Seminary
Mikas; Nahum; Habakuk; Sefanias: Buod


“Mikas; Nahum; Habakuk; Sefanias: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Mikas; Nahum; Habakuk; Sefanias: Buod,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Mikas; Nahum; Habakuk; Sefanias

Mikas; Nahum; Habakuk; Sefanias

Buod

Itinuro ni propetang Mikas na nais ng Panginoon na tayo ay “gumawa na may katarungan, at umibig sa kaawaan, at lumakad na may kapakumbabaan” kasama Niya (Mikas 6:8). Noong nagkaroon ng mga tanong ang propetang si Habakuk tungkol sa kasamaan sa paligid niya, humingi siya ng mga sagot sa Panginoon at pinili niyang panatilihin ang kanyang pananampalataya habang hinihintay niya ang mga ito.

icon ng seminaryMagtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Ang pagtatanong ng mga tanong sa pagsasaliksik at mga follow-up na tanong na tumutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga katotohanang nakapagpapabalik-loob ay makapagpapatibay ng kanilang pananampalataya kay Cristo at sa kanilang hangaring sundin Siya. Makakakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 152: “Mikas.”

Upang malaman ang iba pa tungkol sa kahalagahan ng pagtutuon sa katotohanang nakapagpapabalik-loob, tingnan ang “Ang Tagapagligtas ay Nagturo ng mga Katotohanang Humahantong sa Pagbabalik-loob at Nagpapalakas ng Pananampalataya” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 22).

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda para sa bawat lesson.

Mikas

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na gumawa nang may katarungan, umibig sa kaawaan, at lumakad na may kapakumbabaan kasama ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng ilang kapamilya o kaibigan, pagkatapos ay mag-isip ng mga partikular na bagay na gagawin nila para masiyahan ang bawat isa sa mga taong iyon. Maaari nilang isulat kung paano nila maaaring gawin ang mga bagay-bagay nang magkakaiba para sa bawat tao.

  • Handout:Ano ang Hinihingi ng Panginoon?

  • Mga Materyal: Mga sticky note o maliliit na piraso ng papel at isang paraan para maidikit ang mga ito sa pisara

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin at pahiwatig para makapagplano sa katapusan ng lesson

Habakuk

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano mapapanatili ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo kapag mayroon silang mga tanong na tila hindi nasasagot.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tanungin ang isang kaibigan o kapamilya kung nagkaproblema na siya sa mahihirap na tanong na tila hindi nasasagot. Kung gayon, maaaring itanong ng mga estudyante kung ano ang ginawa ng taong ito para manatiling matapat sa Panginoon habang naghihintay siya ng mga sagot.

  • Mga bagay na ipapakita: Isang garapon na may label na tandang pananong; isang garapon na may larawan ni Cristo

  • Video:Ang Repleksyon sa Tubig” (44:24) mula sa time code na 38:18 hanggang 39:20; “His Grace: Choosing to Believe in God” (4:07)

  • Mga Materyal: Ilang maliliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 10

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na ibahagi ang mga doctrinal mastery passage na makabuluhan sa kanilang buhay at tulungan silang matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nila. Hikayatin silang pumunta sa klase na handang ibahagi ang isang passage na nagpalalim ng kanilang patotoo, pag-unawa sa ebanghelyo, o ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Nakalista ang mga scripture passage na ito sa dulo ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).

  • Mga Materyal: Mga piraso ng papel para sa maliliit na grupo