Mga Taunang Brodkast
Paghahanda at Pagtuturo ng mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay: Paghahanda ng Lesson


4:54

Paghahanda at Pagtuturo ng mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay: Paghahanda ng Lesson

Taunang Training Broadcast ng S&I para sa 2025

Huwebes, Enero 23, 2025

Sister Katrina Hunt: Sige. Ngayon, gusto kong pag-usapan lang ninyo ng mga kagrupo ninyo kung ano ang isang sitwasyong pinagdaraanan ng mga tinedyer na mahirap sa emosyon o damdamin. Sige, mag-usap-usap na muna kayo sandali.

CLASS: (Chatter)

Sister Hunt: Sa inyong study journal ngayon, gusto kong isulat ninyo ang isang sitwasyong mahirap sa emosyon o damdamin na kasalukuyan ninyong pinagdaraanan.

Pagkatapos ng klase ngayong araw sana ay makadama kayo ng higit na tiwala na matutulungan at tutulungan kayo ng Tagapagligtas sa mga hamon na kasalukuyan ninyong pinagdaraanan sa anumang mga hamong dumarating.

Sige. Para simulan ito, sino ang pinakamagandang halimbawa natin sa lahat ng bagay?

CLASS: Si Jesucristo.

Sister Hunt: Ayos. Tama iyan. Maaari ba ninyong buksan ang Isaias kabanata 53? Puwede ba ninyong basahin ang mga talata 3 hanggang 5? Puwede bang basahin ninyo iyan nang tahimik sa inyong sarili? At sa sticky note na ito, puwede bang isulat ninyo ang isang pariralang nagustuhan ninyo na mahalaga sa inyo? Sa likod ay may isang sipi mula kay Elder Soares. Puwede bang salungguhitan ninyo ang isang bagay na tumatak sa inyo, tulad ng ginawa ninyo sa mga talata?

Gamit ang table ninyo, puwede bang pag-isipan ninyo sa grupo ang Isaias 53:3–5, at ang sinabi ni Elder Soares? At puwede bang mag-isip kayo ng isang katotohanang maaari nating matagpuan sa dalawang siping ito na mula sa Diyos? Sige.

CLASS: (Chatter)

Sister Hunt: Ayos. Mayroon bang isang grupo na gustong magbahagi sa atin? Anong katotohanan ang nakita ninyo?

Opia.

Opia: Ang katotohanan pong nakita ko ay nasa sipi. Sabi rito, “Nag-aalok sa atin ang Tagapagligtas ng kaginhawahan at kapanatagan.” At ang isang bagay na gusto ko roon ay na alam Niya ang pinagdaraanan natin, at lagi Siyang nariyan para sa atin. At kung minsa’y iniisip natin na nag-iisa tayo, pero kung hihingi tayo ng tulong sa Kanya, lagi Niya tayong sasagutin.

Sister Hunt: Napakaganda. Alam ng Tagapagligtas ang pinagdaraanan natin.

At ano ang magagawa Niya tungkol doon?

Opia: Maaari Siyang maging isang taong nariyan lagi, isang taong alam natin na lagi nating matatakbuhan, na papayapa sa ating isipan.

Sister Hunt: Ang ganda niyan. At sa simula, binanggit mo rin na mapapanatag tayo, tama ba? Mabibigyan niya tayo ng kapayapaan at kapanatagan.

Alam ko na ang katotohanang ito na natagpuan ninyo sa mga banal na kasulatan at mula kay Elder Soares ay totoo. Sa sarili kong buhay, may mga pagkakataon na walang taong posibleng nakakaalam kung ano ang nadarama ko. Pero alam ko na alam iyon ng Tagapagligtas, at na binigyan Niya ako ng kapayapaan at kapanatagan. Kaya susubukan natin ito sa paglalarawan sa ating isipan.

Sige. Ipikit ninyong lahat ang mga mata ninyo. Maaari ba ninyong isipin ang sitwasyong mahirap sa emosyon o damdamin na isinulat ninyo sa inyong study journal? At tatanungin ko kayo ng ilang bagay. At gusto kong pag-isipan lang ninyo iyon. Pagkatapos, pagkaraan ng ilang minuto, imulat ninyo ang inyong mga mata, at sumulat kayo ng ilang ideya at damdamin. Okay?

Unang tanong: Kung kasama ninyo ang Tagapagligtas, ano sa palagay ninyo ang gagawin Niya? Ano sa palagay ninyo ang gagawin ng Tagapagligtas habang nagdaraan kayo sa sitwasyong nagpapahirap sa inyong damdamin? Ano kaya ang iisipin at madarama ninyo?

Isa pang tanong: Ano kaya ang sasabihin Niya sa inyo? Ano kaya ang ipagagawa Niya sa inyo?

Susunod: Ano kaya ang maitutulong sa inyo ng Kanyang presensya, pagmamahal, at suporta para makontrol at madaig ninyo ang iyong pagkabalisa?

Puwede bang imulat ninyo ang inyong mga mata, at sa inyong study journal, isulat ninyo ang anumang naisip at nadama ninyo?