Paghahanda at Pagtuturo ng mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay: Paghahanda ng Lesson
Taunang Training Broadcast ng S&I para sa 2025
Huwebes, Enero 23, 2025
Ang lesson bukas ay lesson 185: “Pagkakaroon ng Katatagan ng Damdamin sa Panginoon.” Hahanapin ko rito ang layunin ng lesson na ito sa Paghahanda sa Buhay. Heto iyon. “Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magtiwalang tutulungan sila ng Tagapagligtas na maging matatag ang kanilang damdamin.” Mamarkahan ko ‘yan. Okey. Ngayon ay hahanapin ko ang katotohanan na nakasulat sa mga bold letter sa lesson.
Mukhang ito iyon. “Mapapanatag at mapapalakas tayo ni Jesucristo sa ating mga hamon sa damdamin dahil naranasan din Niya ang mga ito.” Mamarkahan ko rin ‘yan. Gusto kong makita kung saan sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta natin matutukoy ang katotohanang ito. Mukhang nabanggit sa Isaias 53:3–5. Hahanapin ko iyan sa Isaias.
At hahanapin ko ang katotohanang ito sa mga banal na kasulatang ito. Mamarkahan ko iyan—“kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, siya na pinahirapan, nasugatan dahil sa ating mga pagsuway.” At mayroon ding binanggit na sipi mula kay Elder Soares. Mamarkahan ko rin ang mga ideyang nagpapakita ng katotohanang ito. “Ang mga sisidlan ng Tagapagligtas ay puspos ng awa dahil personal Niyang naranasan at inako sa Kanyang Sarili noong nabubuhay Siya sa mundo ang hapdi ng ating kahinaan at mga sakit.”
At susunod, hahanapin ko kung saan maipapakita ito ng bawat estudyante. Sa pinakadulo nito sinasabi na papikitin natin sila at ipalarawan sa kanilang isipan na kasama nila ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas sa panahon ng kanilang paghihirap. Mamarkahan ko rin iyan.