Seminary
Malakias: Buod


“Malakias: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Malakias: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Malakias

Malakias

Buod

Sa pamamagitan ni propetang Malakias, ipinangako ng Panginoon na kung magbabayad tayo ng ikapu, bibigyan Niya tayo ng pagpapalang higit pa sa natatanggap natin (tingnan sa Malakias 3:10). Ipinropesiya rin ni Malakias na ipapanumbalik ng Tagapagligtas ang mga susi ng pagbubuklod upang “[ibaling] ang puso ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang” (Malakias 4:6).

icon ng seminaryLumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat ng mag-aaral at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang kontribusyon. Tinuruan ng Tagapagligtas ang lahat ng tao, kabilang ang mga taong nagkasala o iniiwasan. Ipinakita at itinuro Niya ang ganito ring pagtanggap at pagmamahal sa Kanyang mga tagasunod. Habang nagtuturo ka, maghanap ng mga paraan upang matulungan ang lahat ng estudyante na madamang kabilang at tinatanggap sila. Tulungan silang malaman na importante at pinahahalagahan ang pakikilahok nila sa klase. Upang malaman pa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan sa “Tiniyak ng Tagapagligtas na Nadama ng Lahat na Iginagalang at Pinahahalagahan Sila” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 13–14). Para sa halimbawa kung paano matutulungan ang mga estudyante na malaman na pinahahalagahan ang kanilang mga kontribusyon, tingnan sa Lesson 160: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 10.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Malakias 3

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng hangaring sundin ang batas ng ikapu ng Panginoon.

  • Paghahanda ng mga estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng kuwento kung saan pinagpala ang isang tao sa pagsunod sa kautusan ng Panginoon na magbayad ng ikapu. Kung makatutulong, maaaring magtanong ang mga estudyante sa kanilang mga magulang o mga lider ng Simbahan o maghanap ng mga kuwento sa Gospel Library.

  • Video:Ang Wika ng Ebanghelyo” (12:27) mula sa time code na 6:10 hanggang 6:41 at 6:42 hanggang 7:40

  • Mga item na ipapakita: Isang kawali, baso, at pitsel ng tubig

  • Handout:Ang Batas ng Ikapu ng Panginoon

Malakias 4

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na ibaling ang kanilang puso sa kanilang mga magulang, ninuno, at mga inapo sa hinaharap.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maglaan ng ilang minuto sa pagtuklas sa FamilySearch.org o sa FamilySearch Tree app. Halimbawa, maaari silang mag-click sa mga kamag-anak sa kanilang family tree para matuto pa tungkol sa kanila. O maaari nilang kumpletuhin ang ilan sa mga aktibidad sa family history na makikita sa website o sa menu na “More” sa app. Kung walang access ang mga estudyante sa resources na ito, maaari silang makipag-usap sa isang magulang o kapamilya upang matuto ng bagong impormasyon tungkol sa isang ninuno.

  • Video:Sa pamamagitan ng Kamay ni Elijah, ang Propeta” (3:32) mula sa time code na 0:00 hanggang 0:35

  • Larawan: isang templo

  • Nilalamang ipapakita: ang pangalawang pahayag mula kay Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili; Tema ng Young Women at Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood

I-assess ang Iyong Pagkatuto 10

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral kamakailan ng Lumang Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumunta sa klase na handang magbahagi ng isang larawan na kumakatawan sa mga talento o kasanayan na nalinang nila, mga paraan kung paano sila umunlad, o mga karanasan nila noong nakaraang taon o mahigit pa. Kung hindi sila makahanap ng larawan, maaari silang pumasok na lang sa klase nang may halimbawang ibabahagi.

  • Mga Larawan: Ilang larawan ng mga pangyayari sa banal na kasulatan sa Lumang Tipan na naglalarawan sa Tagapagligtas o sa Kanyang kapangyarihan (ang ilang halimbawa ay ang larawan ng Tagapagligtas sa panahon ng Paglikha; si Moises at ang ahas na tanso na nakalagay sa isang tikin; ang Tagapagligtas sa hurno kasama sina Shadrac, Meshac, at Abednego; at si Daniel na tumanggi sa karne at alak ng hari).