Paghahanda at Pagtuturo ng mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay: Pagtalakay sa mga Guro
Taunang Training Broadcast ng S&I para sa 2025
Huwebes, Enero 23, 2025
Brother Jason Willard: Brother Dyreng, salamat sa pagpapahintulot mo na makausap ko ang iyong mga guro. Nitong nakaraan, ipinaalam ni Brother Webb ang mga lesson na ito sa Paghahanda sa Buhay. Ano ang una n’yong naisip nang marinig n’yo ang tungkol sa mga lesson na ito?
Sister Hunt.
Sister Hunt: Naisip ko na mahirap itong gawin. Sinisikap kong maituro ang scriptures, at bagong guro pa lang ako. Kaya nang idagdag ang mga lesson para sa Paghahanda sa Buhay, naisip ko, “Hala! Ano pa ang ipapagawa nila sa akin?”
Brother Willard: Ang galing. Sino pa ang inisip na mahirap ito? May gusto bang umamin? Sige. Salamat, Sister Hunt.
Brother Cavanaugh, ano ang naranasan mo?
Brother Cavanaugh: Parang roller coaster ito. Noong una kong narinig ito at ang mga paksa talagang natuwa ako. Nang mapanood ko ang pacing guide at nalaman ko kung gaano kadalas ituturo ang mga ito, medyo nalungkot ako. Gustung-gusto ko ang scriptures. Gusto kong ituro lamang ang mga ito pero ngayon mayroon nang mga lesson tungkol sa Paghahanda sa Buhay. Pero nang mas inunawa ko ito, marami palang mga banal na kasulatan doon, at may mas angkop na mga talata—tulad ng pagtuturo ng mga banal na kasulatan sa mas naaangkop na paraan. Pero medyo nalungkot ako nung una.
Brother Willard: Simula noon, ano na ang naramdaman mo? Matagal mo na ring itinuturo ang mga ito. Ano ang naramdaman mo simula noong unang nalungkot ka?
Brother Cavanaugh: May nabago. Kausap ko noong nakaraang linggo ang isang estudyante tungkol dito, at nabanggit niya na ang paborito n‘yang mga lesson sa seminary ay ang mga lesson sa buhay, dahil dama niya na mas angkop sa buhay niya ang scriptures.
Brother Willard: Ang galing. Itinuro ni Elder Bednar na kung minsan ay nagtuturo tayo ayon sa sequence, kung minsan ay ayon sa tema o paksa. At magagawa pa rin natin ‘yan sa scriptures. Ang galing n‘yan, Brother Cavanaugh. Salamat.
Sister Wheeler.
Sister Wheeler: Dalawa ang naramdaman ko. Ang isang naramdaman ko ay simpleng “Ah, isa na namang pagbabago.” Napakarami nang mga nagbago. Panlimang taon ko na ito sa pagtuturo ko, at palaging may nababago. Bawat taon may pagbabago. Pero, talagang natuwa rin ako—habang binabasa ko ang mga lesson na ito, naisip ko, “Talagang makatutulong ito sa maraming estudyante natin.”
Brother Willard: Ang galing. Sa palagay mo magandang pagbabago ito?
Sister Wheeler: Oo, magandang pagbabago, pero kailangan ko pa ring makapag-adjust dito.
Brother Willard: Ayos. Natutuwa akong marinig ‘yan. Salamat. Ano ang naranasan mo sa mga lesson na ito sa Paghahanda sa Buhay habang nagtuturo ka?
Sige, Sister Robbins.
Sister Robbins: Patuloy kong hinahanap ang tema na magiging bahagi ang Panginoon sa inyong buhay at sa inyong pag-aaral. Hindi mahalaga kung aling lesson ito sa Paghahanda sa Buhay. Nakatuon lang ito sa “Kung paano magiging bahagi ng buhay mo ang Panginoon.” Ito man ay pamamahala sa pananalapi, pag-oorganisa o pagpapapriyoridad, kung matuturuan natin sila na bumaling sa Panginoon at gawing bahagi Siya ng bagay na mahalaga sa kanila, magiging mahalaga ito sa Kanya.
Brother Willard: Napakaganda. Ayon sa iyong karanasan, masasabi mo bang nakasentro ito kay Cristo?
Sister Robbins: Nariyan pa rin ang mga elemento. Nakasentro kay Cristo, nakatuon sa mag-aaral, at nakabatay sa banal na kasulatan. Lahat ng elemento ay naroon. At ‘yan ang pinakapokus mo. Komportable ka dahil alam mo na naroon pa rin ang mga elemento.
Brother Willard: Salamat sa pagbahagi n’yan.(kausap si Sister Robbins)
Brother Cyril. (kausap si Brother Cyril)
Brother Cyril: Para sa akin maiuugnay mo ang mga turo sa buhay ng mga estudyante habang bata pa lang sila. Uunawain nila ang bawat lesson sa Paghahanda sa Buhay. Napakagandang paraan ito para makita nila kung paano ito nauugnay sa kanila at matuto mula rito . Gusto ko ’yan. Nakadagdag ito sa kumpiyansa ko sa pagtuturo dahil alam ko na may kabuluhan ang lahat ng ginagawa natin, maliban pa sa nakasentro ito kay Cristo at nakabatay sa banal na kasulatan.
Brother Willard: Gusto ko iyan. Ito pa rin ang mga pagtuturo na lagi pa rin nating ginagawa, marahil mas inuugnay lang ang mga ito sa mga estudyante natin. Tama ka, Brother Cyril, salamat. Pag-usapan naman natin ang inservice n’yo.
Kamakailan ay natutuhan n’yo ang tatlong kasanayan na tutulong sa inyo bilang mga guro sa paghahanda n’yo ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Kaya nakatuon kayo sa mga layunin ng lesson. Mayroon kayo ng katotohanang matatagpuan sa salita ng Diyos, at aktibidad na maipapakita ang mga natutuhan ng mag-aaral. Sa tatlong bagay na iyon, at ngayon na napraktis na n’yo nang kaunti, ano ang naging karanasan n’yo? Ano ang nakita n’yong pagkakaiba sa klase gamit ang tatlong kasanayang iyon?
Sister Wheeler.
Sister Wheeler: Sinisikap ko—napansin ko na gusto kong maraming oras ang gugulin ko sa pag-unawa nito, at kumokonti ang oras ko sa pagsasabuhay nito, sa pagpraktis nito. Pero kapag pinapraktis ko ito, tinutulungan silang maunawaan kaagad ang layunin ng lesson, at hanapin ang katotohanan na nakasulat sa bold letter, mas marami kaming oras na mapraktis ito. Mas marami silang oras na makapagpraktis sa klase kaysa sa naibibigay kong oras noon sa kanila.
Brother Willard: Kung tama ang pagkakaintindi ko, ikaw, tulad ng marami sa atin, ay hindi nagtitira ng maraming oras sa katapusan ng lesson para sa pagsasabuhay, tama ba?
Sister Wheeler: Oo.
Brother Willard: At dahil dito nagiging mas intensyunal na bigyan ang bawat estudyante ng oras na makapagpakita ng talagang nadama o natutuhan nila o gustong gawin na magpapabago sa kanila. Tama?
Sister Wheeler: Oo. At mas maraming estudyante ang nakikibahagi kapag mas marami silang oras para gawin ito.
Brother Willard: Salamat. Gustong gusto ko iyan.
Brother Cyril: Ang katotohanan na nakasulat sa mga bold letter ay tumutulong sa akin na masigurong batay sa banal na kasulatan ang itinuturo ko. Alam mo, maaari din nating tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga ito sa buong lesson. At magagamit natin ang mga salita ng mga propeta at ilakip ang mga ito sa katotohanang iyon na nasa mga bold letter na matututuhan nila sa araw na ito. Nakatutulong ito na maging epektibo tayo kapag nagpapraktis tayo dahil naglalaan tayo ng oras sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga buhay na propeta.
Brother Willard: Kaya ang sinabi ni Brother Cavanaugh kanina ay tungkol sa pag-aalala natin na malihis sa mga banal na kasulatan. Isa ‘yan sa mga alalahanin namin, na baka isipin ng guro na dahil nagtuturo sila ng temporal na paksa, hindi na nila gagamitin ang scriptures para ituro ang tungkol sa katatagan ng damdamin.
Brother Cyril: Oo.
Brother Willard: Hindi nila maituturo ang katatagan ng damdamin kung walang banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta. ‘Di ba? Kaya pinag-iisa ‘yan ng katotohanan na nakasulat sa mga bold letter. Salamat sa pagbahagi n’yan, Brother Cyril. Napakaganda.
Sige, Brother, Alcala.
Brother Alcala: Isa sa mga paborito kong sipi ni Elder Packer ay ang pag-aaral ng doktrina ni Cristo ay mas mabilis na magpapabago ng pag-uugali kaysa sa pag-aaral ng pag-uugali. Ako naman—mahilig akong magbasa ng mga libro tungkol sa pagpapabuti ng sarili at makinig sa mga motivational speaker. Nagtuturo ang mga ito ng ilang katotohanan, pero hindi lahat ng katotohanan.
At sa mga lesson na ito sa paghahanda, nagtuturo tayo ng mga lesson na makakatulong sa kanilang buhay, na bahagi si Jesucristo. At dahil d’yan, madaragdagan ang tsansa nilang magtagumpay. Gagawa sila ng mga pagbabago sa mas mabilis na paraan. Mas marami pa silang matatamong pagpapala. At bilang isang nasa kolehiyo, talagang pinagpala ako ng mga lesson na ito sa paghahanda.
At ang makita ko na pinagpala ako nito, alam ko na tiyak na mapagpapala nito ang buhay ng mga estudyanteng tinuturuan natin.
Brother Willard: Gusto ko iyan, Brother Alcala. Ikaw mismo ay pinagpala sa pagtulong sa mga estudyante sa mga lesson na ito sa Paghahanda sa Buhay, dahil naaangkop iyon maging para sa estudyante sa kolehiyo. Tama?
Brother Alcala: Oo.
Brother Willard: Ang galing. Salamat sa pagbahagi n’yan. Paano naman ang layunin ng lesson? Ang target na ‘yan? Nakatulong ba ang pagsentro ng inyong lesson na magpokus sa target na iyon at pagtuon sa mga estudyante roon? Sa paanong paraan?
Brother Cavanaugh.
Brother Cavanaugh: Isa sa mga natuklasan ko ay kung sisimulan ko ang aking lesson sa paglalagay ng layuning iyan sa pisara o sa pagsasabi ng, “Ang lesson na ito ay tutulong sa inyo sa anumang bagay,” ang ilan sa mga estudyante sa klase na hindi gaano naiintindihan ang mga banal na kasulatan ay may isang bagay na pag-iisipan at hahanapin sa mga banal na kasulatan. Kaya malalaman nila kung paano basahin ang isang talata at kung paano ito makakatulong sa kanila. Mas magiging madali na maunawaan nila ang kanilang binabasa at maisabuhay ito. ‘Yan ang nakita ko sa klase ko. Ewan ko kung ganoon din sa inyo.
Brother Willard: May nakaranas din ba n’yan? ‘Yung ganyang tulong. Kahit sino pwedeng sumagot, Brother Cavanaugh. Napakaganda ng sinabi mo, iyan ang nasa isip ko nang ituro ko ang mga lesson para sa Paghahanda sa Buhay ilang linggo na ang nakakaraan, dahil gusto kong mapraktis ito. Pinagtuunan ko ‘yan para masabi ko na, may target tayong inaasinta, at sa buong lesson, nakatulong sa akin na siguruhing patuloy akong nakatuon sa target na ‘yan. Nakakatuwang nakita mo ang aspektong ‘yan. Salamat sa pagbahagi n’yan.
Sige, Brother Dyreng.
Brother Dyreng: Nagbibigay ito ng vision na maaari nating patuloy na balikan. At alam natin na kung mayroon tayong vision at ibinigay natin sa mga estudyante ang vision na iyon, mas nagkakaroon ng kabuluhan ang pag-aaral natin sa klase, at mas madaling makamit ang target na iyon kapag alam mo kung ano ang target sa simula pa lang.
Brother Willard: Oo. Brother Dyreng, may tanong ako: Ano kaya ang mangyayari kung itinuturo mo ang katatagan ng damdamin nang wala ang target na iyon? Kung papasok ka sa klaseng iyon, at nagtuturo ka lang ng tungkol sa isang tiyak na paksa?
Brother Dyreng: Maraming magandang mapag-uusapan tungkol sa iba’t ibang bagay. Pero baka hindi natin matutuhan ang pinakamahalaga na—tulad nga ng sabi ni Sister Robbins—lahat ng itinuturo natin ay dapat nakaugnay sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Ang pag-uugnay ng itinuturo natin sa banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta, at ang pagkakaroon ng layuning ‘yan—ay nagsisilbing angkla para matamo ang layunin sa halip na makipagtalakayan lang sa mga estudyante tungkol sa isang paksa.
Brother Willard: Oo. Sa palagay ba ninyo magandang talakayin ang mga lesson sa paghahanda sa buhay?
Kung puro magandang talakayan lang, hindi tayo nakakatulong na mapalalim ang pagbabalik-loob nila kay Jesucristo. Hindi tayo nakakatulong na maging marapat sila sa mga pagpapala ng templo. At hindi tayo nakakatulong na ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit. Kaya dapat tayong manatiling nakabatay sa salita ng Diyos, na ang mga katotohanang naroon ay hindi lamang magandang bagay, kundi makapangyarihang katotohanan mula sa Ama sa Langit, at nakatuon tayo sa layuning iyon upang ang lahat ng ginagawa natin sa lesson na iyon ay nakakonekta roon.
At ayon kay Sister Wheeler, nagagawa natin ang aktibidad na iyon sa dulo ng lesson para maibigay ang pagkakataong iyon sa bawat estudyante. Napakagandang paliwanag. May gusto pa kayong idagdag?
Sister Wheeler.
Sister Wheeler: May isang komento lang ako. Kung minsan may mga pangyayari na hindi inaasahan, at wala ka na palang sapat na oras. Kulang ang oras natin sa dami ng ihahanda. Kaya nakakatulong sa akin ang layunin para malaman kung ano ang maaari kong alisin sa lesson at maituro pa rin ang kailangan para maunawaan pa rin ang layuning ‘yan.
Brother Willard: Napakahusay. Nakakatulong ito na matantiya ang tagal ng klase. Dahil tulad ng sabi mo kanina tungkol sa pagsasabuhay, kung minsan kulang ang oras na itinitira natin para d’yan. Pero dahil may layunin na, ang katotohanan na nakasulat sa bold letter at ang aktibidad, tantyado ang dapat na bilis ng pagtuturo at nasisigurong naipapaunawa sa mga estudyante ang mahahalagang bagay, sa halip na pag-usapan ang pinakabagong literatura tungkol sa katatagan ng damdamin o sa pamamahala ng pananalapi.
Sister Wheeler: At magagawa ito sa mas maikling panahon kung kailangan at makapagpapatotoo pa rin sa katotohanang iyon.
Brother Willard: Ah, ang galing talaga. Tama. Kaya pinapaikli at mas pinapaganda nito ang mga lesson. Pero epektibo pa rin. Totoo ‘yan. Dalawa pa na gustong magbahagi.
Sister Hunt.
Sister Hunt: Mas madaling ihanda ang mga lesson kapag may layunin ako, ang katotohanan na nakasulat sa bold letter, at ang demonstrasyon. Dahil, maraming beses, tulad ng sinabi mo, maaari tayong gumamit ng iba’t ibang paraan kung wala tayong layunin. Kaya malamang na gumamit ako ng iba’t ibang literatura. Ngunit dahil may layunin ako at scriptures at katotohanan—mas madali para sa akin na maghanda. Masasabi ko, sige, magpokus tayo rito at doon. At ang mga estudyante na ang magdadagdag ng iba.
Brother Willard: Salamat sa pagbahagi n’yan.(kausap si Sister Hunt)
Brother Alcala. (kausap si Brother Alcala)
Brother Alcala: Mahigit isang taon na ang nakararaan, nangako si Pangulong Nelson sa pangkalahatang kumperensya na, sa huling araw, makikita natin ang napakaraming pagpapamalas ng kapangyarihan ng Panginoon. Palagay ko ang mga lesson sa paghahanda sa buhay na ito ay tumutulong sa atin na makita nang mas malinaw ang Kanyang kamay at kapangyarihan.
At ang katotohanang iyon ay nagpapaunawa sa atin na hindi lamang si Nephi ang pinalakas ni Jesucristo, pati rin ako. Itinuro ni Jesucristo kay Nephi kung paano gumawa ng sasakyang-dagat, matutulungan Niya ako [na malaman] kung paano isalig ang buhay ko sa Kanya. Tinulungan Niya ang mga Jaredita o ang mga Nephita na umunlad, matutulungan din Niya ako sa aking pananalapi.
Kaya palagay ko ang pokus ng mga lesson na ito ay ang ipaunawa sa atin na hindi nagbabago ang katotohanan. At si Jesucristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman.
Brother Willard: Brother Alcala, naniniwala ka ba na ang mga lesson na ito sa paghahanda sa buhay ay maaaring katibayan ng isa sa mas malaking pagpapakita ng kapangyarihan ng Panginoon sa mga huling araw?
Brother Alcala: Oo, dahil nakita ko na ito sa buhay ko.
Brother Willard: Ako rin. Salamat sa pagbahagi ng patotoong iyan sa amin. Ang huling tanong natin ngayon ay ano ang maipapayo n’yo sa mga guro sa buong mundo na nagsisimula pa lang sa mga lesson na ito tungkol sa Paghahanda sa Buhay? Nasimulan na ninyo ang mga lesson na ito ngayon? Ano ang sasabihin n’yo sa mga guro sa buong mundo?
Sige, Brother Simmons.
Brother Simmons: Ang katotohanang ipinamuhay ay katotohanang natutuhan ng guro at ng estudyante. Kaya kailangang ipamuhay ito ng guro. Mas magiging mabisa—ang iyong pagtuturo kung ipinamumuhay mo ang itinuturo mo. At kung matutulungan n’yo ang mga estudyante n’yo na ipamuhay ang itinuturo sa kanila, mabisa ‘yan.
Brother Willard: Wow. Kung tama ang pagkaunawa ko, kapag ipinamumuhay n’yo ang mga lesson na ito, ang mga alituntuning iyon ay magbibigay sa inyo ng mas malaking kapangyarihan habang tinuturuan n’yo ang mga estudyante?
Brother Simmons: Oo. Noong naghahanda akong ituro ang esprituwal na self-reliance, naisip ko, “Hindi ako masyadong espirituwal na self-reliant.” Kailangang pagsikapan ko ito kaya may binago ako sa buhay ko para makatulong sa akin na maging mas self-reliant. Pinagsisikapan ko pa. Nakatulong iyon sa akin na mas epektibong magturo.
Brother Willard: Ang galing naman. Salamat sa pagbahagi n’yan. Salamat.
Sige, Sister Robbins.
Sister Robbins: Ang ganda ng kurikulum kaya isa sa mga paborito kong gawin ay maghanap ng mga tanong sa lesson. Kung minsan inilalagay ko ang eksaktong mga salita sa isang slide o tatanungin ang mga estudyante at magsisimula na ang pag-uusap na magbabalik sa amin sa layunin, sa katotohanan. At malaki ang naitulong ng kurikulum dahil hindi na tayo mahihirapang itanong ang tulad ng kung paano nila maipapamuhay ang katotohanan? Gusto kong itinatanong ang mga iyon. Kaya ang payo ko, hanapin natin ang mga tanong na iyon at gamitin.
Brother Willard: Nakuha mo ang tatlong puntong pagbabatayan sa lesson. Pero may mga itinanong ka pa rin sa buong lesson. At nakita mo na talagang nakakatulong ang mga ito?
Sister Robbins: Malaking tulong ang mga iyan.
Brother Willard: Maraming salamat.
Brother Cyril: Sa tingin ko para sa isang bagong guro, ang ilan sa mga lesson sa Paghahanda sa Buhay, hindi kailangang maging napakahusay sa mga iyon. Kailangan mo lang, tulad ng sabi ni Sister Robbins, na manatiling nakatuon sa kurikulum at magpatotoo tungkol sa Tagapagligtas. Hindi mo kailangang maging eksperto sa emosyon—kalusugan ng isip—o hindi mo kailangang malaman ang lahat ng bagay tungkol sa pagharap sa pagkabalisa. Sundin ang kurikulum. Malalaman ng mga kabataan ang kailangan nilang malaman para umasa sa Tagapagligtas na makayanan ang mga hamong pinagdadaanan nila.
Brother Willard: Brother Cyril, natutuwa ako sa sinabi mo, dahil maraming guro ang nahihirapan—tulad ng sinabi ni Sister Hunt noong una—at pakiramdam nila kailangan nilang maging eksperto para maituro nila ito. Gusto ko ang sinabi ni Brother Simmons: kung sisikapin mo lang ipamuhay ang mga alituntuning ito, darating ang Espiritu Santo at magpapatotoo sa mga estudyante sa pamamagitan mo at pagpapalain ang mga henerasyon. Dahil sinikap mong sundin ang magandang kurikulum na ito at pagpalain ang kanilang buhay bilang isang amateur, hindi bilang isang propesyonal.
Brother Cyril: Oo. Sa tingin ko magandang malaman ng kabataan na hindi ka isang eksperto. Ituro mo sila sa Tagapagligtas dahil Siya ang eksperto.
Brother Willard: Siya ang eksperto! Brother Cyril, napakaganda n’yan. Salamat. May gusto pa ba kayong ibahagi, pati sa ating mga guro sa buong mundo?
Sister Wheeler.
Sister Wheeler: Palagay ko—iniisip ng ilan sa kanila kung paano ito masesentro kay Cristo? Gaya ng pagpaplano sa pananalapi. Maikokonekta natin ito sa plano ng kaligtasan at alalahanin na ang layunin ay maging katulad tayo ng ating Ama sa Langit, mamuhay nang katulad Niya, at itanong sa sarili, paano ito nakakatulong na matupad ang layunin?
Brother Willard: Ay, wow.
Sister Wheeler: Isinesentro nito nang husto si Cristo sa mga lesson.
Brother Willard: Ang galing. Kaya hindi lamang nakasentro kay Jesucristo, kundi Siya ang sentro ng plano ng kaligtasan. At alamin kung paano n‘yan matutulungan ang ating mga estudyante na maging katulad ng ating Ama sa Langit. Totoo ‘yan. Salamat, Sister Wheeler.
Brother Dyreng.
Brother Dyreng: Ang payo ko ay simulan ito, manampalataya ka. Simulan ito at pagsikapan. At napansin ko na habang isinasagawa ko ang mga kasanayang ito, nakatulong ito na mapalitan ang “Ano ang gagawin ko?” ng “Ano ang maitutulong ko sa mga estudyante ko para magbalik-loob sa Tagapagligtas?” At ang pagbabagong iyon ay gumawa ng malaking kaibahan. At malaking pagpapala ito sa pagtuturo at pakikipag-ugnayan sa mga estudyante.
Brother Willard: Kaya, Brother Dyreng, sa inservice mo, may ipinangako ka sa iyong mga guro. Nakita mo na ba na nangyayari ‘yan sa kanilang mga klase at sa sarili mong klase?
Brother Dyreng: Siyempre. Kapag may mga pagkakataon tayong panoorin ang isa’t isa na magturo, at tayo mismo ang nagtuturo, uulitin ko ang sinabi ni Brother Alcala, mula sa mensahe ni Pangulong Nelson, na ang mga himalang iyon ay nakikita, ang mga patotoo ng mga estudyante ay napalalakas sa lahat ng uri ng aspeto ng kanilang buhay, at lahat ng ito ay kumukonekta sa Tagapagligtas na si Jesucristo. Napakalaking pagpapala.
Brother Willard: Salamat.
Brother Dyreng: Walang anuman.
Brother Willard: Salamat sa bawat isa sa inyo, sa pagtuturo. Salamat sa pagmamahal n’yo sa mga anak ng Diyos na sapat para mapagpala ang kanilang buhay. Malaki ang nagagawa n’yong kaibhan. Gusto kong pasalamatan ang bawat isa sa ating mga guro sa buong mundo, sa lahat ng kabutihang ginagawa nila. Masigasig kayong nagsisikap na pagpalain ang bagong henerasyon. Mahal namin kayo. Hindi ito madali. Gusto naming malaman n’yo na walang pagsisikap na nasayang. Walang bagay na ginagawa n’yo sa anumang silid-aralan para pagpalain ang mga anak ng Diyos ang masasayang. Salamat sa lahat ng iyan. Kapag iniisip n’yo ang pamagat na “Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay,” isipin ito bilang pamagat para sa lesson sa Paghahanda sa Buhay: Paano kung magdagdag tayo ng ilang salita at gawin itong “Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay na Walang Hanggan”? Ilang taon na ang nakararaan, itinuro sa atin ni Pangulong J. Reuben Clark na hindi lamang para sa panahong ito, kundi pangwalang-hanggan ang itinuturo ninyo.
Mahalaga ang mga lesson na ayon sa tema, ngunit ang buhay na walang hanggan nila ay napakahalaga at mangyayari lamang ‘yan sa pamamagitan ng Anak ng Diyos, si Jesucristo. Alam ko na Siya ay buhay. Alam ko na mahal Niya kayo at ang inyong mga estudyante nang higit pa sa maipapahayag ng mga salita. Tutulungan Niya tayo. Tutulungan Niya kayo. Alam ko ito. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.