

Pamumuhay ng mga Pamantayan Ko

“Habang sinisikap kong maging karapat-dapat para sa kadakilaan.”

dalagita

Larawang kuha ni Christina Smith

Napansin ko sa paaralan ko na may mga taong madalas ay gustong kilalanin sila sa lahat ng ginagawa nila. Pero para sa akin, dapat gawin ang isang bagay dahil tama ito sa halip na para kilalanin ako dahil dito. Alam ko na mahalagang piliin ang tama at sundin ang mga utos. Sa sarili kong buhay, talagang natutuwa ako na sinunod ko ang mga pamantayan ko, dahil talagang nakinabang ako dito.

Bukod sa akin ay may isa pang miyembro ng Simbahan sa paaralan ko. Sinisikap kong maging halimbawa sa mga kaibigan ko dahil kinakatawan ko ang Simbahan. Gusto kong malaman nila na ang ebanghelyo ay nagpapasaya sa akin.

Palagi akong may naririnig na nagmumura sa paaralan ko. Kahit ang ilan sa mga guro ko ay nagmumura. Pero pinipili kong ipamuhay ang lahat ng pamantayan ng Simbahan kahit mahirap sundin ang mga ito. Ang iba pang mga pamantayan tulad ng Word of Wisdom o pananamit nang disente ay mas madali kong nasusunod. Alam ko na sa pagsunod sa Word of Wisdom ay mananatili akong ligtas. Bumuo rin ako ng estilo ko para lagi akong may maisusuot na kapwa disente at may estilo. Hindi ko kailangang isakripisyo ang estilo ko para ipamuhay ang aking mga pamantayan.

Kung minsan maaaring maharap ka sa mga balakid na pipigil sa iyo na gawin ang isang bagay na mabuti, pero maaari mong piliing maging masaya. Nagkaroon ako ng mga pagsubok. Pero sinikap kong magkaroon ng positibong pananaw sa mga panahong iyon. Tinutulungan ako ng ebanghelyo na gawin iyon.

Gustung-gusto kong mag-ehersisyo. Buong buhay akong nag-gymnastics. Pero kinailangan kong tumigil dahil nagkaroon ako ng ilang injury. Mahirap para sa akin na tumigil dahil maraming oras akong nag-eehersisyo sa isang linggo noon at biglang hindi ko na iyon magawa. Hindi ako makapag-ehersisyo na tulad ng dati, kaya nagpasiya akong subukan ang pagtakbo. Gustung-gusto kong tumatakbo sa lungsod. Ang pagtakbo ay nakakabawas din sa stress ko.

Hindi palaging madaling maging miyembro ng Simbahan, pero hindi ka nag-iisa. Gawin ang lahat ng makakaya mo para mapanatili ang positibong pananaw!

Ang awtor ay naninirahan sa New York, USA.