Seminary
Hagai 1–2; Zacarias 1–4; 10–14: Buod


“Hagai 1–2; Zacarias 1–4; 10–14: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Hagai 1–2; Zacarias 1–4; 10–14: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Hagai 1–2; Zacarias 1–4; 10–14

Hagai 1–2; Zacarias 1–4; 10–14

Buod

Nagpropesiya ang mga propetang sina Hagai at Zacarias sa mga Judio na bumalik sa Jerusalem upang tumulong sa muling pagtatayo ng templo. Naharap ang mga Judio sa oposisyon sa pagtatayo ng templo at itinigil nila ang paggawa nito. Inanyayahan ni Hagai ang mga tao na pag-isipan ang kanilang mga lakad at gawing priyoridad ang pagtatayo ng templo. Nagbigay siya ng mga pangako mula sa Panginoon kung gagawin nila ito. Ipinaabot ni Zacarias ang paanyaya ng Panginoon na magsisi at bumaling sa Kanya. Ipinropesiya rin ni Zacarias ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Inilarawan niya ang huling matinding digmaan sa Jerusalem at kung paano darating ang Mesiyas upang iligtas ang Kanyang mga pinagtipanang tao.

icon ng seminaryTulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay. Kailangan ng mga estudyante na hindi lamang alamin ang tungkol sa pagmamahal, kapangyarihan, at awa ni Jesucristo; kailangan din nilang maranasan ito mismo. Upang matutuhan ang iba pa tungkol sa kung paano mo ito magagawa, tingnan ang “Tulungan ang mga Mag-aaral na Madama ang Pagmamahal, Kapangyarihan, at Awa ng Panginoon sa Kanilang Buhay” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 8). Para sa halimbawa kung paano mo matutulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon, tingnan sa Lesson 157: “Zacarias 10–14.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Hagai

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na unahin ang Diyos sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga bagay na ginagawa nila sa karaniwang araw. Maaaring lagyan ng label ng mga estudyante kung alin sa palagay nila ang bagay na pinakamahalaga at isipin kung bakit nila itinuturing na mahalaga ang mga bagay na iyon. Maaari nilang dalhin ang kanilang listahan sa klase.

  • Mga Item: Malinaw na garapon, bato, at buhangin; isang permanent marker upang makapagsulat sa mga bato

  • Mga Video:The Soul’s Sincere Desire” (3:28); “Isuot Mo ang Iyong Lakas, O Sion” (13:56) mula sa time code na 11:27 hanggang 12:06

  • Nilalamang ipapakita: Pahayag mula kay Elder Bednar

  • Larawan: Drowing ng isang garapon na may buhangin sa tabi

Zacarias 1–8

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga paraan kung paano sila maaaring bumaling sa Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang sasabihin nila sa isang kaibigan na nakadaramang malayo siya sa pagmamahal ng Panginoon. Maaaring maghanda ang mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang payo. Maaaring tanungin ng mga estudyante ang isang pinagkakatiwalaang kaibigan o magulang kung anong payo ang ibibigay nila sa ganitong sitwasyon.

  • Larawan: Isang larawan ng Tagapagligtas

  • Handout:Maaari Tayong Bumaling sa Panginoon sa Pamamagitan ng …

Zacarias 10–14

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng kumpiyansang makakasama nila ang Tagapagligtas sa mga kaganapang mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito.