Seminary
Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan: Buod


“Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan

Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan

Buod

Bilang katibayan ng Kanyang pagkahabag sa atin, ipinadala ng Panginoon ang Kanyang mga sugo upang payuhan at balaan ang Kanyang mga tao (tingnan sa 2 Mga Cronica 36:15). Makatatanggap tayo ng personal na paghahayag mula sa Panginoon sa pamamagitan ng tinig ng Kanyang mga tagapaglingkod. Habang pinakikinggan at pinag-aaralan natin ang mga mensahe ng Kanyang mga tagapaglingkod, maririnig natin ang tinig ng Panginoon. Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na pag-aralan ang mga mensahe ng Panginoon na ibinigay ng Kanyang mga tagapaglingkod.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Paghahanda para sa Pangkalahatang Kumperensya

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Maaaring ituro ang lesson na ito bago ang pangkalahatang kumperensya sa Abril at Oktubre. Kung dalawang beses ituturo ang lesson na ito sa buong taon, tingnan ang bahaging Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral sa Gospel Library para sa isa pang paraan upang magawa ito.

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maghandang tanggapin ang mga mensahe mula sa Tagapagligtas sa pangkalahatang kumperensya.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga pagpapalang maaaring magmula sa panonood ng susunod na pangkalahatang kumperensya at kung paano sila maaaring maghanda para dito.

  • Mga item na ipapakita: Sulat o larawan na “Para Lamang sa Iyo,” pahayag mula kay Elder Neil L. Andersen

  • Handout:Pagkatuto nang Husto Mula sa Pangkalahatang Kumperensya

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga sticky note o isang piraso ng papel para sa bawat estudyante

  • Video:The Blessings of General Conference” (2:24)

Pag-aaral ng mga Mensahe ng mga Tagapaglingkod ng Panginoon

Mungkahi sa Takbo ng Pagtuturo: Pag-isipang ituro ang lesson na ito bago ituro ang mga mensahe ng mga lider ng Simbahan na gumagamit ng “Lesson 207: Template: Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan.” Maaari mo itong ituro nang malapit sa simula ng school year upang maging pamilyar ang mga estudyante sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga mensahe ng mga lider ng Simbahan.

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na isama ang pag-aaral ng mga mensahe ng Panginoon na ibinigay ng Kanyang mga tagapaglingkod bilang bahagi ng kanilang personal na pag-aaral ng ebanghelyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang ilan sa mga pagpapalang natanggap nila habang pinag-aaralan nila ang mga mensahe kamakailan mula sa mga lider ng Simbahan. Maaari din nilang tanungin ang isang kapamilya o lokal na lider ng Simbahan tungkol sa mga pagpapalang naranasan nila. Magkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi ang mga pagpapalang ito sa klase.

  • Mga item na ipapakita: Dalawang pahayag mula kay Pangulong Russell M. Nelson

  • Video:Pakinggan Siya” mula sa time code na 13:07 hanggang 14:16

Template: Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang lahat ng lesson na gumagamit ng template na ito ay maaaring ituro sa anumang pagkakataon sa school year o sa anumang linggo sa pacing ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Gayunman, kung hindi mo pa nagamit ang template na ito, maaaring makatulong na ituro ang lesson na “Pag-asa ng Israel” sa ibaba bago maghanda ng bagong lesson gamit ang template na ito.

Layunin ng lesson: Ang template na ito ay ginawa para magamit bilang tool upang matulungan kang ituro ang mga mensahe mula sa mga lider ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Paghahanda ng estudyante: Ibahagi sa mga estudyante ang pamagat ng mensaheng pag-aaralan nila sa klase. Hikayatin sila na basahin, panoorin, o pakinggan ang buong mensahe o ang isang bahagi nito bago ang klase. Anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging ihanda ang kanilang mga puso para maturuan sila ng Espiritu Santo habang pinag-aaralan nila ang mga mensahe ng mga tagapaglingkod ni Jesucristo.

“Pag-asa ng Israel”

Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang lesson na ito ay nagbibigay ng halimbawa kung paano ituro ang mensahe mula sa isang lider ng Simbahan gamit ang lesson na “Template: Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan.” Pag-isipang ituro ang lesson na ito sa simula ng school year, bago ang iba pang mga lesson na nagbabahagi ng mga mensahe ng mga lider ng Simbahan.

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na kumilos ayon sa mga paanyaya ni Pangulong Russell M. Nelson.

  • Paghahanda ng estudyante: Ibahagi sa mga estudyante ang pamagat ng mensahe ni Pangulong Nelson na “Pag-asa ng Israel.” Hikayatin sila na basahin, panoorin, o pakinggan ang buong mensahe o ang isang bahagi nito bago ang klase. Anyayahan sila na mapanalanging ihanda ang kanilang mga puso para maturuan sila ng Espiritu Santo habang pinag-aaralan nila ang mga mensahe ng mga tagapaglingkod ni Jesucristo.

  • Mga item na ipapakita: Pahayag mula kay Pangulong Russell M. Nelson

  • Mga Handout:Ang Pagtitipon ng Israel”; “Mga Paanyaya na Maging Bahagi ng Pagtitipon ng Israel

  • Video:Pag-asa ng Israel” mula sa time code na 29:51 hanggang 33:37