“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mikas; Nahum; Habakuk; Sefanias: Lesson 154
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10
Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na isalig ang kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na ibahagi ang mga doctrinal mastery passage na makabuluhan sa kanilang buhay at tulungan sila na matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nila. Hikayatin silang pumunta sa klase na handang ibahagi ang isang passage na nagpalalim ng kanilang patotoo, pag-unawa sa ebanghelyo, o ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Nakalista ang mga scripture passage na ito sa dulo ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Ibahagi
Para maihanda ang mga estudyante na magbahagi ng maraming doctrinal mastery passage na nakaimpluwensya sa kanila ngayong taon, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na sagutin nang mabilisan ang sumusunod na tanong nang may kapartner para sa bawat isa sa mga nakalistang sitwasyon.
Ano ang paborito mong pagkain sa bawat isa sa mga sumusunod na sitwasyon?
-
Pagkagising sa umaga
-
Meryenda sa gabi
-
Sa iyong kaarawan
-
Sa isang mainit na hapon
-
Sa isang malamig na gabi
Katulad ng mga pagkain na gusto ninyo na maaaring magbago batay sa iba’t ibang sitwasyon, maaaring magbago din batay sa iba’t ibang pangangailangan at sitwasyon ang inyong mga paboritong scripture passage.
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong para sa bawat sitwasyong inilarawan sa ibaba. Maaari kang huminto sandali pagkatapos ibahagi ang bawat sitwasyon para mabalikan ng mga estudyante ang listahan ng mga scripture mastery passage ng Lumang Tipan sa dulo ng Doctrinal Mastery Core Document (2023). Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa kapartner o sa maliit na grupo ang mga passage na pinili nila at kung bakit.
Tiyaking mag-iwan ng sapat na oras sa klase para sa bahaging “Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.”
Ano ang paborito mong doctrinal mastery passage sa Lumang Tipan para sa bawat isa sa mga sumusunod? Bakit?
-
Upang matuto tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang misyon
-
Upang ipaliwanag ang ating pangangailangan sa mga propeta
-
Upang maunawaan ang plano ng kaligtasan
Pag-aralan at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Para sa sumusunod na aktibidad, maaaring makatulong na ilagay ang mga estudyante sa mga grupong may tigtatatlong miyembro, kung saan magtutuon ang bawat miyembro ng grupo sa magkakaibang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Bigyan ang mga estudyante ng oras para rebyuhin ang mga talata sa Doctrinal Mastery Core Document na tumutugma sa kanilang alituntunin. (Ang mga ideya para sa pagrerebyu ay kasama sa “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery” sa appendix ng manwal na ito.)
Kapag tapos na ang mga estudyante na magrebyu, bigyan ang bawat grupo ng isang piraso ng papel. Anyayahan silang gamitin ang tatlong hakbang sa ibaba para magsulat ng isang makatotohanang sitwasyon kung saan magiging mahalaga ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Kung kailangan ng mga grupo ng karagdagang gabay, maaari kang magmungkahi sa kanila na gumawa ng mga sitwasyon batay sa isang tinedyer na may mga tanong o alalahanin tungkol sa isa sa mga sumusunod na paksa:
-
Ang katotohanan ng Aklat ni Mormon
-
Ang pangangailangan sa ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo sa mundo
-
Mga payo ng propeta kamakailan
Kung makatutulong, mayroong mga iminumungkahing sitwasyon sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ng lesson na ito na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
Gamitin ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa at pagtalakay ng makatotohanang sitwasyon kung saan maaaring gamitin ng isang tinedyer ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para tumulong sa mga tanong o alalahanin.
-
Isulat ang pangalan at edad ng tao at isang makatotohanang hamon sa pananampalataya na kinakaharap niya.
-
Maglista ng isa o dalawang tanong o alalahanin na mayroon siya dahil sa hamong kinakaharap niya.
-
Talakayin ang sumusunod na tanong sa iyong grupo, ngunit huwag isulat ang iyong mga sagot sa iyong papel. Tiyaking may pagkakataon ang bawat miyembro ng grupo na makapagbahagi ng kanilang mga ideya.
-
Paano makatutulong ang bawat alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa taong ito sa kanyang sitwasyon?
Bigyan ng maraming oras ang mga grupo upang matalakayang unang tanong. Maaari kang maglibot sa silid at panandaliang sumali sa iba’t ibang grupo upang malaman kung ano ang ibinabahagi nila sa isa’t isa.
Kung sa tingin mo ay makatutulong na bigyan ang mga grupo ng mas partikular na mga tanong na tatalakayin, maaari mong ibigay ang ilan o lahat ng sumusunod.
-
Ano ang alam ninyo tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano para sa Kanyang mga anak na makatutulong sa taong ito na magkaroon ng walang-hanggang pananaw?
-
Paano maaapektuhan ng kanyang mga pagpili sa sitwasyong ito ang kanyang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
-
Anong mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan ang mairerekomenda ninyong pag-aralan niya?
Kung may oras pa, kapag tapos nang magbahagi ang mga grupo, anyayahan silang makipagpalitan ng mga sitwasyon sa ibang grupo at talakayin ang tanong (o mga tanong) gamit ang sitwasyon ng iba pang grupo.
Personal na pagsasabuhay
Ito ang huling lesson para sa pagsasanay sa doctrinal mastery ng taon ng Lumang Tipan. Sa kaalamang iyan, maaaring makatulong sa mga estudyante na magnilay at magsulat sa kanilang study journal tungkol sa isang sitwasyon sa sarili nilang buhay kung saan magagamit nila ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari kang magbahagi ng maikling halimbawa mula sa iyong buhay kung saan pinagpala ka ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na kumpletuhin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na pahiwatig tungkol sa sitwasyong isinulat nila sa kanilang study journal. Hikayatin silang humingi ng mga impresyon mula sa Espiritu Santo na makatutulong sa kanila na ipamuhay ang mga alituntuning ito.
-
Ang isang paraan na makakakilos ako nang may pananampalataya kay Jesucristo ay …
-
Ang mga katotohanang naaalala ko tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Kanilang plano na makatutulong sa akin ay …
-
Ang mga source na maaari kong pagtuunan na magpapalakas sa aking pananampalataya sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga turo ay …
Hikayatin ang mga estudyante na sadyang ipamuhay ang mga alituntuning ito at kumilos ayon sa mga impresyong natatanggap nila.